KUMUNOT nag noo ni Dimitri nang marinig niya ang pagtunong ng ringtone ng cellphone niya na nasa ibabaw ng executive table niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng i-alis niya ang tingin sa monitor ng computer niya at inilipat niya iyon sa cellphone na tumutunog pa din. Dinampot niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag at mas lalong kumunot ang noo niya nang makitang overseas call iyon galing sa tauhan niyang mata niya sa Italy habang narito siya sa Pilipinas. "Buon pomeriggio, signor Dimitri," narinig niyang bati ng tauhan ng sagutin niya ang tawag nito. (Good aftenoon, Sir Dimitri) "Why did you call?" he asked him straight to the point. Alam niyang hindi ito tatawag sa kanya kung wala itong magandang sasabihin. His men, knew him, he knew that he didn't want t

