HINDI inaasahan ni Ava na paggising niya ay madadatnan pa niya si Dimitri. He was peacefully sleeping beside her while his hand was hugging her. Kung hindi lang niya sana narinig ang mga sinabi nito kay Ellaine kagabi ay matutuwa siguro siya dahil sa walas ay nadatnan pa niya sa tabi niya si Dimitri ng magising siya. Pero iba ang nararamdaman niya ng sandaling iyon. She felt her heart torn into pieces. At hanggang ngayon ay patuloy pa din ito sa pagkukunwari, patuloy pa ito sa pagkukunwari na gusto siya nito. Dimitri didn't love her, he didn't like her. At tanging gusto lang nito sa kanya ay anak. At kapag naibigay niya ang gusto ay itatapon na lang siya nito, narinig niya iyon mismo sa bibig nito. At nang maalala niya iyon ay nakaramdam na naman ang puso niya ng bahagyang sakit. Kina

