Ang nabitiwang hipon ng dalaga ay kanyang pinulot na lamang at muling isinubo. 'Sira ulong 'to. Talagang nanadya na siya. At sa harapan pa talaga ng Mommy niya. Humanda ka sa 'kin mamaya," saad na lamang ni Sheryl sa kanyang isipan. At kumain na 'to. Matapos silang kumain ay nagtungo at tumulong si Sheryl na nagligpit ng kanilang pinagkainan. "See, Mom. That's my wife," pagmamayabang na saad ni Elton habang nakatingin kay Sheryl. "Hindi kaya pinakasalan mo si Sheryl para may alilain ka at utos-utusan?" tanong nito sa kanyang anak. "Mom, grabe naman kayo sa akin, kung mag-aasawa ako ng aalilain ko. Bakit ko pa siya pakakasalan kung puwede naman akong magbayad ng katulong. I told you, Mom. Mahal ko ang asawa ko, saka isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Masipag, maalaga, mapagmahal a

