Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang nasa sala ako ng lumang bahay ng mga Silva at umiinom ng beer. Natutulog ang dalawang taong mahal at importante sa akin sa master’s bedroom. Sa lahat ng mga nangyari, hindi ako makatulog at hindi ko rin maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kung hindi ko nakilala si Maiko, kung hindi ko siya naging girlfriend kahit sandali lang, baka hindi niya kami ginugulo ngayon. Bumuntong hininga ako at frustrated na napasuklay sa aking buhok. Ang tanga ko naman kasi! Gusto ko lang makalimot noon, para maalis sa isipan ko si Amethyst. I was hurt so badly and I just want to forget her para hindi ako tuluyan na mabaliw. Now that everything is okay, why does my past come to ruin it? Tapos nadadamay pa ang babaeng mahal ko? I am so stupid! So stupid! Mahigpit kong

