UMAASA si Ava na paggising niya ay kinabukasan ay magiging isang masamang panaginip lang ang lahat, na magigising siya na isang bangungot ang muling pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Dimitri. Na magigising siya kinabukasan na sa bahay siya ni Aling Teresita, na magigising siya na ang anak ang unang niyang makikita. Pero lahat ng iyon ay hindi nagkatotoo. Dahil nang magising siya, nang magmulat siya ng mga mata ay sa halip na sa kwarto na tinutuluyan sa bahay ni Aling Teresita ang makikita niya ay isang hindi pamilyar na paligid ang namulatan niya. At dahil sa samot-saring emosyon na nararamdaman kahapon ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na igala ang paligid. Ngayon pa lang kung sakali. Hindi pamilyar na kwarto ang nakikita ng mga mata ni Ava ng igala niya ang paningin. Hind

