Chapter 7

2141 Words
PANAY ang hikab ni Serena habang sakay siya nang jeep papuntang hospital. Buwesit talaga iyong Atty. De Sandiego na iyon, buong magdamag ba naman siyang hindi pinatulog dahil sa kaiisip sa ginawa nitong paghalik sa kaniya. That wasn't her first kiss. Nagkaroon din naman siya ng boyfriend noong high school siya at college. But damn! Hindi nga iyon first kiss niya, pero first time niyang naapektuhan! Dumagdag pa ang kapatid niyang ayaw sumagot sa mga tawag niya. Hindi kasi niya alam kung ano na ang next na gagawin niya. Nang huminto ang jeep sa tapat ng isang convenience store dahil may bababa ay nag-abot na rin siya ng bayad sa driver para bababa na lang din. Kailangan niya ng matapang na kape, hindi puwedeng ganito siya sa oras ng duty niya. Nawala rin naman ang antok niya nang makainom siya ng kape. Naglakad na lang din siya papuntang hospital, total may oras pa naman siya at para naman pagpawisan siya at tuluyan na talagang mawala ang antok niya. Nang makarating siya sa hospital ay kaagad siyang dumeretso sa kaniyang post. Naabutan naman niya si Arrah na nakasimangot habang may ginagawa. Hindi rin ito nakikisawsaw sa usapan ng mga kasamahan nila na madalas niyang naabutan dito tuwing umaga. “May problema ba?” tanong kaagad niya sa kaibigan. “Malilipat na ako sa ibang department.” may lungkot sa boses na sagot nito sa kaniya. Hindi naman kaagad siya nakapagsalita. Malungkot nga ang balitang iyon. Dahil ibig sabihin lang n’yon ay hindi na sila madalas na magkakasamang dalawa. “Same pa rin naman ang mga oras ng duty natin, so puwede pa tayong sabay na mananghalian at sabay rin tayong uuwi.” aniya. Napasimangot ito at itinigil muna ang ginagawa at hinarap siya. Pero agad namang kumunot ang noo nito nang makita nito ang pangangalumata niya. “Magdamag ka bang hindi natulog?” may pagtataka na sa boses nitong tanong sa kaniya. Umiling siya at siya naman ang napasimangot. Akala niya hindi nito mahahalata ang pangangalumata niya. “What happen?” tanong ulit nito nang hindi siya nagsalita. “At saka bakit ka umalis kahapon ng hindi nagpapaalam?” Napangiwi siya. Naalala na naman tuloy niya ang buwesit na lalaking iyon. “May dalawang lalaki kasing lumapit sa akin, akala nila ako si Selena at asawa ng boss nila.” kuwento niya rito. Kaagad naman na namilog ang mga mata nito. “So, nagkita na kayo ng asawa ng kapatid mo?” Napangiwi siya ulit at napakamot pa siya sa gilid ng kaliwang kilay niya. "And wait, boss? Bigatin ba ang asawa ng kapatid mo?" “Hmm,” aniya at tumango-tango. "Oh!" manghang sambit nito. “Guwapo ba? Papabol at daksi kagaya ni Atty. De Sandiego?” sunud-sunod pang tanong nito sa kaniya. Natigilan siya at kaagad na kumunot ang noo niya sa huling binanggit nito. Kilala nito ang lalaki? Wala naman sigurong ibang Atty. De Sandiego rito maliban sa buwesit na lalaking iyon? O baka magkaibang lalaki naman siguro. “Atty. De Sandiego? Kilala mo siya?”tanong niya, may kung anong kaba rin na bumundol sa dibdib niya. “Yes, day. My God! Sino ba ang hindi makakakilala sa isa sa myembro at papabol na mga De Sandiego. Sus! Day, kung nakita mo lang siya kahapon, for sure mamimilipit ka rin sa kilig. Siya iyong pinagkakaguluhan kahapon sa may parking area. Sayang nga at hindi kami makalapit sa kaniya kahapon dahil may mga kasamang bodyguards.” "A-Ano naman daw ang ginagawa dito?" tanong niya, bahagya pang pumiyok ang boses niya. "Hindi ko alam kung bakit siya nandito kahapon pero narinig ko na may hinahanap lang daw ang lalaki." Tuluyan na siyang natigagal. Hindi nga talaga siya nagkamali kahapon nang mabangga niya ang lalaki at makita niya ang hitsura nito. “Uh, Arrah, oras na pala ng trabaho natin. Aalis na muna ako.” paalam niya sa kaibigan. Hindi niya alam pero wala siyang lakas ng loob na sabihin dito na ang lalaking pinagkakaguluhan kahapon ay ang asawa ni Selena. At ayaw rin muna niyang malaman nito na pinatulan niya ang kahibangan ni Selena na magpapanggap siya bilang asawa ng lalaking iyon hangga’t nasa ibang bansa pa ito. “Okay—ah, wait,” pigil nito sa kaniya nang akmang lalabas na siya sa post nila. “Bakit?” “Sa emergency area na ako naka-assign. Puwede bang ikaw na muna ang bahala sa baby Aurora natin?” nakikiusap ang boses na anito sa kaniya. Ang tinutukoy nito ay iyong batang may sakit na leukemia at lagi nitong binabantayan kapag tapos na ang duty nito. Napalapit na rin sa kaniya ang bata dahil laging siya ang kahalili ni Arrah sa pagbabantay rito sa tuwing may lakad ito. May trabaho kasi ang ina ng bata na si Miss Katharina Herrera at tuwing Sabado at Linggo lang ang babae makakadalaw sa bata. Hindi nga niya ma-imagine kung gaano kalaki ang sakripisyo ng babae, mabuhay lang ang anak nito. Ilang buwan na ang bata na naka-confine dito at palala nang palala ang sakit nito. Sobrang laki na rin ng billing ng mga ito kaya tuwing sahuran ay naglalaan sila ni Arrah ng pera at sila na ang bibili para sa ibang gamot na ibinibigay ng bata. “Walang problema,” aniya at tuluyan ng umalis para gampanan ang trabaho niya. Matapos makunan ng blood pressure at mabigyan ng gamot ang mga naka-assign sa kaniya na mga batang pasyente ay nagpasya muna siyang dalawin si Aurora sa NICU bago siya kakain ng tanghalian. Pero kaagad siyang natigilan nang may babaeng naghihisterikal doon at pilit inaangking anak nito si baby Aurora. May kasama rin itong lalaki, hindi nga lang niya masyadong kita ang mukha dahil nakatalikod ito sa gawi niya. “Ako ang totoo niyang ina. Ninakaw lang siya sa akin ng babaeng iyon.” ani ng babae. Hindi siya makapaniwala. Imposible! “Ma’am, kung totoo man iyong sinasabi niyo, pag-usapan na lang po natin ng maayos sa opisina ito.” sabi ni Dr. Martinez, ang director nitong hospital. Nagmamadaling tumungo siya sa may nurse station. Kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bag at tinawagan si Miss Kath. Pero hindi niya ito ma-contact. “Miss Kath, saan ka na ba at bakit hindi ka matawagan?” she said in frustrated tone. Sinusubukan pa rin niya itong tawagan. Nang mag-aalas dose na ng tanghali at hindi pa rin niya ito makontak ay hinayaan na lang muna niya at tumungo siya sa canteen. Nagpang-abot naman sila ni Arrah roon kaya sabay na silang kumain ng tanghalian. “Totoo ba na may babae at lalaking sumugod dito at inangking anak nila si baby Aurora?” tanong kaagad ni Arrah sa kaniya, nang makaupo na silang dalawa sa harap ng mesa. Mukhang kumalat kaagad ang nangyari roon sa NICU kanina. Tumango siya. Napasinghap naman ito. “Imposible. Hindi ako naniniwala na ninakaw lang ni Miss Kath si baby Aurora.” sabi nito. Siya rin naman, pero hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng imbestigasyon ay wala muna silang magagawa. “Isang De Sandiego pala ang batang iyon. Grabe! Sinong mag-aakala na may pasyente pala tayong napaka-bigatin.” Narinig niyang sabi ng isa sa apat na nurse na nasa kabilang mesa at kumakain, kaya agad silang napalingon ni Arrah sa gawi ng mga ito. Kahit hindi banggitin ng mga ito ang pangalan ng bata, alam niyang si Aurora ang pinag-uusapan ng mga ito at ang nagyari kanina. Pero totoo ba na isang De Sandiego si baby Aurora? “Oo nga eh, baka ang bata ang dahilan kaya pumunta kahapon dito si Atty. North De Sandiego.” sabi naman ng isang nurse. Nagkatinginan naman sila ni Arrah. Matapos nilang kumain ay kaagad na naman niyang sinubukang tawagan si Miss Katharina, pero hindi pa rin niya ito makontak. Paalis na sana siya sa post niya nang makita niya si Miss Katharina na tumatakbo kaya mabilis niya itong sinalubong. "Kath, mabuti at narito ka na. Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita tinatawagan pero out of reach ka na naman." sabi niya. "Pasensya na, may nangyari lang. M-May problema ba?" tanong nito, habang humihingal pa. Mukhang mula sa labas pa ay tumatakbo na ito papunta rito. Napangiwi siya at hindi mapakali. Paano ba niya sasabihin dito ang nangyari kanina? Mariing pinaglapat niya ang mga labi at mariing pumikit. "Serena, may problema ba?" "May lalaki at babaeng sumugod dito at kini-claim ng babae na anak nila ang anak mong si Aurora." aniya. Awang ang bibig na natigilan ito. Hindi rin ito kaagad nakapagsalita. At may nakita siyang takot sa mga mata nito. Sa nakikita niyang reaksyon sa babae parang gusto na niyang isipin na totoong ninakaw nga talaga nito ang bata. "S-Saan nila dinala si Aurora?" piyok ang boses na tanong nito sa kaniya. Nakita niya ang luhang namumuo sa mga mata nito at tila hinang-hina rin ito. "Hindi pa nila nailabas ang bata dahil kinausap pa nila ang director nitong hospital. Hindi naman kasi puwedeng basta na lang nilang kunin si Aurora na walang sapat na pruweba na anak nga nila ang bata." "Saan ang opisina ng director? Please, Serena—" natigil ito sa pagsasalita nang marinig nila ang pangalan nito mula sa speaker. Nagkatinginan silang dalawa at nakita pa niya ang paglunok nito at ang takot sa mga mata nito. "Let's go," aya niya rito. Napasinghap pa siya nang bigla itong nawalan ng balanse. Mabuti na lang at kaagad itong nakahawak sa braso niya kaya hindi ito tuluyang natumba. “O-Okay ka lang ba?” tanong niya, kinabahan na rin dahil sa nakikita niyang pamumutla ng babae. Tumango naman ito. Pero alam niyang hindi ito okay. Maglalakad na sana sila nang dumating naman si Arrah. Kaya ito na lang ang pinasama niya sa babae dahil may duty pa siya. Hindi naman niya iyon puwedeng pabayaan dahil trabaho niya ang maku-kompromiso. Maghapon na usap-usapan ang nangyari. Lalo na at may dumating na mga pulis at dinakip si Miss Katharina. Pinatawag din silang dalawa ni Arrah ni Dr. Martinez. Tinanong sila kung paano ba tinatrato ni Miss Kath ang anak nito simula nang ma-confine ang bata rito sa hospital kaya sinabi naman nila ang totoo. “I know, Miss Kath sacrifices everything just to save the life of her daughter.” ani Arrah kay Dr. Martinez. “Kung totoo man, doc, na ninakaw ni Miss Katharina ang bata, siguro naman may mga rason siya kung bakit.” sabi rin niya. Matapos silang kausapin ng director ay inihatid siya ni Arrah sa labas ng hospital. Hanggang alas nueve ng gabi pa kasi ang duty nito at may 30 minutes pa itong natira sa isang oras na ibinigay rito dahil nga kakausapin sila ni Dr. Martinez. Pero nagulat siya nang sa paglabas nila ay may lalaking humarang na naman sa kaniya at sinabing pinasusundo na siya ng kaniyang asawa. “Excuse me, Kuya. Single pa itong si—hmmp.” Bago pa man mabanggit ni Arrah ang pangalan niya ay mabilis na niyang tinakpan ang bibig nito. Ngumiti siya sa lalaki pero nauwi rin sa pagngiwi. “Sige, Kuya. Mauna na po kayo sa sasakyan at kausapin ko lang itong kaibigan ko.” aniya sa lalaking sumundo sa kaniya. “Okay, Madam.” anito at mabilis nang tumalikod at tinungo ang mamahaling puting SUV. “What was that? Bakit may asawa ka na? Kailan ka nagpakasal? Bakit hindi ko alam iyon?” sunud-sunod na tanong ni Arrah sa kaniya nang alisin na niya ang kamay na nakatakip sa bibig nito. Mabilis naman niya itong hinila sa may gilid, malayo kung saan ang post ng guard. Pinandidilatan siya nito ng mga mata. May pang-aakusa pa roon. “I have no choice, kaya nagpanggap muna akong si Selena.” sabi niya sa kaibigan na ikinalaki ng mga mata nito. “What?!” hindi makapaniwalang bulalas nito. Kaagad naman niyang sinabi rito kung ano ang nangyari at bakit humantong siya sa pagpapanggap. Pero hindi na niya sinabi kung sino ang lalaki dahil mas lalong hindi na siya nito tatantanan kapag malaman nito na si Atty. De Sandiego ang asawa ng kapatid niya at niloloko nila. “Tsk. Siguraduhin mo lang na hindi ka sasabit d’yan sa pinaggagawa mo.” anito, pero may pag-aalala naman sa boses nito. “H’wag kang mag-alala, mag-iingat ako.” aniya. Tumango-tango naman ito. Hinatid din siya nito kung saan naka-park ang sasakyang dala ng driver ni Atty. De Sandiego. Mabilis naman siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng lalaki. Kinakabahan man ay pumasok na lang siya sa loob. Shit! Bakit kailangan pa siyang ipasundo ng lalaking iyon? Nang makaalis na si Arrah ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Bumaling naman kaagad siya sa driver at uutusan na sana niya itong aalis na sila nang bumukas ang pinto katapat niya at pumasok ang lalaking hindi niya inaasahan na nandito. Shit! Why is he here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD