Kabanata 17 INILIBOT ni Chuck ang paningin sa loob ng The Majestic. Hinahanap niya sina Ian dahil hindi na niya ma-contact ang kaibigan nito. Hindi naman niya kilala kung sino si Arianne kaya si Ian ang hinahanap niya. Halos magdilim na ang paningin niya nang makitang halos mag-pass out na ang babaeng iyon sa sobrang pagkalasing. Dali-dali niyang nilapitan sina Ian at namukhaan niya ang isa sa mga babaeng kasama nito. Si Ashleigh. "What happened to her?" tanong niya at inalalayan mula sa pagkakaupo si Ian. "Hindi naman siya nagkukuwento noong una. Nagkuwento lang siya noong nalasing na siya. Ngayon lang naming nakitang nagkaganyan si Ian. Noong nakipag-break sa kanya si Aiden, 'ni hindi nga siya uminom. Pero ngayon ..." Napabuntong-hininga ang kaibigan ni Ian na si Arianne at tiningnan

