Chapter 39

1887 Words

HUMUGOT muna ng malalim na buntong-hininga si Ava bago tumaas ang isang kamay para kumatok sa pinto sa kwarto ni Dimitri. Alam niyang nasa mansion ito dahil nakita niya si Rocco kanina sa ibaba. Hindi naman kasi umaalis si Dimitri kung hindi nito kasama si Rocco. At nang magtanong siya kay Claire kung nasaan si Dimitri ay sinabi nitong nasa kwarto daw ito kaya pinuntahan niya ito doon. At nang walang sumasagot at sinubukan niyang buksan ang pinto at pumasok. "Dimitri?" tawag niya dito, iginala nga din niya ang tingin sa paligid pero hindi niya makita ang presensiya nito. Hanggang sa napatingin siya sa isang nakabukas na pinto na naroon sa loob ng kwarto. Sigurado siyang hindi iyon banyo, humakbang siya palapit do'n. Sinubukan niyang pumasok at nakita niyang gym iyon dahil sa mga gym eq

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD