Chapter 4

2134 Words
"BAKIT?" Lukot ang mukhang tanong ni Serena sa dalawang lalaking humarang sa kaniya. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil bukod sa may mga tao naman sa paligid nila at malapit lang din sila sa may post ng guard ng hospital ay mukhang hindi naman mga masasamang tao itong humarang sa kaniya. Pero kailangan pa rin niyang maging alerto. Kahit hindi mukhang sanggano ang mga ito ay hindi pa rin garantiya iyon na wala itong masamang balak sa kaniya. Lalo pa at hindi naman niya ang mga ito kilala at hindi niya alam kung bakit siya hinarang ng mga ito. "Serena, are you still there?" Napangiwi siya nang marinig niya ang boses ni Selena sa kabilang linya. "I'll call you back, Selena," aniya at pinutol muna ang tawag habang nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa dalawang lalaki. "Ano pong kailangan nila?" tanong niya sa mga ito. "Miss Selena Alegre?" tanong nang isang lalaki na medyo semi-kalbo ang pagkakagupit ang buhok. Kumunot ang noo niya. Sino ba ang mga ito at tinatanong nito kung siya ba si Selena? Pero nang maisip na baka isa naman ang mga ito sa mga naloko ng kapatid niya ay agad na kumuyom ang mga kamao niya. “Hindi ako si Selena,” aniya at gumilid para makadaan pero muli ay hinarang siya nang lalaking semi-kalbo ang gupit ng buhok. Mas lalong nangunot ang noo niya. "Nagkamali po kayo, hindi po ako si Selena. At kung ano man ang atraso ni Selena sa inyo, hintayin niyo na lang siya na makabalik dito sa Pilipinas." naiinis nang sabi niya dalawang lalaki. Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito. At nasa mukha ng mga ito na hindi ang mga ito naniniwala sa sinabi niya. "Sumama na po kayo sa amin, Ma'am Selena. Gusto ka raw na makausap ng boss namin." sabi noong isang lalaking kasama noong semi-kalbo ang buhok. "Boss?" nakatikwas ang isang kilay niyang tanong sa mga ito. Kung gano’n hindi ang mga ito ang nagawan ng atraso ni Selena. “Maaari bang malaman kung sino ang boss ninyo?” Humahanap din siya ng tiyempo na makaalis at hindi na maharangan ng mga ito. Puwede naman siyang sumigaw at humingi ng saklolo roon sa guard sa may entrance ng hospital pero wala naman ang mga itong ginawa sa kaniya at nakakahiya kung gagawin niya iyon. Nakita niyang nagkatinginan ulit ang dalawang lalaki sa harap niya. “Mr. North Hadrianus De Sandiego.” Sabi ng lalaking semi-kalbo. Napakurap siya. Ang asawa ni Selena ang boss ng mga ito. Nang maalala niya ang sinabi ni Selena kanina ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata. Napaatras pa siya nang isang beses. "Ah, pasensya na po pero hindi ko kilala iyang sinasabi niyong boss." sabi niya at mabilis na tinalikuran ang mga ito. Well, personally hindi naman talaga niya kilala ang lalaking iyon at wala siyang balak na kilalanin ang taong dahilan kung bakit maaga silang nawalan ng mga magulang ni Selena. Pero mas mabilis ang dalawang lalaki at agad na hinarangan na naman ang dadaanan niya. “Hindi nga ako si Selena. Kung sino man iyang boss na sinasabi niyo, sabihin niyo sa kaniya na maghintay siya hanggang sa makabalik si Selena rito sa Pilipinas.” aniya at agad pumihit patalikod ulit sa mga ito. Mabilis ang naging hakabang niya para makalayo sa mga ito. Nagpalinga-linga din siya sa paligid para hanapin ang kaibigan niyang si Arrah. Mas binilisan pa niya ang mga hakbang nang sinundan pa rin siya nang dalawang lalaki pero hindi naman ang mga ito nagtangkang habulin siya. Para bang normal lang ang mga itong naglalakad habang nakasunod sa kaniya. Pero siya, ay halos tumakbo na para lang makalayo siya sa mga ito. “Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon—ayy!" napahiyaw siya nang bumangga siya sa isang napakatigas na bagay. Mariin pa siyang napapikit ng mga mata. Pakiramdam kasi niya ay naalog ang utak niya. Noong una, akala niya bumper nang sasakyan ang nabangga niya. Pero nang may malalaking mga kamay ang mahigpit na humawak sa magkabilang braso niya para hindi siya matumba ay saka lang niya napagtanto na hindi bumper ng sasakyan ang nabangga niya. Napalunok siya. Tila may kung anong lumukso rin sa puso niya nang malanghap niya ang napakabangong amoy ng isang lalaki. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at dahil nakayuko siya, una niyang nakita ang makintab at mamahaling sapatos ng taong nabangga niya. "Sorry po, pasensiya na po talaga, hindi ko sinasadya." Kinakabahang paghingi niya ng paumanhin sa lalaking nabangga niya. Napatingala pa siya para tingnan ito pero agad din siyang natigilan at bahagya pang napaawang ang bibig nang masilayan niya ang napaka-guwapong mukha ng lalaki. He was wearing a black ray-ban wayfarer, kaya hindi niya makita ang mga mata nito. But heck...sobrang lakas ng dating nito. Ito ba ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae kanina? "Next time, look where you are going." malamig at walang emosyon ang boses na sabi nito sa kaniya. Magkasalubong pa ang makapal nitong mga kilay at madilim ang mukha. Napakurap-kurap siya at naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya dahil sa kahihiyan. "P-Pasensiya na," sabi niya ulit at mabilis na umatras. Binitawan naman siya nito na ikinahinga niya ng maluwang at saka lang din niya napagtanto na halos pigilan na niya ang kaniyang paghinga. Isa pang pag-atras ang ginawa niya bago tinalikuran ang lalaki. Napahawak pa siya sa gilid ng leeg niya dahil nakaramdam siya ng pangangalay roon. Sobrang tangkad ng lalaki at kanina pa siya nakatingala dahil sa pagka-starstruck niya sa lalaking iyon. Pero agad na naman siyang napasinghap nang sa pag-angat nang kaniyang tingin ay bumungad naman sa kaniya ang dalawang lalaking tinakasan niya kanina. Ngunit hindi sa kaniya nakatuon ang tingin ng mga ito kundi sa taong nasa likuran niya. Akala niya ay haharangan na naman siya ng mga ito pero gumilid lang ang mga ito para padaanin siya. Nangangatog ang mga tuhod na kaagad siyang napatakbo palayo at nang may dumaang tricycle ay agad niya iyong pinara. Sumakay kaagad siya nang huminto iyon sa harap niya. Ulit ay nakahinga lang siya ng maluwang nang makapasok na siya sa loob ng apartment niya. Siniguro pa niyang naka-double locked ang pinto bago siya tumungo sa maliit niyang sofa at nahahapong naupo siya roon. Pinisil pa niya ang dalawang hita niya dahil sa nararamdamang pangangalay ng mga 'yon. Sobrang tensyon ang nararamdaman niya kanina lalo na sa harap ng lalaking iyon. Shit! Bakit ba ganito siya katensiyonada nang dahil lang sa lalaking iyon? Nang maalala niya si Arrah ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang cell phone at pinadalhan niya ito ng message na nakauwi na siya. Pagkuwan ay nahahapong isinandal niya ang likod sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata. Pero agad din niyang naimulat ang mga mata nang sa pagpikit niya ay ang guwapo pero madilim na mukha ng lalaking nabangga niya kanina ang nakita niya sa balintataw niya. "Aghh!" she groaned, mahina pa niyang pinukpok ng nakakumong kamao niya ang noo. Bakit ba ang mukha ng lalaking iyon ang nasa isip niya? Umayos siya sa pagkaka-upo at akmang tatayo na sana nang makita niyang may naka-ipit na papel sa vase na nasa ibabaw ng mesita sa harap niya. Kunot ang noong kinuha niya iyon at kaagad binuklat. Mas lalong nalukot ang noo niya nang makitang sulat-kamay iyon ni Selena. So, pumasok na naman ang babaeng iyon dito nang walang paalam sa kaniya. Napahinga na lang siya nang malalim at binasa ang sulat nito. Serena, I'm sorry, twin, but I badly need your name, para makakuha ako ng passport at makaalis ng bansa. And the truth is, matagal ko na itong naasikaso. Paalis na rin kami ni Emir ng bansa. Anyway, I want to warn you. One of these days, ay pupunta sa apartment mo o di kaya ay sa ospital na pinagtatrabahuan mo ang unknown husband ko. And please, do what I say to you. Magpanggap ka munang ako sa loob ng anim na buwan. Humanap ka na rin ng mga puwede nating magamit para bumagsak ang lalaking iyon at para makapag-file na rin ako ng annulment, nang makawala na ako sa pesteng kasal na iyan. Selena. Naikuyom niya ang kamay niyang nakahawak sa sulat ni Selena na iniwan nito sa kaniya. Wala siyang pakialam kung nayupi iyon. Mariin din niyang naipikit ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang sa sobrang inis niya sa kapatid. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit siya ang kinukulit ng dalawang lalaking inutusan ng hambog na De Sandiego na iyon. Nagulat siya at agad napaayos sa pagkaka-upo nang makarinig siya ng sunud-sunod na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng kaniyang apartment. Nilamukos niya ang papel na hawak at isinilid niya iyon sa bulsa nang kaniyang suot na nurse uniform. Pagkuwan ay tumayo siya at naglakad palapit sa may pintuan para pagbuksan kung sino man ang bisita niya. Sino ba itong bisita niya at gabi na? "Sino bang—" pero agad siyang natigilan nang sa pagbukas niya ng pinto ay ang lalaking nabangga niya kanina ang nakatayo sa labas. Damn! Sinusundan ba siya nito? Gano'n pa rin kasi ang suot nito. Isang black button-down long sleeve shirt, at naka-tucked in iyon sa suot nitong itim na pants. Pati mamahaling relo nito ay kulay itim din. At dahil nakatupi ang long sleeve nito hanggang siko ay kitang-kita niya ang maputi, maugat at maskuladong braso ng lalaki. Napalunok siya. Mula rin doon ay umangat pa ang tingin niya at nakita niya ang dalawang butones sa upper part ng long sleeves nito ay nakabukas, so she had a glimpse of his hairy chiseled chest. And she also noticed his silver bar necklace, na may tatlong heart na nakaukit. Nang tingnan niya ito sa mukha ay kagaya nang unang reaksyon niya nang mapagmasdan niya ang guwapong mukha nito ang siyang reaksyon niya ngayon. Pero nang magtama ang mga mata nila ay agad niyang nahigit ang hininga. Wala na itong suot na wayfarer kaya malaya niyang napagmasdan ang kulay abu nitong mga mata. Madilim iyon at tila isa siyang suspek na kailangan nitong i-interrogate. Bigla rin ang pagbilis ng t***k ng puso niya at hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. She couldn't even breathe properly as she stared at his deep grey eyes. He looks dark and violent in how he is standing at her apartment's door. Sa dinami-rami ng mga taong nakakasalumuha niya dahil sa trabaho niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. "Uhm, Sir, m-may kailangan po ba kayo?" tanong niya. Napatikhim pa siya para mawala ang bara sa lalamunan niya. "Sir." malalim ang boses na sabi nito. Nakita pa niya ang pag-angat ng isang sulok ng labi nito sa isang nakakainsultong ngiti. Kumunot ang noo niya. Bakit parang isang malaking kasalanan dito na tinawag niya itong Sir? "Bakit? May problema ba kung tawagin kitang Sir? Hindi tayo magkilala, Mister—" "North Hadrianus De Sandiego." putol nito sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya, pero nang mag-sink in sa utak niya ang binanggit nitong buong pangalan ay kaagad na nanlalaki ang mga mata niya. Oh! So, this is the man who killed his father. Mabilis ang naging pagkilos niya. Napaatras siya at akmang isasara na sana niya ang pinto nang mabilis naman nitong napigilan ng isang kamay nito ang pagsara ng pinto at walang kahirap-hirap na itinulak nito iyon na mas lalong ikinalaki ng kaniyang mga mata. "Ano ba ang kailangan mo—" "You know what I need, Miss Alegre." he said deeply. Napasinghap siya at hindi na nakagalaw pa nang tuluyan na nitong itinulak ang pinto pabukas at pumasok sa loob ng kaniyang apartment. Nakamatang sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki. Ito ang unang beses na may lalaking nakapasok sa apartment niya at isang mamamatay-tao pa. Sa laki at tangkad din ng lalaki ay tila biglang sumikip ang apartment niya. "K-Kung tungkol—" "File an annulment and I will give everything you want." he said, cutting her words off again. Sa sinabi nito ay biglang nagpanting ang tainga niya at uminit ang ulo niya. Hindi lang pala ito mamamatay-tao, isa rin itong arogante at napakataas ng tingin sa sarili. Naniningkit ang mga matang sinalubong niya ang madilim nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ang everything na iyan." may diin sa boses niyang sabi rito. "At sa ating dalawa ikaw ang mayaman, kaya bakit hindi na lang ikaw ang mag-file d’yan sa annulment na sinasabi mo." "Really?" he scoffed. "Says the woman who spent more than twenty million a day," he added in a mocking voice. Laglag ang pangang napasinghap siya at literal na nanlalaki ang mga mata niya. Gano'n kalaki ang perang winawaldas ni Selena sa isang araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD