Chapter 1

2335 Words
MULA sa file na binabasa ni North Hadrianus, napaangat ang tingin niya sa pintuan ng kanyang opisina nang marinig niya ang tatlong magkakasunod na katok mula roon. “Come in,” aniya. Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kaniyang sekretaryo. "Attorney," "Yes, Herbert." “Tumawag po ang Daddy niyo. 'Wag niyo raw pong kalimutan na dumalo sa pagbabasa mamaya sa last will and testament na iniwan ng lolo Clifford niyo,” anito. Damn! Mamaya na nga pala iyon. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot. Isang linggo na rin ang dumaan mula nang mailibing ang kaniyang lolo Clifford. "Okay, just move all my appointment tomorrow." “Copy that, Attorney. Uh, how about Miss Sandoval’s case, Attorney?” Herbert asked. Kumunot ang noo niya. Tsk. Kailangan nga pala niyang kausapin ang babae. Bakit ba kasi hindi ito mapaamin ni Del Fierro? Ano ba ang pinaggagawa ng kumag na iyon sa asawa nito at hindi nito kayang paaminin? “Don’t cancel it. Just call Detective Saavedra and tell him we’ll meet at 4:00 p.m in jail.” "Okay, Attorney." anito at lumabas na ng kaniyang opisina. He sighed. Pagkuwan ay binalik niya ulit ang tingin sa hawak niyang dokumento at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pinag-aaralan niya ang kaso ni Miss Sandoval. Ayaw sana niya itong gawin dahil alam niyang kaya naman ito ni Atty. Del Fierro na ipanalo ang kaso ng asawa nito kaya lang magkagalit ang dalawa, kaya siya ang pinakiusapan nito na humawak sa kaso ng babae. Mahirap din naman ang sitwasyon nito dahil ang kalaban ng babae ay ang mismong ina ni Del Fierro at napaka-close minded pa ng ginang. Ayaw makinig sa paliwanag ng anak nito. At hangga’t hindi pa malinaw kung sino talaga ang pumatay sa kinakapatid ni Del Fierro ay siya muna ang defendant ni Miss Sandoval. Thirty minutes passed and he decided to go. Kinuha niya ang coat na nasa likod ng kaniyang swivel chair at isinuot. Dinampot niya ang susi ng kaniyang sasakyan na nasa ibabaw ng kaniyang desk at lumabas na ng kaniyang opisina. “Good morning, Attorney.” Bati kaagad sa kaniya ng mga staff nang madaanan niya ang mga ito. “Good morning,” simpleng pagbati niya pabalik sa mga ito at dere-deretsong nagtungo sa kaniyang private lift. Pinindot kaagad niya ang ground floor pagkatapat niya sa lift. Nang bumukas ay kaagad din siyang pumasok sa loob. Nang makarating siya sa parking area sa may ground floor ay agad niyang pinatunog ang kaniyang sasakyan. Nakita naman niyang sumaludo sa kaniya ang guard na nakatalaga rito sa parking area. Tinanguan lang niya ito at binigyan ng isang busina bago niya pinaharurot paalis ng De Sandiego Firm ang sasakyan niya. He immediately parked his car at the parking area of De Sandiego Tower when he arrived. Napangisi pa siya nang makita niya ang mga nakahilerang sasakyan ng kaniyang mga pinsan. Mukhang hindi lang yata siya ang napilitang pumunta. He doesn’t want to be here. Mas pipiliin pa niyang magbasa ng mga kasong hinahawakan niya kaysa makinig sa mga pamanang iiwan sa kaniya ng abuelo dahil maaalala lang niya na iniwan na lang sila nito nang wala man lang pasabi. His lolo Clifford was diagnosed of brain tumor, stage 4. Pero hindi man lang sila nito pinagkaabalahang tawagan at ipaalam sa kanila ang kalagayan nito. Kaya pala dalawang taon na ito sa ibang bansa kasama ang bunsong anak nito na si Tito Felipe at tila walang balak na umuwi dahil may malala na pala itong sakit. But out of respect for the elders, they need to show up. "Good morning, Attorney," The guard at the entrance greeted him. “Good morning. Are my parents already here?” he asked. Hindi kasi niya nakita ang sasakyan ng kaniyang ama sa may parking area. “Wala pa po, Attorney.” Tumango lang siya at dumeretso na sa kanilang private lift. He pressed 4 and 0 button, where the conference room is located. Minsan lang siya nagagawi rito dahil hindi naman siya masyadong interesado pagdating sa negosyo. But he has shares in different companies of his cousins ​​and in his lawyer friends who are also fond of business aside from being a lawyer. Nang huminto ang lift at bumukas iyon ay mabilis siyang lumabas. Napangisi pa siya nang makita ang dalawang pinsan niyang sina Reid at Grayson na kalalabas lang din sa isa pang lift. “No choice too,” sabi ni Reid at nagkibit-balikat pa. Nang tingnan niya si Gray ay nagkibit-balikat lang din ito. He chuckled and gave them a manly hug one by one and patted their back gently. "Who told you that you can call me by that name?" Their forehead creased when they heard Scott's pissed-off voice. Sabay silang napatingin sa may unahan kung saan naroon ang pinsan nilang si Scott Gabriel na kausap ang magandang secretary ni Atty. Lenard Besmonte, ang matalik na kaibigan at pinagkakatiwalaang family lawyer ng lolo nila. Napangisi siya at sabay nilang nilapitan ang pinsan. “Hey brute, sinindak mo yata si Miss Secretary.” Nakangisi pa ring aniya sa pinsan nang makita niya ang takot sa mukha ng babae. Scott just shrugged his shoulder and give them a fist bump. Mukhang wala man lang pakialam na nasindak nito ang babae. Tsk. Wala talagang puwedeng makapag-address ng second name ng pinsan niyang ito kundi ang pamilya lang nito at silang mga pinsan nito. Unless kung napaka-special mong tao para rito. “Good morning, Sirs,” bati ni Miss Secretary sa kanila at bahagya pang yumukod. Lumapit naman kay Gabriel si Reid at inakbayan nito ang una at may ibinulong. Dumilim ang mukha at umiling lang si Gabriel at pumasok na sa loob ng conference room. Tsk. That was savage! Mahina na lang siyang napatawa nang makita ang pamumula ng mukha ng babae. Mukhang napahiya talaga ito. “Sorry, Miss Alejo, our engineer is allergic to women,” aniya sa babae bago sumunod sa mga pinsan na nauna ng pumasok sa loob ng conference room. Well, hindi naman talaga allergic sa babae si Gabriel. Ayaw lang talaga nito sa mga babaeng lantaran ang pagkakagusto rito. Dahil gano’n ang ex-fiancé nitong si Natasha. Pero sa huli ay sinaktan lang din ito ng babae. Anyway, that is not his story to tell, so he immediately dismissed that thought. Marami na ang mga kamag-anak nila sa side ng Daddy niya pagkapasok niya sa loob ng conference room. Pero wala pa nga ang parents niya. Hindi rin makakarating ang kuya Lexus niya dahil nagkaka-problema ang isa sa mga branch ng Pharmacy's nito sa Bohol. "Early as ever, double King," he greeted his twin cousins, King Jacob and King Zacharias. “Palibhasa tamad.” Zach commented. He just grinned and give them a fist bump, bago siya tumungo sa kaniyang upuan. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang kaniyang mga magulang. Tumayo siya at ginawaran ng halik sa pisngi ang kaniyang ina, and a manly hug for his father. “Hindi makararating si Lexus?” tanong ng kaniyang ama nang makaupo na ito sa tabi niya. “Hindi raw, Dad. May kailangan raw siyang ayusin sa isang branch ng Pharmaceutical niya sa Bohol.” sagot niya sa ama. "He called you?" "Yes, Dad. Baka sa makalawa pa raw siya makauwi." Nakakaintinding tumango-tango naman ito. Nang sa tingin ni Atty. Besmonte na wala nang hahabol pa sa meeting ay agad na nitong sinimulan ang pagbabasa ng kanilang mamanahin. Lahat ng properties ni lolo sa iba’t ibang bansa ay pinaghahatian iyon ng mga anak nito, as expected. Shares of different companies all over the world were divided to all his granddaughter. Sa mga apo naman nitong mga lalaki ay ang mga kumpaniya na pinamamahalaan nila. As for him, ay ang NHDS Law Firm at itong De Sandiego Tower pero hindi siya ang mamamahala nitong De Sandiego Tower dahil alam naman ng lolo niya na wala talaga siyang interest sa negosyo at baka ibagsak lang niya ito. Which is super fine with him. “But all of it, ay may kaakibat na gagawin bago niyo mahawakan ng buo ang mga pamana niyo, at least sa mga apo lang ni Mr. Clifford Augustus De Sandiego.” Atty. Besmonte continued. Kumunot ang noo niya at kinabahan na rin sa puwedeng ipagawa sa kaniya ng abuelo. Damn! Why he has a feeling, na hindi niya magugustuhan ang ipapagawa ng abuelo niya sa kaniya? Nang maglapag ng puting sobre sa harap niya ang secretary nito ay napatitig lang siya roon. Nang tingnan niya ang mga pinsan ay gano’n din ang mga ito. Nakatitig lang sa sobreng nakalapag sa kanilang harapan at naghihintay ng instruction mula kay Atty. Besmonte. "Please, do read the letter." sabi ni Atty. Besmonte. "s**t! Is this legit?" Scarlett reacted, na agad naman itong sinaway ni Tita Sofia. He sighed and got the envelope in front of him and opened it. Kung ano ang mga reaksyon na naririnig niya sa mga pinsan ay gano’n din siya pero mas pinili niyang maging kalmado. He’d expected this to happen. Nang umalis ang mga pinsan niya at mga kamag-anak nila ay mas pinili niyang manatili na muna sa loob ng conference room. Tumayo rin ang mga magulang niya para kausapin ang iba pa nilang mga kamag-anak. “It’s about your marriage six years ago, right?” Narinig niyang tanong ng kaniyang ina sa kaniya. Naramdaman pa niya ang kamay nitong lumapat sa balikat niya. Pagkuwan ay bumalik ito sa pag-upo sa tabi niya. Bumalik din ang kaniyang ama at naupo na rin sa tabi ng kaniyang ina. “Yeah,” tipid niyang sagot sa Mommy niya. "Maybe, it's time to look for her, son." Daddy Thaddeus said. “No.” Mabilis niyang tanggi sa sinabi ng kaniyang ama. “Wala akong balak na hanapin siya at wala akong balak na pakisamahan siya.” Padarag siyang tumayo at frustrated na naihilamos niya ang palad sa kaniyang mukha. “You need to, dahil makukulong ka, Anak. And you don't want that to happen, right?" Mommy said, with her frustrated voice. Yeah, ibabalik ni Tita Sofia ang kaso niya 6 years ago, kung hindi niya mahanap ang asawang si Selena bago pa man ang 30th birthday niya at sa susunod na buwan na iyon. Naikuyom niya ang mga kamao. "Look for her son, then convince her to sign an annulment," Dad suggested. Agad nabaling ang tingin niya sa ama. "Do you think it will work, Dad?" he asked. "We'll talk to Atty. Besmonte." Nang pumasok ulit si Tita Sofia sa loob ng conference room para kausapin siya ay sinabi niya rito kung posible ba ang suhestiyon ng Daddy niya sa kaniya. “Well, it could be, North. Pero kailangan niyo munang magsama ni Selena ng dalawang buwan, iyon ang nakasulat na condition ni Daddy sa iniwan niyang last will and testament sa’yo, hindi ba? Para subukan kung mag-work out ang marriage niyong dalawa. Nagtagis ang mga bagang niyang nag-iwas siya ng tingin sa tiyahin. He married Selena Alegre six years ago at the behest of his grandfather. Ni minsan ay hindi pa niya nakita ang babae. Wala rin naman siyang nagawa dahil sa kasalanang nagawa nila noon ni Amber sa ama ni Selena. Nang mabangga ng sasakyan niyang minamaneho ni Amber ng gabing iyon ang taxi na minamaneho naman ni Mr. Felomino Alegre at namatay ito, gusto siyang ipakulong ng pamilya nito lalo pa at napag-alamang lasing sila pareho ni Amber. Pero nakiusap ang lolo niya sa pamilya Alegre at nagkaroon ng kasunduan. Amber died too. Siya lang ang nabuhay pero hindi naman siya makalakad ng ilang buwan dahil nagkaroon ng fracture ang isang binti niya dahil sa pagkaipit niyon. Hindi rin kasi niya alam kung bakit hindi rin gumana ang front airbag ng sasakyan niya. Galit sa kaniya ang kaniyang pamilya lalo na ang pamilya ni Amber pero nagawan iyon ng paraan ni lolo Clifford. Ang pamilya Alegre ay humingi ng suporta sa pagpapaaral sa mga anak nitong kasisimula pa lang sa kolehiyo kapalit ng hindi ng mga ito pagsasampa ng kaso dahil sa pakiusap na rin ng kaniyang mga magulang. At para raw hindi siya basta-bastang makakatalikod sa kaniyang obligasyon sa mga Alegre ay pinilit siyang pakasalan ang anak ni Mr. Alegre na si Selena Alegre. He just signed their marriage certificate, gano’n din si Selena. Pagkatapos noon ay dinala siya ng mga magulang niya sa Europe para sa therapy niya at doon na rin siya nag-LLM. Lahat ng allowance niya noon ay napunta sa bank account ni Selena dahil nga sa asawa na niya ito kaya kailangan niyang sustentuhan ang pag-aaral nito sa kolehiyo pati lahat ng luho nito. "At pagkatapos ba ng dalawang buwan ay puwede na akong maghain ng annulment?" tanong niya sa Tita Sofia niya. "Hindi, hijo." sabat ni Atty. Besmonte. Kunot ang noong hinarap niya ang matandang abogado. "What do you mean, Atty. Besmonte?" "Hindi ikaw ang magpa-file ng annulment, kundi si Selena." Tang-ina! That was insane! "Damn! Bakit ba palaging nasa pabor lahat ng babaeng—" "North." saway ng kaniyang ama sa kaniya, na ikinatahimik naman niya. "Wala na bang ibang paraan, Attorney?" tanong ng kaniyang ama. "Well, meron naman. Puwedeng hindi na kayo magsama ni Selena ng dalawang buwan, hijo. Iyon ay makumbinsi mo siyang mag-file agad ng annulment." Tumango-tango siya sa sinabi ng matandang abogado, gano'n din ang kaniyang ama. If that's the case then, he will do everything in his power, makumbinsi lang niyang mag-file agad ng annulment ang babaeng iyon. Hindi na siya nagtagal at nagpaalam kaagad siya sa mga magulang niya at tiyahin na aalis na. Pagkapasok niya sa loob ng kaniyang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kaniyang kaibigan. "I want you to find this woman, Saavedra. Also, find out what this woman has been doing for six years. I'll send her full name to you. Thanks, brute." aniya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pinatay na niya ang tawag. Kailangan niyang malaman kung ano ang puwede niyang magamit para tuluyan niyang maalis sa buhay niya si Selena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD