bc

Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin ( Completed )

book_age16+
1.8K
FOLLOW
7.7K
READ
second chance
arrogant
boss
drama
sweet
brilliant
witty
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

( PUBLISHED UNDER HOWLING WOLF'S PUBLISHING )

Minsan lang daw s'yang magmahal at ako 'yon...kaya handa raw niyang gawin at ibigay ang lahat para maangkin ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad niya na gwapo, mayaman at mahal ako? Ngunit may isang problema...may iba akong gusto at hindi siya 'yon!.

chap-preview
Free preview
Prologue
Yuna's POV....        nagkakasayahan ang buong pamilya namin sa resort na yon sa batangas na dinayo pa namin mula laguna para idaos ang family reunion namin ,kompleto ang pamilya ng mother side ko kasama ang lolo at lola ko. Ang iba kong tiyahin ay nagiihaw ng isda na nasa tabi lang ng inarkila naming kubo, ang mga tiyuhin ko naman ay nagiinom ng alak kasama ang iba kong pinsan at kapatid samantalang kaming mga magpipinsang babae ay nagbi-videoke naman. Summer pa non kaya maraming tao sa naturang beach.         Medyo mahal ang beach na yon kahit public dahil maganda ang tanawin at malinis ang dagat at maraming pool na pagpipilian. Sinagot nang isa kong tiyahin ang bayad don ,sila kase ang medyo nakaka-angat sa buhay,  in short mapera. Unlike kami na maraming magkakapatid at ako pa ang panganay, lima kaming magkakapatid at ako palang ang nagwowork,  2 years course lang ang tinapos ko dahil di kaya ng mga magulang ko na ipagpatuloy kopa ang pagaaral kaya nag decide na akong magwork para makatulong sa kanila. Lalo na at may maliit pa akong kapatid.    " te Yuna " siniko ako ng pinsan kong si Mitchiko habang kumakanta ako ng paborito kong awitin ni Sarah G.  Nilingon ko lang sya at nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.     May sinabi sya pero diko marinig dahil sa lakas ng videoke namin at sa iba pang videoke na naroon sa resort. Ibinaba ko ang mic na hawak ko saka bumaling sa kanya.    " ano yon? "    " kilala mo ba yon? " turo nito sa di kalayuan.    " sino dyan? "   " ayun,  yung lalaking naka blue sando,  kanina pa kase sya tingin ng tingin sayo eh"     Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng nakababata kong pinsan,  tiningnan ko ang dereksyon ng lalaking sinasabi nyang tingin ng tingin sa akin. Naka sando ito na kulay blue at itim na trunk, sa hitsura ng lalaki ay halatang taga manila ito,  may mga kasama ito sa kubo na pawang mga lalaki din na mahihitsura. Hinintay ko na magbaling ang mukha nya sakin pero di yon nangyari.       " hindi naman nya ako tinitingnan ah" sabi ko kay Mitchiko.  Ang isa naming pinsan na si lovely ang may hawak na ng mic at kumakanta ng forever blue ni cacai.    " kanina kaya nakita ko, tinititigan ka nya, "    " baka naman sa iba nakatingin, daming tao dito no" sabi ko.   " sabagay baka nga,  imposible ngang ikaw ang tinitingnan nya, di ka naman maganda " buska nito na may kasama pang tawa kaya nakurot nya ito sa tagiliran.   "Ikaw talaga".     Ipinagpatuloy na namin ang pagbi-videoke pero patingin tingin ako sa gawi ng lalaki sa di kalayuan. Curious kase ako kung totoo ba ang sinabi ng pinsan ko o sa iba ito nakatingin.  Sa ilang sulyap ko sa kanya ay di ko mahuling nakatingin sya sakin, kausap nito ang isang kasamang lalaki at waring may pinaguusapan. Gwapo ang lalaki,  walang duda yon, matangkad ito at mApusyaw na kaligatan ang kulay ng balat, malaki din ang katawan nito at mamasel ang braso,  in short lalaking lalaki na ito.  Dahil nakatingin ako sa gawi nila ay nakita kong tumingin sa gawi ko ang kausap nyang lalaki na ikinabigla ko kaya dali dali akong nagbaling ng tingin sa ibang dereksyon. Goodness, nahuli pa akong nakatingin, baka isipin nila nagpapapansin ako ah!  Ilang minuto ang pinalipas ko bago ako muling tumingin sa gawi ng lalaki,  at muntik nang malaglag ang puso ko sa kaba ng magtama ang mga mata namin ng lalaking naka blue sando,  as in nagkatitigan kami,  tama ang sinabi ni Mitchiko,  sa akin sya nakatitig,  sure ako na sa akin sya nakatitig dahil nakatitig din ako sa kanya. My God ang gwapo nya!  Pinaka gwapo sa lahat,  suplado type ang mukha pero nakadagdag lang yon sa appeal nya. Ngayon ko lang napansin na nasa kanya ang atensyon ng mga babaeng nasa beach nayon, lahat sila ay gumagawa ng paraan para mapansin ng lalaking nakatitig sa akin. Kalma ka lang heart!     Nung una inakala kong napatingin lang sya sa akin ngunit habang tumatagal ay lagi kong nahuhuli ang mata nya na pinagmamasdan ako. Kahit nang magswimming kaming magpipinsan sa pool ay nararamdaman ko parin ang titig nya.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.8K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook