Chapter 3

2181 Words
"NO!" Agad na tanggi ni Serena sa kakambal na si Selena. "Serena, naman!" maktol nito habang napapadyak pa ng isang paa. Nanlalaki pa ang butas ng ilong nito dahil sa nagsisimula na itong mainis sa kaniya. But her decision is final. Hindi niya ipapagamit ang pangalan niya rito para lang makakuha ito ng passport at makaalis ng bansa. She loves her sister, at kaya niyang ibigay rito ang lahat kung sa tingin niya ay makabubuti iyon dito. Pero ang ipagamit niya ang pangalan para lang sa pansarili nitong hangarin? Hindi na iyon tama. "No, Selena. Pumayag ka na magpakasal sa lalaking hindi mo kilala kaya siya ang kausapin mo para mapawalang bisa iyang kasal niyong dalawa. Saka ka na sumama d'yan sa boyfriend mo." "Hindi nga puwede. Hindi ka ba nakikinig, ha? Ang sabi ko gusto kong paghigantihan ang lalaking iyon sa ginawa niya sa Papa natin. At paano ko iyon magagawa kung hiwalayan ko siya? We lost Papa at our young age. Mama suffered and eventually died too. Nawala ang lahat sa atin pero ang lalaking iyon ay parang prinsepe na namuhay na parang walang nangyari." mahabang sabi nito. Kita niya ang galit sa mga mata ng kapatid at naroon ang determinasyon na makapaghiganti sa lalaki. Napaiwas na lang siya ng tingin dito. Ang totoo, gusto rin niyang makapaghiganti pero natatakot siya na baka siya lang ang mapahamak sa huli. Hindi naman kasi siya kagaya ni Selena na napakatapang at walang takot na gawin ang mga bagay kahit na ikapapahamak pa iyon dito. "Look, Serena. Hindi ba at gusto mo rin na makapaghiganti?" sabi nito nang hindi na talaga siya nagsalita. Kunot ang noong tumingin siya ulit sa kapatid. Nakaupo na ito sa pang-isahang sofa sa harap niya habang naka-cross ang mga binti. "Yes, pero hindi sa mga paraang gusto mo.” “At anong paraan pa ba ang gusto mo?” “Gusto ko siyang maipakulong at pagdusahan niya ang ginawa niyang pagpatay sa Papa natin." “At sa tingin mo mangyayari iyon? Serena, sobrang makapangyarihan ng pamilya nila. Hindi mo sila maipapakulong kung wala tayong sapat na ebidensya.” “Then hahanap tayo ng ebidensiya—" "Good idea!" putol nito sa sinasabi niya. "Magpanggap ka munang ako.” "Wait, what?" gulat na sambit niya. Napatayo pa siya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo, Selena? Anong magpanggap?" "Yes, magpanggap. Ikaw muna ang humarap sa kaniya habang nasa ibang bansa ako. Gawin mo ang gusto mo. Humanap ka ng mga puwede nating magamit para pabagsakin ang lalaki—” “No. Hindi ko iyon gagawin.” “Hinahanap na kasi ako ng lalaking iyon, Serena. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng anim na taon, ngayon pa niya ako naisipang hanapin. Pero hindi ko muna siya puwedeng harapin dahil may boyfriend ako at sasama muna ako sa kaniya sa ibang bansa. At hindi rin puwedeng malaman ni Emir na may asawa na ako." "That's cheating, Selena!" gimbal na sabi niya sa kakambal. Napatayo naman ito at namaywang sa harap niya. "No, it's not. What we have was just an arranged marriage. Ni hindi ko nga siya kilala o nakikita man lang at kung hindi ko lang mahal si Emir ay ako ang haharap sa lalaking iyan at pagbabayarin sa pagpatay niya kay Papa." Umiling siya. Hindi pa rin siya sang-ayon sa mga pinagsasabi nito. Kahit sabihin pa nito na arranged marriage lang iyon at hindi nito kilala ang lalaking pinakasalan nito, kasal pa rin ito, so she is still cheating on her husband. "Sorry, Selena, pero hindi ko magagawa iyang mga ipapagawa mo sa akin," aniya saka niya ito tinalikuran. "Bahala ka, basta gawin ko ang gusto kong gawin. Aalis na ako." paalam nito sa kaniya. Napaharap siya rito ulit. Dinampot nito ang sling bag nito at lumabas na ng apartment niya. Sinundan na lang niya ito ng tingin, pagkuwan ay napabuga na lang siya nang malalim na hininga at naglakad palapit sa pinto at ni-lock iyon. Nahahapong pabagsak siyang naupo sa sofa. Pumikit siya at isinandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa. Nahilot pa niya ang kaniyang ulo dahil sumakit iyon. Na-stress siya bigla sa mga pinagsasabi ng kakambal niya sa kaniya. Akala talaga niya noon ay gumagawa lang si Selena ng kuwento para pagtakpan ang mga kabulastugan nito sa buhay. KINABUKASAN ay nagising siya sa tunog ng alarm clock niya. Ang sarap pa sanang matulog dahil katutulog pa lang niya. Hindi kasi siya kaagad pinatulog sa problemang dala na naman ng kapatid niya. Pero kailangan niyang bumangon kung ayaw niyang ma-late sa kaniyang trabaho. Pagdating niya sa hospital ay si nurse Arrah pa lang ang naroon. "Good morning," bati niya sa babae. Busy ito sa pag-a-arranged at pagse-separate ng mga gamot na naroon. "Good morning, nurse Sere." bati nito sa kaniya pabalik at nginitian pa siya. Ngingitian sana niya ito pabalik pero naghikab naman siya. Nakita niyang tumaas ang isang kilay nito, pagkuwan ay naniningkit ang mga matang tinititigan siya. "Pumayag ka ng makipag-date kay Dr. Castro, ano?" anito na nangingislap pa ang mga mata sa kilig. "What? No." mabilis niyang tanggi sa kaibigang nurse. Napangiwi naman ito. "Eh, bakit parang puyat ka?" tanong nito, tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. Malalim na napabuntonghininga siya. "Bumisita kasi si Selena sa apartment ko kagabi." sabi niya. Sinimulan na rin niyang ayusin ang kaniyang mga gagamitin para sa kaniyang mga pasyente. "Ah, for sure, may panibagong problema na naman ang babaetang iyon." ismid nito at bumalik na sa ginagawa. "Anyway, kuwento ka na dali." Napakamot na lang siya sa kaniyang pisngi, pagkuwan ay sinimulan niyang ikuwento ang mga pinag-usapan nila ni Selena kagabi. "Ano kamo? Pagpanggapin ka sa mga kalokohan niya?" tanong nito, hindi maipinta ang mukha. "That was an insane thought! Ano bang klaseng kapatid iyang si Selena? Naku, ha! Kapag ikaw pumayag, ewan ko na lang sa 'yo, girl." Napangiwi na naman siya. "Tumanggi ako. Oo, gusto kong magkaroon ng hustisya si Papa pero matagal na kasing nagkasundo ang pamilya namin na hindi itutuloy ang kaso basta sasagutin ng mga ito ang pag-aaral namin ni Selena." Iyong pagpapakasal lang ni Selena roon sa lalaking nakadisgrasya kay Papa ang hindi niya alam. "But in fairness with that black sheep sisterit of yours, napakatuso." maarteng sabi nito. "Alam niyang hindi na kayo makapag-file ng case dahil sa napagkasunduan niyo kaya sa ibang paraan na lang siya babawi." dugtong pa nito. "Pero hindi pa rin ako sang-ayon sa mga ginagawa niya at ngayon ako ang gusto niyang humarap sa asawa niya. No way!" Natigil lang sila sa kanilang daldalan nang dumami na sila sa loob ng nurse station. Nang mapatingin siya sa wall clock at makitang oras na ng pagpapainom ng gamot sa isang batang pasyente niya ay agad na siyang nagpaalam kay Arrah. Thinking about Arrah's word about her twin sister, Selena. Ganoon ba talaga katuso ang kakambal niya? Yes, Selena is the black sheep of their family. Mula ng mga bata pa sila, ito ang laging napapagalitan nina Mama at Papa dahil ito ang laging nagpapasaway sa kanilang dalawa. Napakatigas ng ulo nito at sumasagot pa kung pangangaralan. Napabuga na lang siya ng malalim na hininga at bahagya pa niyang ipinilig ang ulo. Hindi na muna siya dapat mag-isip ng mga problema, kailangan niyang mag-focus na muna sa kaniyang trabaho. Palabas na siya sa silid ng huling pasyente niya nang makasalubong niya si Dr. Castro. "Hi, can I invite you for lunch?" imbita nito sa kaniya. Tatanggi na naman sana siya nang may mga nurses at doctors na malapit lang sa kanila. Nahiya naman siyang tanggihan ito dahil paniguradong magmukha siyang masama at tawagin na namang pa-hard to get. Dr. Marvin Castro is a heart surgeon, guwapo at galing sa mayamang pamilya. Sa pagkakaalam nga niya ay may share ang pamilya nito rito sa hospital. He’s a respected doctor, at maraming single na doctor at nurse ang may gusto nito at hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na nanliligaw sa kaniya ang lalaki. Pero lagi naman niyang tinatanggihan ang mga pag-aaya nitong date kaya naging hate siya ng mga babaeng nurse dito na may gusto sa lalaki. Ngumiti siya at saka tumango. Nakita naman niya ang paglapad ng ngiti nito at sumabay na sa kaniya pabalik sa station niya. Dinala siya ni Marvin sa isang mamahaling restaurant. Kahit anong tanggi niya na doon na lang sila sa canteen ng hospital pero matigas ang ulo nito at in-insist talaga na sa restaurant sila kakain dahil ito ang unang beses na umuo siya sa imbitasyon nito. “Doc—” “Please, drop my title. Just call me, Marvin.” Putol nito sa kaniya. “Okay, uhm…Marvin, this is too much for a lunch,” sabi niya, at bahagya pang sinulyapan ang loob ng restaurant. Pero ngumiti lang ito at umiling, pagkuwan ay hinawakan nito ang kamay niya na ikinagulat niya. Akmang babawiin na sana niya ang kamay nang higpitan nito iyon at hinila na siya papasok sa loob ng restaurant. “I am fine with fast food, though,” sabi pa niya. Pero hinadi na ito nakinig. Napabuntonghininga na lang siya at gusto na lang niyang magtago sa likod nito nang lumingon sa gawi nila ang mga staff ng restaurant at ng mga taong kumakain sa loob, lalo na iyong mga babae. Marvin is a head turner. In fact, he was always listed in the top ten most attractive doctors in Asia. He is insanely handsome as that. He ordered her expensive steak and juice. Sa sobrang mahal noon ay pinilit talaga niyang ubusin para hindi naman masayang ang perang ibinayad nito. “Serena, I really like you,” sabi nito habang nakatingin na sa kaniya. Kumalabog bigla ang kaniyang dibdib nang makitang may kinuha ito mula sa bulsa nito at domoble pa iyon nang makita niya kung ano iyon. It’s a tiny black box and inside it is a gold necklace with a small heart pendant. “Serena, please be my girlfriend,” he confessed. Akmng ilalabas na sana nito ng kwentas nang umiling-iling siya. “I’m s-sorry, Doc. But I can’t. E-Excuse me,” aniya at mabilis na tumayo. Dinampot niya ang bag at iniwan na lang niya ito roon. Pumara kaagad siya ng taxi at nagpahatid sa hospital. She knows that running away from him is not professional pero, s**t! Hindi niya gusto ang lalaki at ang hirap kung paaasahin niya ito. Bumalik siya sa hospital at inabala ang sarili sa kaniyang trabaho. Lumipas ang maghapon na parang walang nangyari. Tinutukso pa siya ni Arrah pero agad niya itong sinabihan sa nangyari kaya naging tahimik na rin ito. Hindi na rin niya nakita si Dr. Castro sa maghapong pagtatrabaho niya at usap-usapan sa department ng mga ito na hindi na raw ito bumalik ng hospital. Nagpasalamat din naman siya dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki kung magkita sila. Alam niyang mali ang ginawa niyang pag-iwan na lang dito bigla sa restaurant, after spending too much for her lunch. Pero manghihingi na lang siya ng sorry rito kapag kaya na niya itong harapin. Maybe tomorrow. Alas sinco ang off duty nila ni Arrah kaya sabay silang lumabas ng hospital. Pero agad silang nagtaka nang makitang maraming mga nurses, especially babae ang tila nagkukumpulan sa may gawi kung saan tanaw ng mga ito ang parking space ng hospital. “May artista ba, kuya guard?” nakangising tanong ni Arrah sa guard. “Naku, Ma’am, wala naman po. May napakaguwapo lang na lalaking naghihintay yata sa babaeng nililigawan. Mukhang bigatin nga, Ma’am dahil bukod sa mamahaling sasakyan na dala ay may limang bodyguards pa na mga kasama.” Daldal pa ng guard sa kanila. “Talaga? Mas guwapo pa ba kay Dr. Castro?” tanong ulit ni Arrah. “Oo, Ma’am. Mas guwapo pa kay Dr. Castro. Nakakabading ang ka-guwapuhan.” Sabi pa sa kanila ng guard. Agad naman silang nagkatinginan ni Arrah. Napasinghap pa siya nang hatakin siya ni Arrah, papunta sa mga nagkukumpulang mga nurse sa may parking area. “Excuse me, pasingit kami.” sabi ni Arrah sa mga nagkukumpulang mga kasamahang nurses at pilit siyang hinihila para makalusot sa mga ito. “Arrah, bitawan mo na ako, sabihin mo na lang sa akin kung gaano ka-guwapo ang lalaki. Dito na lang muna ako.” aniya sa kaibigan. Tumigil ito at nilingon siya. “Sure ka?” tanong pa nito. Natatawang tumango-tango naman siya. Mabilis naman siya nitong binitawan. Gumilid na muna siya at hihintayin na lang niya si Arrah kung kailan ito matatapos sa pakikiusyoso nito sa sinasabi nang guard. Nasa gilid na siya nang tumunog naman ang phone niya. Kinuha naman niya iyon kaagad mula sa bulsa ng uniform niya. Kumunot pa ang noo niya nang makitang si Selena ang tumatawag. “Selena?” sagot niya sa kapatid. “Serena, nagkita na ba kayo?” tanong nito na ikinakunot ng noo niya. “Selena, anong nagkita? Sino ba—s**t!” mahina niyang mura nang magtilian ang mga babae kaya lumayo siya sa mga ito. Pero nagulat na lang siya nang may dalawang lalaking nakasuot ng itim na humarang sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD