Chapter 25

2436 Words

HINDI mapakali si Serena at nagpalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto habang iniisip kung ano ang maaari niyang gawin para maibalik sa trabaho nito si kuya Fred. Gusto sana niyang tawagan si North para komprontahin ito sa ginawa kaya lang hindi na niya mahanap ang cellphone niya. May palagay siyang nawala niya iyon kagabi. Kung gagamit naman siya ng telepono, hindi naman niya alam kung saan tatawagan ang lalaki. Nahihiya naman siyang magtanong kay Manang Norma. Alam niya kahit hindi ito magsalita ay alam niyang nalulungkot ito sa nangyari kay kuya Fred kagaya nina Lourdes at Melda at kasalanan niya iyon. Hindi niya inisip na puwedeng mawalan ng trabaho si kuya Fred bago niya ginawa ang ginawa niya kagabi. Okay na sa kaniya na maging grounded at dito na muna sa bahay dahil kasalanan nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD