NAGWAWALIS si Ava sa bakuran sa labas ng bahay ni Aling Teresita nang mapatigil siya nang marinig niya ang pag-iyak ng anak. Tumingin siya sa kanyang gilid kung saan niya ito iniwan na naglalaro. At ganoon na lang ang pag-alalang nararamdaman niya nang makita niyang nakadapa ito. Binitawan naman niya ang hawak na walis at saka niya nilapitan ang anak. Lumuhod siya para itayo ang anak mula sa pagkakadapa nito. "M-mama!" "Are you okay, Nicollo?" tanong niya sa anak na patuloy pa din sa pag-iyak. Sa halip naman na sagutin siya nito ay bumaba ang tingin sa tuhod nito. "Mama, dugo po ang tuhod ko." Mas lalo yatang umatungal ng iyak ang anak nang makita nito ang dugo sa tuhod nito. Bumaba naman ang tingin niya do'n. At nakita niya ang gasgas sa tuhod nito na dahilan kung bakit dumugo

