"MISS Ava?" Napatigil si Ava sa ginagawa niya ng marinig niya ang pagtawag ni Claire sa pangalan niya. Lumingon siya sa kanyang likod at nakita niya ito sa hamba ng pinto sa kusina. "Pababa na si Sir Dimitri, Miss Ava," imporma nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Nang marinig niya iyon at agad niyang tinapos ang ginagawa. Tinakpan niya ang tupperware kung saan niya nilagay ang mga niluto niya at saka niya iyon inilagay sa paperbag. At nang matapos ay binitbit niya iyon. "Thank you, Claire," wika niya sa babae ng lagpasan niya ito. Maagang nagising si Ava para tumulong kina Claire sa paghahanda ng almusal, hindi lang iyon, naisip nga din niyang magluto ng lunch na ipapabaon niya kay Dimitri sa pagpasok nito sa trabaho. Yes. Nagluto siya ng lunch para dito, nang magisin

