HINDI napigilan ni Ava ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang maramdaman niya ang pagyakap ni Dimitri mula sa kanyang likuran. Pagkatapos niyon ay ipinatong nito ang baba sa balikat niya. Napansin nga din niya na titig na titig ito sa repleksiyon nila sa salamin ng sandaling iyon. "You ready?" tanong nito sa kanya. Tumango naman si Ava bilang sagot. Pagkatapos niyon ay humarap siya dito. Bumaba naman ang tingin niya sa necktie nito ng mapansin niyang hindi iyon maayos. Kaya tumaas ang isang kamay niya para ayusin iyon. "Sigurado kang sasama ka sa amin?" tanong ni Ava habang inaayos niya ang necktie nito. "I told you that I will go with you," sagot nito sa kanya. Tumingala naman siya. "Hind ka talaga busy?" "I am clearing my schedule today to be with you, Ava." wika sa kanya n

