"MANANG ESVI!" masayang wika ni Ava nang makita niya si Manang Esvi nang magpunta siya sa bahay nila. Lumingon naman sa kanya si Manang Esvi at napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siya. "Diyos ko, Ava," sambit nito sa pangalan niya. Inisang hakbang lang naman ni Ava ang pagitan nilang dalawa. At nang tuluyan siyang nakalapit ay agad siyang yumakap dito. Hindi nga din niya napigilan ang mapahagulhol nang maramdaman niya ang pagganti ng yakap ni Manang Esvi sa kanya. "Diyos kong bata ka. Saan ka nagpunta? Sobrang nag-alala ako para sa 'yo," wika ni Manang Esvi habang magkayakapan silang dalawa. Kumawala naman siya mula sa pagkakayakap kay Manang Esvi. Pinunasan nga din niya ang luha sa pisngi niya. "Sinabi ni Minerva na lumayas ka. Hindi ako naniwala, dahil alam

