Chapter - 01

2075 Words
Yuna's POV.........   Masigla ang gising ko ng umagang yon,  night shift ang schedule ko sa pinapasukan kong electronic company sa cavite kung saan Quality controler ang work ko. Nasa bahay namin ako sa laguna at naggagayak na pabalik ng cavite ,   By the way, ako nga pala si Yuna Laine Quinto,  24 years old at bread winner ng pamilya. Apat ang mga kaptid kong sumunod sa akin at tatlo pa doon ang nagaaral, ang sumunod sa akin ay lalaki na nakabuntis kaya maagang nagasawa. Ang parents ko ay magtitinda ng gulay sa palengke sa bayan namin. Sa hitsura naman 5'2 ang taas ko slim ang katawan at sakto lang ang kulay, maraming nagsasabi na baka ampon lang daw ako nila nanay at tatay dahil malayo daw ang hitsura ko sa mga kapatid ko, bakit? Maganda daw kase ako,  at ang kutis ko parang laki sa mayamang pamilya, di tulad ng mga kapatid ko na kakulay ng mga magulang ko. Pero di ako ampon no?  Unang apo ako ng lolo at lola ko, sa katunayan sa kanila ako lumaki, inalagaan lang akong maigi ni nanay mula pagkabata dahil excited sa unang anak. Tatlong lalaki pa ang sumunod sa akin bago pa ako nagkaroon ng kapatid na babae, kaya nabaling sakin ang atensyon ng magulang,  kaya kahit mahirap ang buhay namin never ko yong dinanas,  daig ko pa ang prinsesa mula pagkabata ,nagkataon lang na iba na ang sitwasyon namin ngayon kaya kinailangan kong tumulong agad sa kanila, humina kase ang tindahan nila tatay at nanay at lumalaki ang gastos sa pagaaral ng mga kapatid ko,ako lang ang inaasahan nila. Kaya nagsisipag ako sa trabaho kahit di kalakihan ang sweldo .   About sa ugali,simple lang naman ako,masiyahin ,positive lagi at may pagka-maldita din minsan. Isip bata minsan ,lumaki kase akong limited lang ang problema.wag problemahin ang di kayang problemahin.thats it! Iginala ko ang paningin sa aming munting bahay, naipasemento ko na ang kalahati ng bahay na yon at paunti-unti na rin namin nahuhulugan ang 100sqm na lupang kinatitirikan ng bahay namin.goal ko na mapaganda ang bahay na yon bago ako magasawa.hahahah wala pa sa utak ko ang pagaasawa, kailangan ko munang sumuporta sa kanila .pero meron akong itinatanging lalaki sa puso ko. Alas singko ng hapon nakarating ako sa boarding house namin sa cavite.kasama ko don ang pinsan kong si Lovely na operator sa company na pinagtatrabahuhan ko at ang isa ko pang pinsan na si  Arvin na engineer sa ibang company na sakop din ng cavite. Alas otso pa ang pasok ko kaya nagpahinga muna ako sa katre ko ..first night na naman mamaya ,tiyak na aantukin ako sa trabaho ,sana ka-shift ko si Sir Tristan para makaya ko ang antok ..landi!   Well..si Tristan Villanueva ang leader ng engineering department sa company namin, ang A&A electronic company na gumagawa ng hard disk ng mga laptop etc.  Si Sir Tristan ay matagal ko nang crush, mula ng dumating ito sa company at maging kaibigan ko. Matanda ako ng tatlong taon sa kanya pero wapakels,  basta crush ko sya. Fresh graduate palang kase ito at alam kong hindi ito magtatagal sa company namin kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon na kasama ko sya,  ang alam ko kase ay taga manila ito at may kaya ang pamilya, nagpapalawak lang ito ng work experience bago sumabak sa trabahong nakalinya talaga dito. Bukod sa Sir ko sya sa trabaho ay bestfriend ko rin sya. Naging super close kami mula ng ma hired sya don. At sa ipinapakita nyang special na trato sakin ay nahulog ang loob ng sa lalaki. Break time nang makita ko si Sir Tristan sa canteen,  nakapila ito at nagbabayad sa cashier,  alam kong sa amin siya sasabay ng pagkain kaya pasimple kong inilabas ang maliit na salamin at tiningnan kung maayos ang hitsura ko. Maganda pa rin naman ako. " hi,  musta ang bakasyon nyo?  " tanong ni Tristan pagkaupo sa tapat ko.  Kasama naming kumain ang bestie kong si Vanessa na QC din at ang production leader na sina Criselda ,Jane at Norman , saka ang production engeneer na sila Jun at Lenard.   " okey lang" sagot ko.  Pasimpleng tumitig sa gwapo nyang mukha. " boring" si Vanessa naman.   Kwentuhan lang kami ng kung ano ano after kumain. Sa aming lahat sa akin pinaka close si Tristan,  he cares for me so much na kung titingnan ay halos para na kaming mag syota . Madalas nya akong ilibre at ihatid sa bahay, may motorsiklo kase ito. Minsan kumakain kami sa labas, kaya nai-issue kaming dalawa sa company na may relasyon kami dahil may mga nakakakita samin. Gustong -gusto ko naman yon, sinasadya kong maglambing sa kanya pag alam kong may taga A&A na nakakasabay namin kung saan. Kaya tuloy yun iba puro haka haka na kami na. May ilan akong manliligaw sa company na tumigil na dahil ang alam ng mga ito ,gf na ako si Tristan,  hinayaan ko lang sila. Di ko kailangan ng maraming admirer,  though common na yon sa company dahil isa ako sa 3500 employee ng A&A na pinakamaganda.lage akong nakukuhang muse tuwing sport fest, pag may pageant lumalaban din ako. Hanggang nagsawa ako. Madalas kami ng bestie kong si Vanessa ang magkalaban sa mga beauty contest ng company lalo na pag christmas party at pumipili ng Face of the night, minsan ako ang nananalo, minsan naman sya. Sabi nila pareho daw kami ni Vanessa na maamo ang mukha na parang anghel, ang kaibahan lang daw maldita ako at pilya samantalang likas na mahinhin si bestie.akala lang nila yun, hahahaa. Pareho din slim ang katawan namin, pero may dibdib ako na lamang ko sa kanya. At dagdag pa ang pwet na panlaban ko hahaha....    Pero kahit prangka ako at palaban, hindi ko parin kayang deretsuhin si Tristan at itanong kung ano ba ang estado ng relasyon namin. Nahihiya ako... At natatakot na rin. Baka kase friendship lang ang pinapakita nya sakin eh. Baka masaktan ako sa sagot kaya di na ako nagtatanong, im just enjoying the moment. Tulag ng gabing yon, araw ng sweldo namin.dayshift na kami non. Magkaangkas kami sa motor na pumunta ng manggahan para mag withdraw at kumain sa labas. Alas dyes na kami nakauwi. Hinatid nya ako sa boarding house. Nagkwentuhan muna kami sa salas dahil wala naman pasok bukas... Nang biglang mag ring ang cp nya. May tumatawag sa messanger nya. Video call? Agad naman yong sinagot ni Tristan,  narinig ko ang tinig ng isang batang babae. " hi Mona,  bakit gising kapa? " si Tristan. " kakatapos ko lang gumawa ng homework,  kuya miss na kita, bakit di ka umuwi last sunday? " Kuya?  So kapatid nya pala?  Ang sweet naman nila.  " i've work ,sorry bussy si kuya eh" " hmmmpp, " kahit di ko kita ay alam kong nag-pout ang kausap ni Tristan. Nakakatuwa naman ang magkapatid na ito. Lalo ko tuloy syang naka crush-an.. " dont worry, uwi ako next week" Tila nanunuyo ang tinig ni Tristan. " promise mo yan ha,  ang dont forget kuya, malapit na ang birthday ko, dapat present ka don"  " of course baby, kelan ba ako nawala sa birthday mo? " Hays ang lambing ni crush..  Ganyang-ganyan din sya sakin eh. Masuyo ang pagsasalita kahit alaskador.  Naisip kong oras na para unti-unting magpakilala sa pamilya ng lalaking gusto ko. Habang maaga ay dapat makilala ko na sila, kaya ng makabwelo ay sinimulan kona ang misyon ko. " ouch! Ang lamok dito" daing ko kunwari na pinalo ang binti .bumaling naman agad ang tingin ng lalaki sa akin. " who's that? " narinig kong tanong ng bata dito. " a friend" sabi ni Tristan. s**t, a friend pala ha? " a girl friend? Where are you ba?  Parang di naman yan ang house mo dyan ah? " " tskk. ..im in my friend's house,  remember Yuna?  Yung kinukwento ko sayo?  " Nanlaki naman ang tenga ko sa narinig,  really?  Kinukwento naman pala nya ako sa kapatid nya eh. Points na yun girl. " realy ? Is that Her?  May i see her?  " excited ang tinig ni Mona. Itinapat sa akin ni Tristan ang camera ng phone nya kaya nakita ko si Mona,  cute ng kapatid nya parang manika. Natural na kulot ang buhok nito. Well kulot din naman ang buhok ko pero kulot kulutan lang. Lagi ko lang ito ipinapakulot dahil bored ako sa straight hair. "Hi Mona? ". Bati ko sa bata na siguro ay 14 years old na . " hello ate Yuna, you looks beautiful, di nagsisinungaling si kuya, maganda ka nga like barbie doll" sabi ng bata na ikinakilig ko. Nakangiti lang si Tristan na umiiling iling sa kadaldalan ng kapatid. May pag senyas pa ito sakin na wag maniwala sa kapatid nya. " kaw din, beautiful ka rin Mona. " " nice meeting you ate,  can i call you ate? " sabi pa ni Mona. " of course, " " wait, i will add you on my sss and ig. " " okey. " Achieve, Mona knows me. Mula sa kanya makikilala na ako ng buong pamilya ng lalaking gusto ko. Hahahah. Good job. Ilang saglit pa ay sila na uling magkapatid ang magkausap. In-accept kona si Mona sa sss at Ig account ko, so freinds na kami ng future sister in law ko hekhekhek. " you know kuya?  Super strict ni Uncle dito,  ni hindi na kami makagala ni Cassey ng gabi, hmmp" narinig kong tila nagrereklamo ito. " knowing uncle, talagang bantay sarado kayo ngayon dyan hahaha" " hmmm, daig pa nya si daddy eh, dapat kase mag girlfriend na sya para di na sya masungit" " hhahahaha isusumbong kita, " " its a joke, dont you dare" Nakinig pa ako sa masayang usapan ng magkapatid. After non nagpaalam na si Tristan na aalis na. Hinatid ko sya sa labas. " totoo ba yun sinabi ni Mona?  Ikinukwento moko sa kanila? " Sinimulan ko ang topic na yon. Bago pa sya makasakay sa motor nya. " sa kanya lang, " he aswered. " nakita kase nya ang picture natin non sa sportfest. " "Ah" tumango-tango ako. Siguro ang picture na sinasabi nya ay nung nag muse ako at captain naman siya ng basketball. " malapit na ang birthday nya, sama ka ha" he added na ikinatuwa ko. " o sure" sagot kong mabilis pa sa tilaok ng manok,  ako paba ang tatanggi? " alis na ako, pasok kana" " okey ,bye" masayang paalam ko. Lakas ng kabog ng dibdib ko ng makapasok ako ng bahay. Invited ako sa birthday ng kapatid nya?  This is it naba?  Ipapakilala naba nya ako sa mommy at daddy nya?  As ano?  Sa pagkakatanda ko ay friends parin ang status namin hanggang sa mga oras na yon. Baka naman don na nya lilinawin ang lahat. Don na sya magtatapat. Ayiiiii. ... Lihim lang ang pagtatangi kong iyon kay Tristan, ako lang ang nakakaalam, maging ang bestfriend kong si Vanessa ay walang alam,  well yun mga issue samin dalawa ni Tristan ay alam naman nyang issue lang talaga. Di ko tuloy maikwento ang kilig na nararamdaman ko sa nangyari nong isang gabi. Close na kami ng kapatid nyang si Mona na lagi kong ka-chat. Linggo gaganapin ang party kaya pinaghandaan kong maigi yon. Bumili ako ng bagong dress at sandals. Dapat maganda ako sa gabing yon. Gusto ko pa nga sanang magpa facial kaya lang kapos na sa budget. Nagpadala pa kase ako sa amin ng pera. Medyo nabawasan lang ang excitement at kilig ko ng imbitahan din ni Tristan sila Vanessa, Criselda, Jane, Norman, Jun at lenard sa party ni Mona. Akala ko ako lang. Di pala. Pero okey na rin yon at least may kasama ako. Di ako masyadong mao OP. Nalungkot lang ako sa kabiguan. " sunday night ang party. Deretso na tayo sa amin sa sabado ng hapon. " sabi ni Tristan. " diba nakakahiya? " si Vanessa. First time kase na nag invite si Tristan sa kanila, ilang beses na kaming nag outting at nagpunta kung saan saan pero never pa sa kanila. " bisita ko naman kayo eh, saka mabait naman ang mommy ko, promise. ".aniya. " edi don tayo tutulog? " tila excited na tanong ni Jane. " yup, lunes ng gabi pa naman ang pasok natin eh. " Tahimik lang ako habang naguusap sila. Nagiisip kase ako. Medyo napahiya ako sa sarili. Nag -assume kase ako na ako lang ang invited. Na ipapakilala nya ako sa family nya. Pero ngayon lumalabas na friend zone parin ako. Hmmmm .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD