NAPATITIG si Ava sa madilim na ekspresyon ng mukha ni Dimitri habang nakatingin ito sa kamay ni Austin na nakahawak sa kanya. At nang alisin nito ang tingin do'n at nang ilipat nito iyon sa lalaking katabi niya ay hindi niya napigilan ang mapalunok nang makita niya ang mukha nito. Madilim na iyon kanina pero mas lalo pa iyong dumilim. He looks murderous. And if looks can kill ay baka kanina pa nakahandusay si Austin sa sahig. Ipinigsi niya ang kamay na hawak ni Austin. Nabitawan siya nito at sa pagkakataong iyon ay humakbang siya palapit kay Dimitri. He possessively wrapped his one hand around her waist as she approached him. His eyes were still fixed on Austin, who is walking towards them. Para ngang wala dito ang nangyari dahil nakangiti pa ito habang naglalakad ito palapit sa kanil

