GULAT at hindi na nakapagsalita pa si Serena. Para siyang napipilan sa sinabi nang lalaking kaharap niya. Gano’n na ba kamaluho ang kakambal niyang si Selena?
“Cat got your tongue, huh?” he asked in a sarcastic tone.
Kunot ang noong iniwas niya ang tingin dito. Aminado siyang mga bata pa lang sila ni Selena ay ito ang pinakamaluho sa kanilang dalawa. But twenty million a day? Napaka-imposible naman. Saan ba pinaggagasta ni Selena ang perang iyon?
Ngunit nang maalala niya ang ginawa ng lalaki sa Papa niya, kaagad nawala ang naramdamang konsensya.
Ngumisi siya. “Kulang pa nga iyon kung tutuusin, Mr. De Sandiego,” matapang niyang sabi rito.
Agad na naningkit ang mga mata nito at mas lalong nagdilim ang guwapo nitong mukha. Lihim siyang napaismid sa adjective na ginamit niya.
Well, hindi naman niya maitatanggi, that she find him amazingly handsome. Pero nakaka-turn off naman ang masamang ugali nito.
“You were unbelievable.” iiling-iling na sabi nito.
He looked disappointed in her at the same time, displeased with what she was saying.
Pinagtaasan lang niya ito ng kilay. "Bakit? Totoo naman, ah. Kulang pa iyon sa ginawa mo sa Papa ko."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. May kung anong sakit na dumaan pa sa mga mata nito pero agad din iyong nawala at napalitan ng walang emosyon.
Kung wala itong kasalanan sa kanila ng kapatid niya, siguro hindi rin niya magawang sagut-sagutin ito. Pero dahil sa kasalanan nito, nagkaroon siya ng lakas ng loob.
Tinalikuran niya ito. Bumalik siya sa sofa kung saan siya nakaupo kanina.
"I'll give you everything you want. Just live with me for two months and file an annulment after."
Natigil siya sa akmang pag-upo niya. Huh! Pinapamukha talaga ng lalaking ‘to na pera lang ang habol ni Selena rito. Lalo lang siyang nainis dito. Matalim ang mga matang tiningnan niya ito ulit. Hindi man lang ito natinag kung saan ito nakatayo.
Mapakla siyang natawa. “Hindi pera ang kailangan ko, Mr. De Sandiego.”
Tumalim na naman ang mga mata nitong hindi man lang inalis sa pagkakatitig sa kaniya.
“Then, what is it, woman?”
“Maupo ka muna, Mr. De Sandiego. Baka hindi mo kayanin kapag sabihin ko na sa ’yo ang gusto ko,” sarkastiko niyang sabi rito.
Namulsa ito. Bahagya lang nitong sinulyapan ang sofa na itinuro niya. Wala yatang balak na maupo. Bakas pa sa mukha nito ang pandidiri kaya mas lalong nag-aalburuto siya sa sobrang inis.
“H’wag kang mag-alala, ganito lang ang apartment ko pero mas malinis pa 'yang sofa na iyan kaysa sa buong pagkatao mo,” pang-iinsulto niya. Makabawi man lang siya sa magaspang nitong ugali.
She could be nice and kind, pero sa mga tao lang na deserving n'yon. And unfortunately, this man inside her humble sanctuary was not deserving with her kindness.
Kahit na sabihin pang naabsuwelto na ito sa ginawa nito dahil nakikipag-areglo ang lola niya rito at sa pamilya nito. Masakit pa rin iyon sa kanila dahil hindi naman ito ang nawalan ng ama. Hindi naman ito ang nawalan ng pamilya at namuhay na mag-isa. At hindi n'yon maalis ang katotohanang ito ang pumatay sa Papa niya.
North chuckled roughly. “Really?” he mocked. “Knowing you,” mas lalong tumalim ang mga mata nito. Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang talampakan at pabalik. Pagkatapos ay ngumisi ito. “Baka may mikrobyo iyang sofa na iyan," dugtong nito na nagpasinghap sa kaniya.
Iniisip ba nito na kung sinu-sino na lang ang lalaking dinadala niya rito? Uminit ang mukha niya at parang umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo sa sobrang inis niya sa hambog na lalaki.
“Damn you! Get out!” asik na taboy niya sa lalaki. Nanggagalaiting tinuro pa niya ang pintuan ng kaniyang apartment. “Wala kang karapatang insultuhin ako sa sarili kong pamamahay, Mr. De Sandiego. Anong akala mo sa akin, na kung sinu-sino na lang ang lalaking kinakama ko—”
“Bakit hindi ba?” putol nito sa kaniya, na ikinatahimik naman niya.
Napaawang pa ang bibig niya. Kahit alam niyang hindi para sa kaniya ang pang-iinsulto na iyon, pero gano'n na rin iyon dahil siya ang kaharap nito at hindi si Selena.
“How dare you insult me!” madiin at puno ng galit na sikmat niya sa lalaki.
Pero hindi man lang ito tinablan sa galit na nakikita nito sa kaniya. Wala pa rin siyang nakikitang emosyon sa mukha nito habang madilim na nakatitig sa kaniya.
Then he walks towards her. Kinakabahang napaatras naman siya. Nahigit niya ang kaniyang paghinga nang tumama ang likod ng mga tuhod niya sa gilid ng sofa kaya wala na siyang maaatrasan pa. Pero patuloy pa rin ang paglapit nito sa kaniya.
“Stop right there, Mr. De Sandiego!” galit na sikmat niya.
Parang tatalon na sa lalamunan niya ang kaniyang puso sa sobrang kaba.
Nakita niyang bahagyang umangat ang isang sulok ng labi nito, kaya alam niyang nakikita nito sa hitsura niya ang kaba at takot na nararamdaman niya.
“Bakit kailangan pa tayong magsama kung magpa-file rin naman ng annulment? Huh?" tanong niya, na nagphinto naman dito.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa paghinto nito, isang dangkal ang layo mula sa kaniya.
"Because of my grandfather's f*****g last will. Kailangan nating magsama sa iisang bubong sa loob ng dalawang buwan para subukan kung magwo-work ang kasal natin. But I already know this marriage doesn't work, so yeah, you need to file an annulment after two months."
Napataas ang isang kilay niya sa huling sinabi nito.
"Why would I be the one to file an annulment? Ikaw ang atat na atat na mapawalang bisa ang kasal natin, kaya bakit hindi ikaw ang mag-file ng annulment?"
Nagtagis ang bagang nito at bahagyang itinagilid ang ulo.
“I can’t, Miss Alegre.” madiin at puno ng frustrasyon ang boses na sabi nito. "Nasa will ng lolo na ikaw ang dapat na umayaw sa kasal na ito."
So, kay Selena pala nakasalalay ang kalayaan nito. Wala naman palang problema si Selena sa kalayaang gusto rin nito, kung kakalimutan na nito ang pinaplano nitong paghihiganti rito sa lalaki.
Kung hindi lang ito arogante at masakit magsalita baka kanina pa siya pumayag sa gusto nito, bahala na kung magalit sa kaniya si Selena.
Naalala niya ang sinabi ni Selena sa sulat na iniwan nito sa kaniya. She needs to live with him for six months. Pero dalawang buwan lang ang hinihingi nito sa kaniya.
Kumuyom ang mga kamao niyang nakapirmi lang sa tagiliran niya.
“Okay,” aniya. Nakita naman niya ang tuwa sa mga mata. “Pero sa isang kondisyon."
She saw him tilted his head. His jaw was clenching. Nagtitimpi na yata ng galit nito sa kaniya. Kung punyal lang ang mga mata nito, baka kanina pa siya nakabulagta ngayon sa kinatatayuan niya, walang buhay.
"What?!" he snapped.
“Gusto kong magsama tayo sa loob ng six months, and after that I’ll file the annulment that you want,” aniya, habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito.
Matagal siya nitong tinititigan, wala pa ring emosyon ang mga mata. His lips formed in a thin line.
"What are you planning, woman?" he asked.
There was a hint of danger in his voice. Gusto niyang matakot at magtago na lang. Ramdam na rin niya ang panghihina ng mga tuhod niya. Kumunot ang noo niya para pagtakpan ang takot na nararamdaman niya.
Kung gusto mong makapaghiganti sa lalaking iyon, then, you have to be smart, Serena. Use your brain and not your goddamn soft heart. And take note, he is known as a badass lawyer. Puwede ka niyang pagdududahan at hanapan ng puwedeng magamit niya laban sa 'yo. So, be careful with your words and actions.
Biglang umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Selena bago pa man niya ito binabaan ng phone kanina.
Shit! Abogado nga pala ito. Kaya puwede nga talaga siya nitong pagdududahan kung ano ang mga binabalak niya at bakit ayaw niyang makipaghiwalay ng ayon sa gusto nito.
Kailangan din niyang pag-isapan ng mabuti ang mga sasabihin niya at bantayan ang mga kilos niya, nang sa gano'n ay hindi nito malaman kung ano talaga ang tunay niyang pakay, kung bakit gusto niyang magsama sila ng anim na buwan. At kailangang pagkatiwalaan din siya nito.
Huminga siya nang malalim. “Wala akong plano, Mr. De Sandiego,” sabi niya sa mahinahong boses. “Naisip ko lang na baka... uhm..." ano nga ba ang puwede niyang idahilan? "Baka puwede pa nating maayos itong kasal natin."
Biglang nag-init ang mukha niya sa sinabi niya. Pero iyon na lang kasi ang naisip niya para pumayag ito sa six months na hiniling niya. Kaya niyang kumuha ng mga ebidensya para maipakulong ito sa loob ng dalawang buwan, pero hindi naman niya kayang siya ang gagawa sa susunod na mga plano ni Selena.
North chuckled arrogantly. “So, you want this marriage to work, huh? For what? Para patuloy ang paglustay mo sa pera ko?” puno ng pang-iinsultong sabi nito.
Hindi sana siya dapat na masaktan dahil hindi naman siya ang gumawa n’yon, pero nasaktan pa rin siya para sa kapatid niya. Pero pinigilan niya ang sarili na ‘wag na lang itong sagutin.
“O baka naman…” tumigil ito sa pagsasalita. Hinanap nito ang mga mata niyang nakaiwas na rito. “May gusto ka na sa akin?”
Pinigilan niya ang sarili na hindi matawa sa sinabi nito. Siya? May gusto rito? Nah, there’s no f*****g way she will let herself fall with a criminal like him!
“Asa ka, Mr. De Sandiego.” aniya na napaismid pa.
Kaagad naman na nalukot ang mukha nito. May kung ano ring dumaan sa mga mata nito. Was it confusion?
Shit! Siguro naguguluhan ito sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi maguguluhan kung sinabi niya na gusto niyang ayusin ang kanilang kasal, pero taliwas naman ang sinagot niya.
Does she need to pretend na may gusto siya rito?
Shit! Parang gusto na yata niyang pagsisisihan na pinatulan niya ang mga sinasabi ni Selena sa sulat nito. Pero hindi lang ang paghihiganti ni Selena kaya niya sinunod ang kapatid. She wanted to teach him a lesson, na hindi lahat ng tao ay susunod dito. Hindi lahat ng gusto nito ay makukuha kaagad nito.
“Look, Mr. De Sandiego, ikinasal tayo dahil sa nangyari noon. Hindi man naging pormal ang kasal natin at hindi tayo nagharap man lang, but we both agreed with this marriage. Kaya gusto ko lang bigyan ng pagkakataon itong kasal natin sa loob ng anim na buwan. After that, kapag sa tingin natin ay hindi talaga magwo-work then, katulad ng sinabi mo magpa-file ako ng annulment at hindi rin ako tatanggap ng kahit na ano mula sa ’yo.” mahabang paliwanag niya.
Damn! Ito ang dapat na nagmamakaawa sa kaniya, hindi siya. But why does it turned out, na siya na ang nakikipag-negosasyon dito? Ipinilig niya ang ulo. Para ito sa patas na hustisya na gusto niyang makamit para sa Papa niya.
Kung si Selena ang nandito, baka mas worst pa yata ang sasabihin ng kapatid niyang iyon sa hambog na lalaking 'to.
Titig na titig naman sa kaniya si North na ikinailang niya. Humakbang ito palapit sa kaniya na agad naman niyang ikinataranta.
“W-What are you doing?” kinakabahang tanong niya.
Patuloy itong humakbang hanggang sa wala ng espasyong natitira sa kanilang dalawa.
"Why are you making this hard for me, Mrs. De Sandiego?" he asked without breaking their eye contact.
Para itong may magnet, kahit gusto niyang iiwas ang mga mata rito pero hinahatak pa rin siya n’yon. So, she’d end up staring at him too.
“Fine, let’s give this marriage a shot,” he agreed. Gusto na sana niyang magdiwang kung hindi lang ito nagsalita ulit na ikinawindang niya. "And that you need to fulfill your duties as my wife in six months."
Duties? As his wife? Hindi naman siya inosente para hindi maunawaan ang ibig sabihin ng duties na sinasabi nito.
“A-Anong ibig mong sabihin?” pagmaang-maangan niya.
He smirked. A mocking smirked. Kaya bigla na namang umahon ang inis niya rito.
"Don't pretend that you're innocent, woman. Because we both know you're not," sabi nito, nang-iinsulto na naman sa kaniya.
Pero hindi niya ito hahayaang lagi na lang siya nitong iinsultuhin. He has a sharp tongue, at kailangan niyang matutunan na ‘wag masaktan sa mga sinabi nito.
Natawa siya. Hinaluan pa niya iyon ng kaunting landi. Pumungay rin ang mga mata niya at iniisip niya ang puwedeng gawin ni Selena sa lalaking ito, kung ang babaeng iyon ang nandito ngayon.
“Of course, Mr. De Sandiego, alam ko ang mga duties na iyan,” sabi niya.
Itinaas niya ang nanlalamig niyang mga kamay at inilapat niya iyon sa malapad nitong dibdib. s**t! Muntik pa niyang mabawi ang kamay nang biglang may kung anong kuryente ang agad na nanulay sa kaugatan niya kahit may telang nakaharang.
Nakita naman niya ang paglunok nito. Mabilis niyang inalis ang kamay at iniwas kaagad ang katawan dito bago pa man nito nahahalatang nanginginig siya sa sobrang kaba.
"So, deal?" Nakataas ang kilay na tanong niya at naglahad pa siya ng kamay sa harap nito.
Ngunit hindi nito tinanggap ang kamay niya. Pero nagulat siya nang bigla na lang nitong hinapit ang beywang niya at sa isang iglap lang ay sakop na nito ang mga labi niya.
Nanlalaki ang mga mata at nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nang matauhan ay itutulak na sana niya ito at sasampalin pero mabilis na itong humiwalay sa kaniya.
May nakakalokong ngisi pang nakaplaster sa mga labi nito.
"Deal, Mrs. De Sandiego." sabi nito at tumalikod na.
Nakatangang sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng kaniyang apartment.