Chapter 2

2162 Words
AGAD na kumunot ang noo ni Serena nang sa pagpihit niya sa seradura ng pinto ng kaniyang apartment ay nakabukas na iyon. Iniisip tuloy niya kung na-locked ba niya ang pinto kaninang umaga bago siya umalis pero sigurado talaga siya kaninang pag-alis niya papuntang hospital ay ni-locked talaga niya ang pinto. May magnanakaw na nakapasok sa apartment niya? Pero imposible naman iyon. Tatlong taon na siyang nakatira sa apartment na ito. Mula nang mapadpad siya ng Maynila at natanggap bilang nurse sa isang public hospital dito sa Paranaque ay sa apartment na siya na ito nakatira pero hindi pa naman nangyaring pinasok siya ng magnanakaw o di kaya ay ninanakawan. Mabilis siyang naghanap ng pamalo baka sakaling may magnanakaw ngang nakapasok sa loob ng kaniyang apartment ay handa siya. Nang makakita siya ng dos por dos sa may gilid ng apartment ay mabilis niya iyong dinampot at bumalik sa may pinto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakahanda na siyang hambalusin ang taong makikita niya sa loob pero nagulat siya nang makita niya ang kapatid na prenteng nakaupo sa maliit niyang sofa habang nanonood ito ng palabas sa maliit din niyang television. Well, hindi naman talaga sa kaniya iyon. Ibinigay lang sa kaniya ng magpamilyang dating nakatira rito dahil aalis na ang mga ito at may bago naman daw ang mga itong television na nabili. “What was that, Serena?” tanong nito sa kaniya at maarteng tumayo at pinamaywangan pa siya. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa dala niyang dos por dos kaya agad naman niya iyong naibaba. Napakurap siya at tinititigan ang kapatid. Halos hindi niya ito makilala sa ganda ng suot nitong damit at sa alahas na nasa katawan nito. Dati ng magandang magdala ng damit ang kapatid niyang si Selena. Ngunit ngayon mas lalong tumingkad ang kagandahan nito sa pananamit dahil halatang mamahalin at imported ang mga iyon. “Sorry. Akala ko kasi may magnanakaw na nakapasok,” aniya at naglakad papunta sa kusina. Inilagay muna niya sa may gilid ang dos por dos bago siya tumungo sa kaniyang maliit na fridge para kumuha ng tubig. Medyo nanuyo kasi ang lalamunan niya sa kaba sa pag-aakalang may nakapasok nga na magnanakaw sa apartment niya. “Kumusta my dear twinny?” tanong nito nang bumalik siya sa sala. Nakaupo na ito ulit at nakadekwatro. Yes, hindi lang sila basta magkapatid ni Selena kundi magkambal din sila. “Ah, hulaan ko, bored as ever.” Dugtong nito at dinampot ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick doon at sinindihan. “Paano kang nakapasok sa apartment ko?” tanong niya sa halip na pansinin ang panunuya sa boses nito. Sanay na siya sa madalas nitong pagpuna sa lifestyle niya. Nagkibit-balikat ito at humithit sa sigarilyo at walang pakialam na ibinuga ang usok sa harap niya. Mabilis naman siyang umatras para makalayo rito ng kaunti na ikinatawa naman nito. Lumapit siya sa bintana at binuksan niya muna ang mga iyon. “Health conscious, yeah.” Natatawa pa rin nitong sabi at pinagtaasan siya ng kilay. “Anyway, pinuntahan ko ang landlady mo at sinabi kong nawala ang susi ko sa apartment ko, and she believed I am you, so here I am.” Puno ng pagmamalaki ang boses nitong sagot sa tanong niya. Bigla namang umahon ang inis niya rito. Ilang beses na niya itong sinaway sa gawain nitong iyon na magpapanggap bilang siya. Madalas kasi nito iyong gingawa noong magkasama pa sila sa Bohol kaya nga nagdisisyon siyang bumukod at lumuwas ng Maynila dahil ayaw na muna niya itong makasama sa iisang bahay dahil sa mga gawain nito na siya ang palaging napapahamak. “Selena, I already warned you about that, pretending to be me.” Nanggagalaiting sikmat niya sa kakambal. “Hey, ito naman ngayon nga lang tayo nagkita, papagalitan mo pa ako.” Nakangusong sabi nito at pinapungay pa ang mga mata para magpaawa sa kaniya na naging effective naman dahil bigla namang lumambot ang puso niya. This brat! Simula kasi ng pinili niyang dito sa Parañaque magtrabaho bilang nurse kaysa roon sa Bohol kung saan sila ipinanganak ni Selena ay hindi pa ito minsan man lang nakadalaw sa kaniya. Sabay sila nitong nagtapos, siya bilang nurse at ito naman ay nagtapos sa kursong business administration. Nang makapasa siya sa board exam at naging registered nurse ay pinili niyang magtrabaho kaagad. Kabaliktaran naman kay Selena na gusto muna raw nitong libutin ang buong mundo kasama ang mga barkada nito at paminsan-minsan ay nagmo-modelo rin ito. At ngayong nandito na ito ay tapos na siguro ang pagliliwaliw nito. "Ano'ng kailangan mo at nandito ka?" tanong niya. Tiningnan pa niya ito ng may pagdududa. Madalas kasi ay naaalala lang siya ni Selena kapag may kailangan o hihilingin ito sa kaniya. Hindi naman sa usaping pera dahil marami naman ito n’yon na hindi niya alam kung saan nito kinukuha. Minsan na rin silang nag-away tungkol sa pera dahil akala niya ay natuto na itong nagnakaw pero sinabi nitong galing daw sa unknown husband nito. Pero siyempre hindi siya naniniwala. Iniisip na lang niya na baka malaki ang kita nito sa pagmomodelo paminsan-minsan. Wala rin naman siyang nabalitaan na gumagawa ito kalokohan maliban sa gabi-gabi itong nagpa-party o nagba-barhopping at kung sino-sinong mga lalaki na lang sinasagot nito at papangakuan ng date. Kaya kapag naghahanap ang mga lalaking iyon ay siya ang nahaharap sa problemang ginawa nito. “Ang sakit mong magsalita, ha?” nakairap na sabi nito. Gusto tuloy niyang matawa sa kapatid kung hindi lang ito seryoso ay baka natawa na talaga siya. Duda naman kasi siya na nasaktan talaga ito sa naging tanong niya. “Dito ka ba magpalipas ng gabi?” tanong na lang niya ulit nang hindi na ito nagsalita. Naglakad siya papasok sa kaniyang kuwarto para makapagbihis pero iniwan lang niyang bukas ang pinto para marinig pa rin niya ito kapag may balak na itong magsalita. “Hindi.” Tipid nitong sagot nang makalabas na siya ng kuwarto. Tumango na lang siya. Inaasahan naman din niya iyon dahil kilala niya ito. Sa sobrang arte nito ay hindi talaga ito natutulog sa ganitong klaseng apartment. Sanay itong sa mamahaling condominium o sa luxurious hotel ito natutulog. Napakunot ang noo niya nang pasadahan siya nito ng tingin, pagkuwan ay ngumiwi. “Ang jologs mo talaga,” komento pa nito. Nakasuot lang kasi siya ng loose t-shirt at pajama. Ganito kasi siya kapag may kasama siyang iba rito sa bahay. Pero kapag siya lang ay nagsusuot naman siya ng shorts at spaghetti strap na mga damit lalo na kapag mainit ang panahon. Hindi lang talaga nito alam ang ugali niyang iyon dahil hindi naman siya nito lubusang kilala dahil lagalag talaga ito. They are twin pero sa physical appearance lang, walang tapon. Mula sa mukha, sa boses, sa height, at kulay ng balat ay magkapareha talaga sila kaya lahat ng tao ay madali talagang maloko ni Selena kapag umandar na naman ang ugali nitong iyon. Well, except she had a mole on the upper part on the side of her neck. Iyon lang ang pinagkaiba nila dahil wala noon si Selena at hindi rin nito iyon alam dahil hindi naman iyon mapapansin kapag hindi niya inaangat ang kaniyang ulo. Inirapan na lang niya ito at nagtungo siya sa kusina para magluto ng kanilang hapunan. Pero tumayo ito at sumunod sa kaniya. “Fine, may kailangan nga talaga ako sa ’yo, Serena.” Anito kaya natigil siya at pinagtaasan niya ito ng kilay. Sinasabi na nga ba niya, at kaya ito nandito. “What is it this time?” walang kangiti-ngiting tanong niya sa kapatid. Kinabahan na rin siya sa puwede nitong sabihin. “I want to ask you a favor… ahm, kasi… ah…” “What’s wrong with your tongue now, Selena?” nakakunot ang noong taong niya sa kapatid. Umirap naman ito at naghila ng upuan at naupo sa harap niya. Bumuga ito ng malalim na hininga kaya mas lalong kumunot ang noo niya at mas lalong kinabahan baka may ginawa na naman itong hindi maganda at siya na naman ang mapapahamak. “May ginawa ka na naman—” “Wala,” putol nito sa kaniya. “Then what? Selena, sinasabi ko sa’yo kapag—” “Can you just—damn, let me talk first, okay?” at ngayon ito pa ang magagalit? Inirapan niya ito. “Fine. Talk.” Utos niya rito. “You see, I have a boyfriend and I am in love with him.” Panimula nito. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Wala namang bago rito. Lagi naman naman niya iong nababalitaang may boyfriend at in love ito. Gusto sana niya iyong isatinig pero pinili na lang niyang manahimik muna. “Sasama ako sa kaniya sa ibang bansa. You know for vacation,” dugtong nito. Kita niya sa mga mata nito ang sobrang excitement kaya baka nga sobrang in love nga ito sa boyfriend nito ngayon. “Then, ano ang problema roon?” tanong niya. Wala namang problema kung sasama ito sa boyfriend nito dahil nasa tamang edad na rin naman ito at kahit pagbawalan pa niya ito ay hindi rin naman ito makikinig dahil ang gusto pa rin naman nito ang siyang masusunod. “The problem is, I can’t process my passport.” Frustrated na sabi nito at napatayo na. “Bakit? May problema ba sa mga papeles mo?” tanong niya at medyo nakaramdam din siya ng awa rito. “Yes. Sobrang laking problema dahil may asawa na ako.” Napasinghap siya at laglag ang pangang napatitig siya sa kapatid. Seryoso ba ito? “Seryoso ka ba talaga noong sinabi mo noon sa akin na may asawa ka na?” aniya nang maalala niya iyong nag-away sila noon dahil nga sa pera at sinabi nitong may-asawa ito at doon galing ang perang winawaldas nito araw-araw. “Yes,” walang gatol na sagot nito. Tulirong napahawak siya sa kaniyang noo. Paanong may asawa na ito nang hindi man lang niya alam na ikinasal na ito? “Paanong nangyari iyon, Selena? I never saw you got married.” she said, frustratedly. “I married six years ago. Naalala mo iyong namatay si Papa dahil nabangga ang taxi na menamaneho niya?” pagkuwento nito. Tumango naman siya. Hindi talaga niya makalimutan ang araw na iyon. Sobrang malaking dagok iyon sa kanilang pamilya. Magpi-first year college na sila ni Selena noon pero namatay ang Papa niya dahil sa walang kwentang mga lasenggero na iyon. Kumuyom ang kamao ni Serena nang bumalik sa alaala niya ang araw na iyon. Kalagitnaan iyon ng gabi nang tinawagan sila ng taga-hospital na nasa ICU ang Papa niya at critical ang kondisyon dahil nabangga ito ng rumaragasang kotse. Pero hindi man lang naabutan ng isang araw si Papa at idiniklara itong patay na. Halos masiraan ng bait ang Mama Pia nila noon. Hindi makausap at laging tulala kaya ang pamilya ni Papa ang umasikaso ng lahat. Matapos ang libing ng kanilang ama, nagdesisyon si Mama na magsampa ng kaso sa lalaking nakabangga kay Papa. Pero napakayaman pala ng pamilya ng lalaki. Nakiusap ang mga ito na ang mga ito na ang bahala sa lahat ng gastusin pati ang pag-aaral nila ni Selena sa kolehiyo ay sasaluin ng mga ito basta hindi lang sila magsasampa ng kaso. Siya ang unang umalma at hindi siya pumayag pero nagalit sa kaniya ang lola Siba niya, ang ina ni Papa. Tanggapin na lang daw nila ang alok ng mga ito dahil para naman daw iyon sa kanila. Wala rin naman daw patutunguhan kung magsasampa sila ng kaso at gastos lang daw iyon at wala ring kasiguraduhan kung mananalo sila dahil sobrang yaman ng mga taong babanggain nila. Sobrang sama ng loob niya noon pero wala naman siyang magawa. “At anong kinalaman noon?” puno ng galit ang boses na tanong niya. “Lola Siba, agreed with the De Sandiego na ipakasal ako sa apo nitong siyang nakabangga kay Papa.” What the hell? “Sabi ni lola pumayag daw ako dahil pipirma lang naman daw ako ng marriage certificate, hindi pa naman daw namin kailangang magsama. Ayaw ko sana dahil ayaw kong maging asawa ng isang kriminal. Ang lalaking iyon ang dahilan kaya nawalan tayo ng ama pero dahil sa galit ko sa lalaking ‘yon ay pumayag ako. Thinking I could have my revenge gradually.” Ngayon naiintindihan na niya kung bakit kung makapag-waldas ito ng pera ay parang wala ng bukas. “A-Alam ba ito ni Mama bago siya namatay?” nanghihinang tanong niya. Mas lalo siyang nanghina nang tumango ito. “Oo.” Hindi na siya nagsalita. Hindi pa rin kayang i-absorb ng utak niya na pinakasalan ng kapatid niya ang lalaking pumatay sa Papa nila. “Kaya gusto ko sanang gamitin ang pangalan mo para sa passport ko at makalabas ako ng bansa,” anito sa mahabang katahimikan na namagitan sa kanila. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD