Kabanata 15 NAKANGITI si Ian habang nakatingin sa nagpa-practice na si Chuck. Nandito ulit siya sa open court at pinapanood ang paglalaro nito ng tennis. Nang nasaksihan niya ang pagsabog kahapon ni Chuck ay tila ba lalo siyang napalapit sa lalaki. Nagulat siya nang biglang sumigaw ang lalaki. Hindi siya natakot, nagulat lamang dahil iyon ang unang pagkakataon na sumigaw si Chuck. Iyon ang unang pagkakataon na kinakitaan niya ng ibang emosyon sa mukha si Chuck maliban sa ngiti at masuyo nitong mukha. Kahapon habang nagsasalita si Chuck ay hindi niya maiwasang isipin na tila hindi iyon ang Chuck na kilala niya. Gone was the soft, caring, and gentle Chuck. Napalitan iyon ng rough, loud, and very much opinionated na Chuck. Subalit sa kabila noon ay hindi siya nakaramdaman ng takot sa lalaki

