Prologue

2130 Words
MALAKI ang ngising nakapaskil sa mga labi ni North Hadrianus habang sinisipat ang sasakyan sa kaliwang bahagi niya. He smirked arrogantly. Kayang-kaya niyang pataubin ang sasakyan ng mga kalaban kahit hindi pa siya mage-effort ng husto. Pero kailangan niya ring bantayan si Emir Arslan, isa sa mga mahigpit niyang kalaban sa pakikipagkarera. Isa itong Filipino-Turkish at napakadaya nitong maglaro kaya kailangan niyang bantayan ang mga puwede nitong gawin para lang matalo siya sa laro. That f**king man doesn’t care, kung may masasaktan itong iba basta ang importante rito ay manalo. Kung pera naman ang pag-uusapan ay bale-wala lang iyon sa lalaki dahil kagaya niya ay mayaman din ito, mas importante rito ang kasikatan. Pero hindi lang pera ang pustahan nila ngayon, kung ito mananalo ay ibibigay niya ang girlfriend niyang si Amber rito. Kung siya naman ang manalo, hindi na sila nito guguluhin pa kahit na kailan. He pulled the gear stick forcibly with all his irritation while clenching his teeth as he stomped on the accelerator pedal. He looked at the speedometer; he smirked when he reached the fastest limit of his new black Lamborghini Aventador. “F**k!” malakas niyang mura nang bigla na lang binunggo ng sasakyan ni Emir ang sasakyan niya. Pakiramdam niya ay naalog ang utak niya sa impact n'yon. Humigpit ang kapit niya sa manibela at nagtagis ang bagang. Sinasabi na nga ba niya at may gagawin talaga ang gago. Tsked. What a pathetic dude! Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap na siya ang minahal ni Amber kaya gagawin talaga nito ang lahat para manalo kahit pa ang mandaya. Inapakan niya ang brake pad at mabilis niyang iniwasan ang sasakyan ni Emir nang makitang gusto na naman siya nitong banggain ulit. Kitang-kita na niya ang nalalapit na finish line kaya mas lalo niyang binilisan pero lagi siyang hinaharangan nito. Nang tingnan niya ito ay nakakalokong nginisihan siya nito kaya mas lalong nag-iinit ang ulo niya. He smirked. Akala nito ito lang ang may kayang gawin iyon? Nah, he's a badass, and no one dared to mess up with him just like that. He maneuvered his car to the right and intentionally bump Emir’s car. Hindi nito iyon inaasahan na gagawin niya ang ganoong stunt kaya hindi ito nakapaghanda. Gumiwang ang sasakyan nito hanggang sa nakita na lang niya itong bumaliktad. "Serves you right, scumbag!" he said and smirked evilly. Akala siguro ng gago ay kayang-kaya siya nitong pataubin. Then that jerk was wrong. He can be evil sometimes when it's needed. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang sports car at agad siyang napasipol when he reached the finish line of the open race field. Maangas niyang pinahinto ang kaniyang sasakyan at umikot iyon para magbigay ng usok sa paligid. He smirked. Naghihiyawan ang mga pinsan niyang lumapit sa kaniya at masaya siyang binati ng mga ito. “That was a quite show, brute!” hiyaw ni Reid at nakipag-high five pa sa kaniya. Sumunod din sina Craigh, Jacob at Grayson na ngingisi-ngising nakipag-high five din sa kaniya. "Damn, you're a badass!" Zach exclaimed and brutally patted his shoulder. “Thank you, brute. Hindi mo pinatalo ang one thousand dollars ko. Wohoo!” hiyaw ni Columbus at nakipag-fist bump sa kaniya. “Babe!” Agad naman nabaling ang tingin niya sa babaeng naglalakad palapit sa kaniya. Nahawi naman ang mga pinsan niya at iba pang mga taong bumabati sa kaniya para bigyang daan ang girlfriend niyang si Amber. Amber Lacsamana is an epitome of beauty, from her looks to her curvy body. No wonder at hinirang itong Miss Earth 2021. “Hey---” nabitin ang gusto niyang sabihin sa girlfriend nang bigla na lang siya nitong dinamba at walanghiyang hinalikan siya sa mga labi. Agad naman niyang tinugon ang halik nito. Sino ba siya para tumanggi? He kissed her aggressively. Narinig niya pa ang hiyawan ng mga tao at kantiyaw naman mula sa kaniyang mga pinsan. “Uhm, your lips taste so good, babe. Ever.” Nakangiting sabi ni Amber nang pakawalan na nila ang mga labi ng isa’t isa. Kinagat pa nito ang ibabang labi nito at pumungay pa ang magaganda nitong mga mata. Damn! She's inviting him to f**k her, huh! “You’re such a tease, woman,” paos ang boses na aniya kay Amber. His arms tightened around her, and she pressed against him, and he knew she felt the hard bulge in his jeans. “God, you’re so really big.” She whispered, seductively. Mas lalong nag-init ang katawan niya. “Nah-ah, stop it lovers. Hindi puwedeng iiwan niyo na lang kami sa ere.” Biglang saway sa kanila ni Craigh at hinaklit pa ang likuran ng kuwelyo sa suot niyang jacket kaya agad siyang napalayo kay Amber. Natawa ang iba niyang pinsan sa ginawa ni Craigh at sumasang-ayon din. “Yeah, so hold your horniness first, badass. Kami muna ang paligayahin mo.” sabi ni Zach na ngingisi-ngising umiling pa at nauna ng naglakad papunta sa dala nitong sasakyan. “Uh-ha! Uh-ha!” gatong naman ng iba pang mga pinsan niya kaya alam niyang wala siyang kawala sa mga ito. Napatingin siya kay Amber para humingi ng permiso pero nakangising kumindat lang ito sa kaniya. Tanda na pumapayag ito na unahin muna nila ang mga pinsan niya. Amber is a brat and sometimes a b***h. Pero marunong itong makisama lalo na sa mga barkada niya. Noong una ay wala siyang balak na seryosohin ang babae. Nag-umpisa lang din sila sa ‘no string attached relationship’ but in the past few days they were together, he felt something for her so, he proposed to her, if she can be his real girlfriend and luckily, she said yes. "Fine!" sabi niya at hinila si Amber papasok sa kotse niya at kaagad nagmaneho papunta sa bar ni Craigh. Ang Craigh’s Haven. PAGDATING nila ni Amber sa Craigh’s Haven ay agad silang sinalubong ng malakas na tugtog at amoy at usok ng sigarilyo. Nasa kalagitnaan na ng gabi kaya ganito na ang bar ni Craigh. Craigh only allows his bar to be this wild when it's ten o'clock at night. The bar is very boisterous and dimmed inside. “There’s the badass!” sigaw ng mga pinsan niya nang makarating sila ni Amber sa inuukupang mesa ng mga ito. Kaniya-kaniya rin ng order ang mga ito ng inumin at pulutan. Umupo sila ni Amber sa may malaking sofa na naroon at kinuha ang isang beer in can at ibinigay iyon kay Amber. “Ah, kapag may alak may balak!” Malakas na sabi Reid na ikinahagalpak ng tawa ng iba. “Gago! I am not like you!” sikmat niya na ikinatawa lang ng mga ito. Narinig din niya ang hagikhik ni Amber bago binuksan ang beer at sumimsim ito roon. Dumampot na rin siya ng isa at tumungga. “Hi, boys!” Agad na kumunot ang noo niya sa dalawang babaeng biglang dumating. Tiningnan niya si Amber at kita niya ang apologetic nitong mukha kaya alam niyang ito ang nagsabi sa mga babaeng kararating lang. Pero duda rin siya kung si Amber lang ang nagsabi sa mga ito, lalo kay Claire Montecalvo. Tumingin siya kay Zach at mukhang hindi man lang ito nagulat sa pagdating ng kasintahan nito. “Claire, Hanna,” ani Amber at tumayo pa para makipagbeso sa mga kaibigan nito. Nakita naman niyang mabilis na tumayo si Zach at kaagad pumulupot ang braso nito sa baywang ni Claire at pinaupo ang babae sa tabi nito. Claire Montecalvo is Zach’s girlfriend, but he knew that the woman wasn’t sincere to Zach. Hindi kasi sinasadyang narinig niya ang usapan nito at ng kasintahan niyang si Amber na gagamitin lang ng una si Zach para mapalapit kay Jacob, ang totoong mahal nito. But too bad for her, Jacob doesn’t like her. Kinumpronta niya si Amber at umamin ito na totoo ang mga narinig niya kaya simula noon ay pinapalayo niya na si Amber sa babae. He’s also secretly ruining Claire’s image on Zach’s eyes. Pero ang tigas lang talaga ng ulo ng pinsan niya at ayaw siya nitong paniwalaan at patuloy pa rin itong nagbulag-bulagan, kahit harap-harapan na itong niloloko ng babae. Isang oras pa ang dumaan, and they are all tipsy. May sariling mundo na rin si Craigh kasama ang babaeng hindi niya alam kung saan nito napulot. Si Reid naman ay kasama na nito ang isang kaibigan ni Amber na si Hanna. “I have to go,” si Jacob at tumayo na. “Why Jacob?” tanong ni Claire na agad ding napatayo. Kaya lahat ng atensiyon nila ay napunta sa babae. Pulang-pula na ang mukha nito kaya alam niyang lasing na lasing na ito. Kanina pa ito pinipigilan ni Zach pero iniirapan lang nito ang pinsan niya. “Maaga pa naman, ah. Hindi ba, guys?” anito pa at nilingon ang mga kasama nila. “Love, my brother needs to go home. Hinihintay---” “Will you shut up!” sikmat nito kay Zach na ikinatahimik naman ng pinsan niya. Umigting ang panga niya at kumuyom ang mga kamao. Napansin iyon ni Amber kaya hinawakan nito ang kamay niyang nakakuyom. "Let's go, babe?" anito. "Let Zach handle his girlfriend." “I gotta go,” walang emosyong sabi ni Jacob at mabilis na naglakad palabas ng bar. “Let go of me!” ani Claire kay Zach at sinundan nito si Jacob. “Jacob, wait!” sigaw pa nito. Sumunod din ang iba pa niyang mga pinsan. Si Zach ay mabilis ding sumunod din sa girlfriend nito. “Damn! Hanggang kailan ang pagiging martyr ng lalaking iyon?” Inis na aniya at tumayo at dere-dretsong naglakad palabas ng bar. Dumeretso siya kung saan naka-park ang sasakyan niya. He was pissed, kung hindi lang niya nirespeto si Zach ay baka kanina pa niya ito nasuntok sa sobrang pagpapakatanga nito sa babaeng iyon. “Let me drive,” ani Amber at mabilis na kinuha mula sa kamay niya ang susi ng kaniyang sasakyan. Saglit lang siyang napatingin dito, pagkuwan ay marahas na nagbuga siya ng hininga. Sa galit na nararamdaman niya ay nakalimutan na niyang kasama pa pala niya ang kasintahan. Damn it! “You’re drunk, Amber. So, no.” aniya at kinuha niya pabalik ang susi ng sasakyan niya. Pinindot niya iyon, saka binuksan ang pinto sa may driver seat. “Mas lasing ka kaysa sa akin, De Sandiego. Kaya ‘wag ng matigas ang ulo. Galit ka rin at ayaw kong sumakay sa taong galit baka mabangga pa tayo.” Mahabang litanya nito. Alam niyang seryoso na ito dahil tinawag na siya nito sa kaniyang apelyido. Wala na siyang nagawa nang sapilitan nitong inagaw ang susi ng sasakyan niya sa kamay niya at pinatabi siya. He sighed. “Fine.” Pagsuko niya at umikot papunta sa kabilang gilid ng sasakyan at mabilis siyang sumakay sa may passenger seat. Mabilis namang binuhay ni Amber ang makina ng kaniyang sasakyan at minaniubra paalis ng parking. Nasa kalagitnaan na sila ng kalsada nang maramdaman niyang naging mabilis na ang pagpapatakbo ni Amber ng sasakyan. “Amber, slowdown.” saway niya sa babae nang mas bumilis pa ang pagpapatakbo nito. He is a car racer at okay lang sa kaniya kahit paliparin pa nito ang sasakyan but the problem is, hindi pa masyadong marunong si Amber sa pagmamaneho at hindi rin nito gamay na gamitin ang sasakyan niya dahil bago lang niya itong binili. “B-Babe…” nauutal na sambit nito, kaya napatingin siya rito. Kita niya ang panic sa mukha nito at pinagpapawisan na rin ito kahit ang lakas ng aircon dito sa loob ng kaniyang sasakyan. “What the hell is going on, Amber?” nababahala niyang tanong sa babae. “A-Ayaw bumagal, North---” “What?” Mabilis na napaayos siya sa pagkakaupo. “What do you mean---f**k!” malakas niyang mura nang biglang nagpa-ikis-ikis ang takbo ng sasakyan at mas lalo pa iyong bumilis. "Damn it! Don't panic, Amber. Mababangga tayo." “Hindi ko na ma-control, North---oh, my God!” sigaw nito nang may taxing bigla na lang sumulpot sa may crossing area ng dinadaanan nila. “Amber!” Nanlalaki ang mga matang sigaw niya pero huli na ng abutin niya ang manibela dahil tuluyan ng nabangga ng sasakyan nila ang taxi. Parang mabasag ang ulo niya sa sobrang lakas ng impak nang bumunggo siya sa may dashboard. Kung hindi lang siya nakasuot ng seatbelt ay paniguradong sa labas din siya pupulutin. Kahit nanghihina ay pinilit niyang kumilos para tingnan ang kasintahan. “A-Amber…” nanghihinang sambit niya at dahan-dahan niyang itinaas ang kanang kamay para abutin ito. Nakayukyok ang ulo nito sa manibela at walang malay. Pero bago pa man niya maabot ang kasintahan ay tuluyan na siyang nanghina at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD