Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon ng makita ko si Tyrell at pinakilala siyang boyfriend ni Maiko. The same Maiko na stalker ng boyfriend ko, the same woman na nagkalat sa social media about sa relationship naming tatlo. I know she did it! And now ninakaw naman niya ngayon ang mga jewelry designs ko, katulong ang aking ex-boyfriend na alam ko na ngayon na kumuha ng aking copies. We were living at the same condo unit, sino pa nga ba ang kukuha non kundi siya lamang! "How could you?" di-makapaniwala kong sabi sa kanya at hinawakan naman ako ng kambal. Para kasi akong nanghina ng ma-realize na kung anong nangyayari ngayon. Napakunot-noo naman siya at tumingin sa aming tatlo. "What are you talking about Amethyst?" tanong niya sa akin na parang hindi niya alam ang sinasabi ko. Dahil ayoko

