“Damn it!” malakas na mura ni North, at pabalang niyang inilapag ang cellphone niya sa ibabaw ng kaniyang office table. Napatayo pa siya at nagpalakad-lakad. Kumuyom ang kamao niya. Naiinis siya sa ibinalita sa kaniya ni Saavedra na naroon na naman sa bahay ni Serena ang tricycle driver na naghatid dito noong isang araw. Kahapon din daw ay naroon ang lalaki dahil tinulungan daw si Serena sa paglilinis ng bahay at bakuran. Pero ang mas ikinainis niya ay nalaman niyang dating manliligaw ni Serena ang tricycle driver na iyon. Natigilan naman siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok ang kaniyang secretary. “Attorney, tumawag si Sir Thaddeus. Tinatawagan ka raw niya pero hindi ka niya makontak,” sabi nito. Mahinang nahampas niya ang sandalan ng kaniyang upuan

