Chapter 9

1804 Words
HINDI mapigilan ni North ang sarili na titigan ang natutulog na si Selena. Tulog na tulog ito na hindi man lang nagising nang huminto na ang sinasakyan nito. Kanina pa sila nakarating sa bahay niya rito sa Forbes Park, Makati pero hindi niya ito magawang gisingin dahil sa himbing ng pagkakatulog nito. She’s beautiful and has an angelic face, but behind her beautiful and angelic face is a cunning woman. A gold digger. Babaeng walang ibang gusto kundi ang magwaldas ng pera niya kasama ang mga barkada nito. Galit siya rito dahil ayaw pa siya nitong pakawalan. He wanted to hurt her, not physically but emotionally until she gives up and file the annulment that he wanted. Ngunit sa tuwing nakikita niya ang takot sa mga mata nito kapag lalapitan o titingnan lang niya ito ng masama ay parang kinakain naman siya ng kaniyang konsensya. At lahat ng ipinapakita nitong tapang, alam niyang takot din ito sa kaniya at pilit lang nito iyong pinagtatakpan sa kunwaring pagtatapang-tapangan nito. Tumaas ang kamay niya para alisin sana ang buhok nitong bahagyang tumabing sa mukha nito pero hindi na niya itinuloy, ikinuyom niya ang kamay at ibinaba. Damn it! Nag-uumpisa pa lang siya para pahirapan ito para sumuko na ito, pero bakit parang siya ang gustong sumuko rito? This isn’t good! Marahas siyang nagbuga ng hangin at lumabas na ng sasakyan. Sinadya rin niyang lakasan ang pagkakasara ng pinto para magising ito. He needs to stick his plan. Kung ano man ang larong gusto ng babaeng iyon, hindi niya hahayaang ito ang manalo. Nasa tapat na siya ng pintuan ng bahay niya nang marinig niya ito. "Pasensya na at nakatulog pala ako.” sabi nito. Hindi siya nagsalita at dumeretso na sa pagpasok sa loob ng mansion. Kaagad din niyang binuksan ang ilaw sa may sala. Hinubad niya ang kaniyang coat at basta na lang itinapon sa may couch at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. Bubuksan na sana niya ang fridge nang marinig na naman niya ang babae. "Saan ba ang kuwarto ko?" Nag-igting ang panga niya at nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Go upstairs. Pumili ka na lang ng kuwartong gusto mo," aniya, hindi man lang niya ito pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Itinuloy na rin niya ang pagbukas ng fridge at kinuha ang pitsel na puno ng tubig. Kumuha siya ng baso at sinalinan niyon. Matapos makainom ng tubig at isauli ang pitsel sa loob ng fridge ay tumungo siya sa kaniyang opisina na nasa unang palapag lang nitong mansion. Nakaidlip siya ng ilang minuto sa apartment ni Selena kaya hindi na siya nakaramdam ng antok. Kaya pag-aaralan na lang muna niya ang kaso ng susunod niyang kliyente. It's a murder case again. Naganap ang pagpatay ng biktima sa loob ng isang kilalang hotel sa may Quezon City. Nasa late 50’s na ang biktima at pinaghihinalaan na ang driver nito ang pumatay at siyang nakakulong ngayon. Pero hindi naniniwala ang isa sa mga anak ng ginang na si Robert Ocampo, na ang driver ng ina nito ang pumatay dahil kilala raw nito ang lalaki. Mabait daw ito at pinagkakatiwalaan ng ama nito nang nabubuhay pa ito. Kaya lihim nitong tinulungan ang driver dahil ayaw nitong malaman ng mga kapatid nito, na siyang nagsampa ng kaso at nagpakulong sa pobreng driver. Tumunog ang kaniyang phone kaya itinigil muna niya ang pagbabasa. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot niyang maong pants. Kumunot ang noo niya nang makitang ang kaniyang Tito Pierro ang tumatawag. “Yes, Tito Pierro.” sagot niya sa tiyuhin. “Can I ask you a favor, North?” sabi nito sa kabilang linya. “Sure, Tito. What is it?” tanong niya. Kaagad naman nitong sinabi ang hinihingi nitong favor sa kaniya. “Okay, Tito. Zephieru is now on his leave. Puwede ko rin siyang pakiusapan tungkol dito.” Matapos magpasalamat ang Tito Pierro niya sa kaniya ay kaagad naman itong nagpaalam. He sighed and shook his head. Mukhang ang pinsang si Zach na naman yata ang pinaglalaruan ng tadhana. Hindi pa rin siya makapaniwala na may anak ito at ng ex-girlfriend nitong si Claire. Pero mas lalong hindi niya mapaniwalaan ay nasa pangangalaga ni Katharina ang bata. Hinanap niya ang numero ni Zephieru at kaagad itong tinawagan. Ilang ring pa bago ito sumagot. “What the hell, North Hadrianus!” galit na bulyaw nito sa kabilang linya. Pero sa halip na mairita sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya ay napangisi lang siya. “Good evening, Ze. Am I interrupting something?” he teased. Knowing Zephieru, alam niyang nasa galaan na naman ito. Perhaps, nasa bar na naman ito ni Craigh. “Fucktard, it’s almost 2 o’clock in the morning.” His voice was still annoyed on the other line. “Oh! Good morning then,” he teased him again. “Stop teasing me, Hadrianus. I am sleepy, so spill it.” He sighed. Nagseryoso na rin siya. Mukhang wala sa mood ito para makipagbiruan sa kaniya. “Tito Pierro called me. He wants you to investigate, Claire Montecalvo.” aniya. Hindi kilala ni Zephieru ang babaeng iyon. Dahil noong panahon na naging magkasintahan pa sina Zach at Claire ay nasa loob na ito ng training camp. “Zach’s ex-girlfriend?” tanong nito sa kabilang linya. Tumaas ang isang kilay niya kahit hindi naman siya nito nakikita. Umayos siya sa pagkakaupo. “Alam mo ang tungkol sa relasyon nila noon ni Zach?” “Yes, pero hindi ang buong kuwento.” sagot naman nito. Tumango-tango siya. “Yes. Gustong paimbestigahan ni Tito Pierro ang babaeng iyon dahil may anak pala ito at si Zach pero nasa pangangalaga ngayon ng ibang babae.” “Who?” tanong nito. Ang tinutukoy ay kung sino iyong ibang babae na sinasabi niya. Naririnig din niya sa kabilang linya na parang nagtitipa ito. Mukhang wala yata ito sa bar ngayon ni Craigh. “Katharina Romualdez Herrera.” sabi niya sa buong pangalan ng secretary ni Zacharias. “Okay, give me one or two days for this matter.” sabi nito. "Anyway, bukas ang libing ng asawa at anak ni Chad, pupunta ka ba?" tanong nito sa kaniya, na nagpatahimik sa kaniya. He sighed. "Yes. I'll be there. How's Chad? Gising na ba siya?" "Hindi pa." Tumango siya at hindi na nagsalita pa hanggang sa nagpaalam na ang pinsan niya. Tahimik na ibinaba niya ang phone at napatitig na lang siya sa folder na hawak niya. Hindi niya inakalang mangyayari ito kay Chad at sa pamilya nito. Napatingin siya ulit sa screen ng kaniyang cellphone nang muli iyong nag-ring. Nang makitang si Jacob ang tumatawag ay kaagad naman niya tong sinagot. "Jacob," "Can I ask you a favor?" sabi nito sa kabilang linya. "Of course, what is it?" Alas tres na ng madaling araw nang magpasya siyang pumasok sa kaniyang kuwarto at matulog. Pero nagulat siya nang makita niya si Selena na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kaniyang kama. Gamit pa nito ang kaniyang kumot at unan. His black long hair was scattered on it. And she looks seductive in her position. Kahit balot na balot naman ito ng kumot niya. Ganito ba talaga kadesperada ang babaeng ‘to? Gumalaw ito para tumagilid at bahagya pang nalilis ang kumot sa katawan nito. The f**k! Napamura na lang siya nang makitang nakasuot lang ito ng maikling short, and he saw her white, long and creamy legs. Ah! Aside her beautiful face, he forgot to tell that Selena has a curvy body. Damn! Napalunok siya at iniwas ang tingin sa mapuputi nitong binti. At bago pa mademonyo ang utak niya ay lumabas na siya ng kaniyang sariling kuwarto. Tumungo siya sa guestroom at kaagad tumungo sa banyo. To have a very cold shower. Damn it! Why does his c**k react this way?! Sa dami ng mga babaeng naikama niya ay ngayon lang siya nakakaramdam na tinatayuan kahit tinitingnan pa lang niya. He groaned and looked down his buddy. Kumuyom ang dalawang kamay niya at itinukod niya iyon sa tiled wall ng banyo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata pero mukha ni Selena ang nakikita niya. Peacefully sleeping on his huge and comfy bed. Mas lalong nag-init ang pakiramdam niya at mas lalo lang siyang tinitigasan. Goddamnit! He needs to do something to make his buddy cool down! Wala siyang matinong tulog. He always ended up in the bathroom to have a cold shower. Kaya minabuti na niyang maunang makaalis ng bahay bago pa man magising si Selena at magpang-abot silang dalawa. Ngunit nagulat siya nang paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang babae na nasa hardin. May bitbit itong garden hose habang dinidiligan ang mga natutuyo ng mga halaman. Matagal na niyang hindi inuuwian itong bahay. Hindi rin siya kumuha ng caretaker dahil wala naman siyang balak na tumira pa rito. Umuuwi lang siya rito kapag nandito siya sa lugar at may inuuwing babae pero madalang lang. Iba na rin ang suot nito. She's now wearing a black large t-shirt and a jogging pants. Ibang-iba sa naging suot nito kagabi habang natutulog ito sa kama niya. Isa rin ito sa mga ipinagtataka niya. Ayon sa report ng imbestigador niya ay mahilig magsuot ng maiikling damit si Selena. May mga pictures din iyong kasama. Sa mga pictures na iyon ay lahat nakasuot ito ng dress na halos luluwa na ang dibdib nito at ang iikli pa na kapag tumuwad ito ay makitaan na ito. She looks like a slut with those pictures, ibang-iba sa Selena na nasa harap niya ngayon. “Good morning, Mr. De Sandiego.” Napakurap siya. f**k! Kanina pa pala siya nakatitig sa babae. Natigil na rin ito sa ginagawa at nakatingin na sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at tumuloy sa kaniyang sasakyan. “Wait, aalis ka?” Madilim ang mukha at nagsalubong pa ang mga kilay niyang hinarap niya ito. Nakita pa niyang bahagya itong natigilan sa nakitang hitsura niya. Nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito ay mahigpit na iyong nakahawak sa hose. Bumalik ang tingin niya sa mukha nito. “May trabaho ka? Sunday naman ngayon—” “At wala kang pakialam doon.” Malamig na tinititigan niya ito sa mga mata. May takot na naman siyang nakita roon pero saglit lang at biglang naging malamig din ang mga mata nito na sinalubong ang mga mata niya. “I’m just asking. Hindi ko sinabing papakialaman kita.” umirap pa ito sa kaniya. “Then, hindi ko kailangan ang tanong mo. Maaaring asawa kita sa papel pero hanggang doon lang iyon. Nothing more special, kaya wala kang karapatan na magtanong o pakialaman ang buhay ko.” Pagkasabi niya n'on ay agad din niya itong tinalikuran. “And oh, hindi ikaw ang magbabayad ng bills kaya matuto kang magtipid ng tubig.” aniya pa, bago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD