GO to the men's restroom now. Paulit-ulit na binabasa ni Ava ang nakasulat sa maliit na papel. At nang tuluyang mag-sink in sa isip niya ang nakasulat at mabilis niyang itiniklop ang papel na hawak. Sunod-sunod din siyang napalunok. At mayamaya ay kunot ang noong napatingin siya sa katabing si Austin ng maramdaman niya ang kamay nitong humawak sa braso niya. "You okay, Ava?" he asked almost whispered. Bahagya naman niyang inilayo ang braso mula sa pagkakahawak nito sa kanya. "I'm fine," tipid niyang sagot. Pagkatapos ay inalis niya ang tingin dito at inilipat niya iyon sa dereksiyon patungo sa restroom. Dimitri was standing with his arms crossed over his chest. He is looking at her fiercely. And there is a warning in his eyes, too. Na para bang kapag hindi siya sumunod sa utos

