TUMAYO si Ava mula sa pagkakaupo niya sa waiting area nang makita niya ang pagbukas ng pinto ng operating room at lumabas do'n ang isang lalaking doctor. Agad naman siyang humakbang palapit dito. "Doc, kamusta po ang pasyente?" tanong niya agad ng tuluyan siyang nakalapit, mababakas hindi lang sa boses niya kundi pati na din sa ekspresyon ng mukha niya ang pag-alala. "The patient is fine. Natanggal na ang bala sa tagiliran niya," sagot nito dahilan para makahinga siya ng maluwag. "And we will transfer him to the recovery room and then to his private room," dagdag pa na wika ng doctor sa kanya. Nagpakawala si Ava ng malalim na buntong-hininga. "Thank you po, Doc," pasasalamat na wika ni Ava sa doctor. Ngumiti naman ito bago nagpaalam sa kanya. Napatingin naman siya kay Rocco na nasa

