NAPASIMANGOT si Serena nang wala siyang mahanap na lanzones sa palengke. Sabi ng mga nagtitinda ng mga prutas doon ay hindi pa raw panahon ng tagbunga n'yon ngayon. Kahapon pa siya gustong kumain ng prutas na iyon. Ewan niya ba at kung bakit pakiramdam niya gustong-gusto niyang kumain ng lanzones, eh hindi naman niya iyon favorite. Ayaw nga niyang kumain n'yon dahil ang pait kapag nakagat niya ang buto n'yon. Lumipat na lang siya sa may tindahan kung saan may nagtitinda ng bagoong na nasa bote. Bumili siya nang dalawang bote. Gusto niyang magluto ng binagoongang baboy katulad nang dinala ni Denver sa bahay niya noong isang linggo. Bitbit ang mga pinamili ay tatawid na sana siya papunta sa may sakayan sa kabilang kalsada nang biglang may rumaragasang motorsiklo papunta sa gawi niya. S

