UMAYOS ng upo si Ava nang madaanan nila ang Mall habang pauwi sila sa mansion ni Dimitri galing sa kompanya nito. Hindi nga din niya napigilan na mapatingin sa katabi ng sandaling iyon. "What?" Nanlaki naman ang mga mata niya ng magsalita ito, nakapikit ang mga mata nito pero naramdaman pa din nito ang titig niya? Ang lakas naman ng pakiramdam nito. "Pwede...ba tayong dumaan saglit sa Mall? May bibilhin lang sana ako," wika niya kung bakit niya ito binalingan. Sa pagkakatong iyon ay nagmulat ito ng mga mata. Napansin nga niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito ng balingan siya nito. At sa ekspresyon nitong iyon ay alam na niya ang magiging sagot nito sa pagpapaalam niya. "Pero okay lang kung hindi pwede." Inunahan na niya ito, inalis na nga din niya ang tingin kay Dimitri at inilipa

