NANATILING nakatitig si Ava sa negligee na nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi niya alam kung isusuot ba niya iyon gaya ng gustong mangyari ni Dimitri o kung hindi niya iyon susundin. If you don't follow my order. You will be punished, Ava. And you don't like me when I mad, naalala ni Ava na wika ni Dimitri sa kanya noon kapag nag-aalanganin siyang gawin ang pinag-uutos nito. At nang maalala niya mga salitang iyon na laging bukambibig ni Dimitri ay napahugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang suot na damit na sandaling iyon. Kinuha niya ang negligee at saka niya iyon isinuot. Napakagat nga siya nang ibabang labi nang bumaba ang tingin niya sa suot. It was very provocative. Kitang-kita ang hubog ng katawan niya, pansin na pansin nga din

