"CLAIRE, pwede ba akong humiram ng cellphone mo?" wika ni Ava kay Claire nang puntahan niya ito sa kusina. Nasa Pilipinas na sila ngayon. Gaya ng sinabi sa kanya ni Dimitri noong gabing iyon ay kinabukasan nga ay umuwi sila ng Pilipinas gamit ang private plane nito. Nasagot na din ang katanungan niya noon kung paano siya nito nadala sa Italy habang wala siyang malay, nadala siya nito doon ng wala man lang passport. Inakala niyang powerful lang noon si Dimitri dahil nakalusot ito sa airport habang may kasama itong walang malay. Iyon pala ay gamit nito ang private plane nito. Hindi nga lang ito powerful, he is super rich. Paanong hindi? Hindi lang legal na negosyo ang mayro'n ito, pati na din illegal na negosyo ay mayro'n ang lalaki. At alam niyang hindi birong halaga ang nakukulimbat nit

