PAGMULAT ng mga mata ni Ava ay agad siyang tumingin sa kanyang tabi. Pero ganoon na lang ang disappointment na naramdaman niya nang makita na wala na sa kanyang tabi si Dimitri, tanging amoy na lang ulit nito ang naamoy niya. Inaasahan naman niya na mamumulatan niya ito ng mga mata paggising niya dahil pinanghawakan niya ang sinabi nito sa kanya na mag-uusap silang dalawa. Sinabi nga din niya sa sarili na gigising siya ng maaga para madatnan pa niya ito pero mukhang napasarap ang tulog niya dahil late na naman siyang nagising at nang magising siya ay wala na ito sa kanyang tabi. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Muli niyang ipinikit ang mga mata at niyakap niya ang unan. Tinatamad siyang bumangon, alam naman kasi niya na wala na din naman si Dimitri sa mansion, ala

