Chapter 8

1807 Words
"Why you look so surprised, my wife?" Kumunot ang noo ni Serena at mabilis na iniwas ang kaniyang mga mata niya sa lalaki. Shit! Kung alam lang niya na nandito rin ito ay hindi na sana siya pumayag pang ihatid ng driver nito. Serena! Bakit hindi mo iyon naisip kanina bago ka umuo? Kastigo niya sa kaniyang sarili. Mabilis siyang umusog at halos isiksik na niya ang sarili sa gilid ng pinto sa kanang bahagi ng sasakyan. Hindi naman kasi siya puwedeng basta na lang bumaba at sabihing nagbago ang isip niya at sasakay na lang ng jeep. Magmumukha lang siyang tanga at mapaghalataan pa siyang umiiwas dito. Siya itong gustong bigyan ng pagkakataon at ayusin kuno ang kasal nilang dalawa kaya dapat na umayon ang mga kilos niya. God! Ano ba ‘tong kalokohang ginawa nila ni Selena? Umirap siya rito. “Hindi ko lang inaasahang susunduin mo pala ako." He chuckled roughly. “Don’t flatter yourself. I’m not here to fetch you.” Agad naman siyang napahiya. s**t! Oo nga naman! Bakit nga naman siya susunduin nito? For sure, nandito lang ito dahil narito ang pinsan nito at ang pamangkin nitong ninakaw raw ni Miss Katharina. Pero hindi talaga siya naniniwala roon. Ilang buwan na niyang nakasama si Miss Kath at ang anak nito sa hospital. Iyong closeness ng mag-ina ay hindi pilit at halatang mahal na mahal ni Miss Kath ang bata. Nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng sasakyan ay agad niyang nalanghap ang mamahalin nitong pabango. Bigla ay nakaramdam siya ng tensiyon sa katawan at naalala na naman niya ang ginawang paghalik nito sa kaniya kagabi. Damn it! Bakit ba siya naaapektuhan ng ganito? Hindi na lang niya ito pinansin at hinarap niya ang driver nito. “Kuya, ihinto mo na lang ako d’yan sa sakayan ng jeep sa—” “Go straight to her apartment, Fred,” sabat ni North. Naningkit ang mga matang tiningnan niya ito. Pero nakapikit na ang mata nito habang prenteng nakasandal sa sandalan ng upuan. “Hindi na kailangang ihatid niyo pa ako, Mr. De Sandiego.” matigas ang tono ng boses niyang sabi sa lalaki. Nagmulat ito ng mga mata. Umahon ito sa pagkakasandal at naupo nang tuwid. Hinarap siya nito at walang emosyon siyang tiningnan. Lihim naman niyang nakurot ang palad niya nang makaramdam siya pagkakaintimida sa ibinibigay nitong tingin sa kaniya. “Misis De Sandiego, akala ko ba gusto mong ayusin natin ang kasal nating dalawa? Bakit parang kabaligtaran naman ang mga ginagawa mo sa gusto mong mangyari?” nagdududang tanong nito sa kaniya. Naikuyom niya ang isang kamay na nakapatong sa kanang binti niya. "Hindi naman talaga kailangang ihatid niyo pa ako sa apartment ko," sagot niya. “Saka puwede ba, tigilan mo na ang pagtawag mo sa akin ng Misis De Sandiego?” Dahil every time na tinatawag siya nito ng Mrs. De Sandiego, parang may kung anong nararamdaman siyang kirot sa puso niya. At hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. Nalilito siya. Kahapon pa lang niya ito nakilala pero bakit may ganito na siyang nararamdaman? “Why? Asawa naman talaga kita, so what’s the problem with that?” nakataas pa ang isang kilay na tanong nito sa kaniya. Wala siyang salitang mahanap para ibato rito dahil totoo rin naman ang sinabi nito, kaya umirap na lang siya rito at itinuon sa labas ng bintana ang mga mata. “Unless you're going to annul our marriage after two months, then you're not Mrs. De Sandiego anymore." Bakit ba atat na atat itong makawala sa kasal nito kay Selena? May girlfriend kaya ito? Kung may girlfriend ito, puwes magtiis muna ito ng anim na buwan. Muli niya itong tiningnan. "Bakit ba atat na atat kang ma-annuled ang kasal natin, huh? May girlfriend ka ba?" tanong niya. "None of your business." he said coldly. Nagkibit-balikat siya. "Okay, but my decision is final. I'll file an annulment after six months." Hindi na rin naman ito nagsalita pa kaya tuluyan na siyang nanahimik hanggang sa makarating sila sa apartment niya. Nang humino ang sasakyan nito sa tapat ng kaniyang apartment, agad siyang nangtanggal ng seatbelt at bumaba ng sasakyan. Pero nagulat siya nang makitang bumaba din si Mr. De Sandiego at sumunod pa sa pagpasok sa kaniya sa gate. “Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong niya sa lalaki. “Accompanying my wife?” patanong pa nitong sagot sa kaniya. “Umuwi ka na, Mr. De Sandiego. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa sa loob—” “Baka nakalimutan mo, Mrs. De Sandiego, na kailangan mong tumira sa bahay ko sa loob ng anim na buwan. At gusto kong umpisahan mo na ngayong gabi. We’ll sleep together in my room.” Agad namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. But then, hindi naman siya makakapag-protesta dahil sa kaniya nanggaling ang ideyang gustong ayusin ang kasal nilang dalawa. Shit. You really are doomed, Serena. Kastigo na naman niya sa kaniyang sarili. Marahas na nagbuga na lang siya nang kaniyang hininga at itinuloy na ang pagpasok sa loob ng kaniyang apartment at hinayaan na lang itong sumama sa kaniya sa loob. Dumeretso kaagad siya sa kaniyang kuwarto. Sakto namang pagkasara niya sa pinto ay nag-ring ang phone niya na nasa loob ng kaniyang bag. Nang maisip ang kapatid ay nagmamadaling kinuha niya iyon sa kaniyang bag. At hindi nga siya nagkamali. Si Selena nga ang tumatawag. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito. “Hello, Selena. Mabuti at tumawag ka na. I’ve been calling you, kahapon pa, pero hindi ka sumasagot. Nandito kasi ang asawa mo—” natigil siya sa pagsasalita nang marinig niya ang daing nito sa kabilang linya. “Selena, okay ka lang ba?” tanong niya. “M-Mahal kita, Sere,” sabi nito. Natigilan siya at hindi kaagad nakapagsalita. Nakaramdam din siya ng panunubig ng kaniyang mga mata at pakiramdaman din niya ay piniga ang puso niya at biglang naninikip iyon. Pero ano ba ang nakain nito at nakapagsabi ito ng gano’n sa kaniya? Mula nang magdalaga na sila ni Selena ay hindi na sila magkasundo dahil sa mga pinaggagawa nitong siya lagi ang napapahamak, kaya hindi na rin niya ito narinig na nagsabi sa kaniya ng mahal siya nito. “May kailangan ka na naman ba sa akin?” tanong niya. Wala naman kasi siyang ibang naiisip kung bakit bigla-bigla ay nagsasabi na lang ito ng mga ganoong salita sa kaniya. Ngunit ang inaasahan niya na sasabihin nitong oo ay hindi nangyari. Sa halip ay narinig niya ang malalim na buntonghininga nito sa kabilang linya. “Iyon na pala ang sagot sa mahal kita ngayon,” anito sa magaang boses. Mahina pa itong natawa pero may kung anong kakaiba sa boses nito. Kumunot ang noo niya. Medyo nahiwagaan na siya sa tono ng boses ng kapatid. Para bang may iniinda itong sakit. “Selena, okay ka lang ba? Wait, bakit ganiyan ang boses mo? May sakit ka ba?” sunud-sunod niyang tanong dito. Medyo nakaramdam na rin siya ng pag-aalala. “O-Okay ang ako, Sis. It’s just that, uhm… mami-miss kita. Uh, I need to hang-up now. Mag-ingat ka at saka alagaan mo ang sarili mo palagi, 'wag puro trabaho ang atupagin mo. Sige na, b-bye.” sabi nito, medyo gumaralgal pa ang boses nito. Bago pa man siya nakapagsalita ay naibaba na nito ang linya. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib nang mas lalo siyang nakaramdam ng paninikip doon. Then, a series of tears rolled in her cheeks. May nangyari bang hindi maganda kay Selena? Sa naisip ay mabilis na tinawagan niya ang number nito pero hindi na niya ito makontak. Idadayal na sana niya ulit nang may natanggap siyang mensahe mula rito. Selena: H’wag mo na akong tawagan. Promise, uuwi ako d’yan pagkatapos ng anim na buwan para sa plano natin. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya at napalabi na lang sa nabasang text message na ipinadala nito. Nagtipa siya ng reply rito. Fine. Mag-iingat ka d’yan, okay? At saka mahal din kita, Selena. Sobra pa sa akala mo. Pagkatapos ay agad din niyang pinindot ang sent button. Matapos ma-sent ang mensahe niya ay ibinalik niya ang phone sa kaniyang bag. Tumungo siya sa kaniyang cabinet at inilabas niya ang kaniyang maleta mula roon. Pero paminsan-minsan ay natitigilan siya. Bakit pakiramdam niya, may mali sa tawag na iyon ni Selena? She sighed heavily and shook her head. Baka napa-praning lang siya. Siguro dahil ngayon lang ito ulit nagsabi sa kaniya ng nararamdaman nito sa kaniya nang walang kapalit. Itinuloy na niya ang pag-iimpake at pilit iniwawaglit sa isip ang pagtawag ng kakambal niya sa kaniya. Mga importanteng gamit lang din ang mga dinala niya. Anim na buwan lang naman siya na nandoon, saka puwede naman siyang bumalik dito kapag may nakaligtaan siyang gamit. Hila ng isang kamay ang maleta na lumabas siya ng kaniyang kuwarto. Pero kaagad siyang natigilan nang makita niya si North na nakapikit ang mga mata na nakaupo sa maliit niyang sofa habang nakahilig ang katawan sa sandalan. Nakapatong ang pinagdantay nitong mga paa sa maliit na center table sa harap at naka-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Tulog ba ito? Itinayo niya ang maleta at binitiwan iyon. Saka dahan-dahan siyang naglakad palapit sa lalaki. Huminto lang siya nang isang dangkal na lang ang natitirang espasyo sa pagitan nila. Mukhang tulog nga ito dahil hindi man lang siya namalayang lumabas ng kaniyang kuwarto at nakalapit na rito. Natigilan naman siya at napatitig sa mukha nito. He's really had an innate good look. Napakakinis pa ng mukha, mas makinis pa yata kaysa sa kaniya. Perpekto at matangos rin ang ilong nito. Ang manipis nitong mga labi ay natural na mapula. Nagsimula ring mangitim ang magkabilang gilid ng panga nito dahil sa papatubong balbas, pero hindi naman iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito, sa halip mas nakapadagdag pa iyon. Napatingin siya sa namumutok nitong mga muscles sa braso. Naka-rolyo na kasi ang manggas ng suot nitong itim na button-down long sleeve. "Staring is a crime, Mrs. De Sandiego." Napasinghap siya nang magsalita ito. Mabilis siyang umayos sa pagkakatayo nang makitang mariin ng nakatitig ang mga mata nito sa kaniya. Nakita pa niya ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito. s**t! Nakakahiya at nahuli pa siya nitong nakatitig dito! "G-Gigisingin na sana kita dahil aalis na tayo pero tulog ka—" "Kaya tinititigan mo ako?" nakangising putol nito sa kaniya. Umirap siya at agad na tumalikod dito. "May masama ba kung titigan kita? Makukulong ba ako?" tanong niya at binalikan ang kaniyang maleta para pagtakpan ang kahihiyang ginawa niya. "Yeah," he said in husky voice. Natigilan siya at agad na kilabutan nang nang nasa likuran na niya ito at halos magdikit na ang mga katawan nila. "You will be jailed in my room tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD