PROLOGUE
Matamlay na naglalakad patungo sa pintuan ng kanilang bahay si Yllola. Paano niya sasabihin sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang nalaman? Paano na ang pangarap niya? Matutupad pa ba iyon?
Nagulantang na lamang siya na isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanya pagbukas niya ng pintuan. Nakita niya ang malalapit nilang kapamilya na nandito rin, at nakangiting nagpaputok din ng confetti. Nagtataka siya kung bakit nandito silang lahat. Wala siyang maalala na may okasyon sila ngayon.
"Anong mayro’n?" salubong ang kilay na tanong niya.
Nagtataka siyang inilibot ang kanyang tingin sa mga tao.
Huminto ang tingin niya sa kanyang mga magulang. Nakangiting sinalubong siya nang yakap ng mga ito. Pati na ang kanyang Ate Ashanti ay mahigpit din siyang niyakap. Puno naman ng pagtatakang tiningnan niya ang mga ito nang humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang okasyon ngayon. Naguguluhan siya. Bakit nagtitipon ang mga ito sa bahay?
“Hindi mo ba natandaan kung anong araw ngayon?” nakangiting tanong ni Mama sa kanya.
Ano ba talaga ang araw ngayon? May nakalimutan ba siya?
"Tuesday ngayon. Anong espesyal sa araw na ito?”
Wala talaga siyang idea. Ano ba talaga ang okasyon? Bakit maraming tao rito sa bahay?
Napailing ang kanyang ina, at mahinang natawa. Sinapo nito ang kanyang pisngi. Pinalilibutan siya ng kanyang pamilya.
“Silly! It's your birthday today," nakangiting wika nito sabay kurot sa pisngi niya.
Napangiwi siya sa ginawa nito.
“Hindi mo ba naalala na ngayon ang kaarawan mo?” tanong ni Papa sa kanya.
Napabaling siya sa kanyang ama. Umiling na lang siya sa tanong nito. Ngumiti si Papa sa kanya, at ginulo nito ang buhok niya.
“Today is your birthday kaya inimbita namin sila para magdiwang sa kaarawan mo. Hindi ka ba masaya sa surpresa namin, hija?” nakangiting pahayag ni Papa sa kanya.
Ngumiti siya rito, at tumango.
“I'm happy, Papa,” matamlay niyang tugon dito.
Naniningkit ang mga mata nito. Napalunok siya sa uri ng tingin na pinukol ni Papa sa kanya.
“Pa. Huwag mo nga akong tingnan ng gan'yan.” Ngumuso siya, at umabrisyete sa kanyang ama. Pinasigla niya ang boses upang hindi ito magduda sa kanya.
“Hindi ka ba masaya sa kaarawan mo?"
“Happy nga. Gutom lang talaga ako."
Tinitigan siya nito. Napalunok siya sa klase ng tingin nito sa kanya. Parang hindi ito naniniwala sa kanya. Ilang segundo lang ay pumalakpak na ito, at inagaw ang atensyon ng kamag-anak na dumalo sa kaarawan niya.
“Everyone! Let's eat! Gutom na ang prinsesa ko.”
Nagpatianod na lamang siya na inakay ng kanyang ama patungo sa mesa nila. Inakbayan siya nito.
“Pakiramdam ko’y may kakaiba sa’yo, hija. Masama ba ang pakiramdam mo?"
Kumabog ang puso niya sa tanong nito. Humigpit ang pagkakayakap niya sa envelope na dala niya. Lumunok siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin sa kanyang pamilya ang kinakaharap niya ngayon.
“Okay lang ako, Pa."
Kumibit-balikat na lamang ito, at hindi na siya nito kinulit pa sa kakaanong na okay lang ba siya.
“May regalo ako para sa ‘yo. Alam kong magugustuhan mo iyon dahil matagal mo na iyon gusto. Nasa kwarto mo na ang mga regalo mo.”
Wala naman siyang ibang gusto kung ‘di— Nanlalaki ang mga mata niya na napagtanto niya ang ibig nitong sabihin.
“Ballerina shoes, Pa?”
He simply winked at her and shrugged his shoulders.
"I don't know. Just open it later, and I'm confident you'll enjoy my gift."
"Pa, can I go now?"
"Akala ko ba gutom ka na? Birthday mo ngayon kaya dapat nandito ka sa birthday party mo."
Inabot niya ang kamay nito sabay iling. Nagsimula siyang magmakaawa rito.
"Papa naman. Kayo lang naman po ang may gusto na magdiriwang sa birthday ko kasama si—Aray!” Napahiyaw siya sa pagpitik nito sa noo niya.
"Silly girl! Once a year lang ang kaarawan mo kaya dapat ipagdiriwang.”
Umismid siya rito.
“Brat. Sige na. Pumanhik ka na sa itaas, at magpahinga."
Hindi na nga siya nakapaghintay. Pumanhik na siya sa itaas. Gusto na muna niyang magpahinga. Pagod siya ngayong araw na ito. Nang makarating siya sa pangalawang palapag ng bahay ay dumiretso kaagad siya sa kanyang silid. Pumasok na rin siya sa loob .g silid niya, at naglakad patungo sa kama niya. Bumuntong-hininga siyang humiga sa kama.
Napatingin siya sa ceiling. Biglang bumalik sa alaala niya ang mga nangyayari sa kanya nitong nakaraang linggo.
Habang nag-eehersisyo siya ay bigla siyang nakaramdam ng p*******t ng kanyang ulo. Napahinto siya saglit, at minasahe ang kanyang noo. Ilang araw na rin siyang nakaramdam ng p*******t ng ulo. Hindi niya alam kung bakit dumadalas. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil para na rin siyang nahihilo. Ilang segundo na pagmamasahe sa ulo niya ay nawala na rin ang kirot. Pinagpatuloy na niya ang pag-eensayo niya sa harap ng salamin. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa ballet barre. Itinaas ulit niya ang kanyang kanang paa sa barre. Nilagay ang bukung-bukong dito at ang kanyang paa ay nakatutok. Itinaas niya ang kanang kamay sa mataas na ikalimang posisyon. She bends forward onto her right leg and raises her right hand to the fifth position. Repeat on the opposite side after holding for 30 seconds.
Napahinto siya. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa malakas na pagpintig nito. Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil ilang segundo na dumaraan ay lumalakas ang pintig niyon. Kahit masakit ay ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ayaw niyang kaligtaan ang pag-eensayo niya dahil gusto niyang maging kilalang ballerina sa ibang bansa, at pati na rin dito sa Pilipinas. Her dream is to become a famous ballerina. Matagal na niyang gusto ang maging ballerina. Simula pitong taong gulang pa siya ay nag-eensayo na siya. Sinusuportahan siya ng kanyang pamilya sa kung ano ang gusto niyang tinatahak.
Napangiwi siya, at napahawak sa kanyang ulo dahil sa masidhing kirot na nararamdaman niya. Parang mabibiyak sa sobrang sakit. Napasapo siya sa kanyang ulo, at napasigaw sa sobrang sakit niyon. Binaba niya ang kanyang hita, at napaupo na lamang sa sahig.
“Yllola!"
Hindi na niya iyon nilingon. Wala na siyang pakialam kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Gusto niyang huminto ang p*******t ng ulo niya. Umiiyak na siya, at sumigaw sa sakit.
“Anong nangyayari sa’yo, Miss Hernandez?”
Ramdam niya ang pagkakataranta ng boses ng coach nila.
“M-masakit!"
Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa pader. Ngayon pa lang siya nakaranas ng ganito kasakit. Parang gustong sumabog ang utak niya.
"Kaya mo bang tumayo?”
Tumango siya.
"Elise, tulungan mo ako dalhin siya sa clinic.”
“Okay po, coach."
“Miss Hernandez, Tatawagin namin ang parents mo tungkol sa nangyayari sa’yo.”
"H-huwag niyo pong tawagan ang mga magulang ko, coach," mahinang sabi niya rito.
"But—”
" Please, coach.”
Bumuntong-hininga ito.
"Okay."
Tinulungan na nga siya ng mga ito na dalhin siya sa clinic. Ngunit, sa ilang hakbang pa lamang niya ay nawalan na siya ng malay.
Nagising na lamang siya. Puting kisame ang bumungad sa kanya. Inilibot niya ang kanyang tingin. Napansin niya’y nasa isang silid siya. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa likod ng palad niya.
“Miss Hernandez."
Napabaling ang tingin niya sa harapan. May bitbit na isang supot ang coach nila. Nagmamadaling lumapit ito sa kanya, at nilagay ang supot sa mesa.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Pinakiramdam niya ang kanyang sarili. Hindi na ganoon kasakit katulad nang nararamdaman niya kanina.
“Mabuti naman po ang kalagayan ko, Miss Castro.”
Inabot nito ang ulo niya sabay haplos ng buhok niya. “Palagi bang masakit ang ulo mo?”
Tumango siya rito. “Palagi. Kanina ko pa lang naramdaman ang ganoon sakit na parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.”
“Nagpatingin ka ba sa doktor o hindi pa? Alam ba ng pamilya mo?”
Umiling siya rito. “Hindi po. Normal naman po siguro na makaramdam ng p*******t ng ulo.”
“Magpatingin ka kaya sa espesyalista? Nandito na tayo sa ospital kaya mas mabuti ng makasigurado tayo na okay ka lang.”
Ngumiti siya rito. Hinawakan niya ang kamay nito. She really likes Miss Castro. Para na itong pangalawang ina nila ng mga kasamahan nila. Mabait kasi ito, at inaalagaan sila nang mabuti. Hindi sila nito pinabayaan.
“No need na, Miss Castro.”
“Are you sure?” paniniguradong tanong nito sa kanya.
“Opo, miss,” nakangiting tugon niya.
—
3 days ago
Napabangon na lamang siya sa higaan na parang hinalukay ang kanyang tiyan kaya nagmamadali siyang tumakbo papasok sa banyo. Sinuka niya lahat ang kinain niya kagabi sa lababo. Nagmugmog siya ng tubig upang mawala ang mabahong amoy galing sa suka. Napatigil na lamang siya sa kanyang ginagawa nang nanlalabo ang paningin niya. Pinilig niya ang kanyang ulo, at nanghilamos siya ng mukha, pero ganoon pa rin ang nakikita niya. Malabo sa paningin niya. Nanghihinang napaupo na lamang siya sa malamig na sahig.
Kinurap niya ang kanyang mga mata. Ilang minuto na siyang nakaupo sa sahig dahil sa malabo pa rin ang kanyang paningin. Kinalma niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang makaramdam ng pagkakataranta dahil baka mas lalo lamang siyang hindi mapakali. Inilibot niya ang kanyang paningin. Blurred talaga ang paligid hanggang sa unti-unting lumilinaw ang kanyang paningin.
Anong nangyayari sa kanya? Bakit siya nagkaramdam ng ganito?
Hudyat na ba na kailangan na niyang magpatingin sa espesyalista? Kailangan na niyang nagbihis upang magpatingin sa doktor. Hindi na normal itong nararamdaman niya.
Napagdesisyonan niyang maligo nang mabilisan, at magbihis. Umalis na siya sa bahay nang hindi nagpaalam sa magulang niya. Hindi na siya makapaghintay na malaman kung ano itong sintomas na naranasan niya. Nagpahatid siya sa driver nila, at sinabi niya rito kung saan siya pupunta.
Nagtanong pa nga ito kung may nararamdaman ba siya o may bisitahin siyang kakilala niya, pero tikom lamang ang kanyang bibig. Tumingin lamang siya sa labas ng bintana sa kotse nila. Nagmumuni-muni na lamang siya, at inabala ang kanyang sarili sa tanawin sa labas. Pinagmamasdan na lamang niya ang mga gusali, at mga tao na dumaraan sa gilid ng kalsada na nilagpasan ng sasakyan. Hindi naman ganoon kalayo ang pupuntahan nilang hospital kaya madali lamang silang nakarating. Halos bente minutos ang layo na biyahe nila.
“ Yola, nandito na po tayo. Gusto niyo po bang samahan ko na po kayo sa loob?” tanong nito habang nakatingin sa rearview mirror.
Napatingin siya sa rearview mirror.
“Huwag na po, Mang Teddy.”
“Maghihintay na lamang po ako rito, Yola."
Lumabas na rin siya sa kotse. Bago niya isara ang pintuan ay may paalala siya.
“Mang Teddy, huwag ninyo pong sabihin kanila Mama na pumunta ako rito sa hospital. Ayokong mag-alala sila sa akin."
Napangiti siya nang sumaludo ito sa kanya.
“Opo, Yola."
Kumuha siya ng isang libo sa wallet niya, at binigay niya rito. Hindi sana nito tatanggapin pero nagpupumilit siya.
“ Sige na, Mang Teddy. Pang kain ninyo po habang naghihintay po kayo sa akin ay busog po kayo.”
Natawa ito sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka. Kaya tumataba ako nang dahil sa’yo.” Napangiti na lamang ito, at napailing sa kanya.
Kumindat na lamang siya rito, at nagpaalam na siya. Tumungo na siya sa hospital. Hindi alam nila Papa na pupunta siya rin sa hospital. Ayaw din naman niyang ipaalam sa mga magulang niya dahil baka mag-alala lamang sila sa kanya. Mas mabuting nililihim niya muna hangga’t hindi niya alam ang nangyayari sa kanya.
Nang nakarating na siya sa nursing station ay agad din siyang nagtanong dito kung sino ang available na espesyalista.
“Mayroon po, miss. Gusto ninyo po bang magpa-appointment kay Dra. Evangelista?”
"Oo. Gusto ko sana na ngayon ako magpa-appointment, kung pwede?”
“Wait, miss. Tingnan ko muna ang schedule ni Dra. Evangelista.”
Tinuon nito ang atensyon sa monitor. Narinig niyang may tinipa ito sa keyboard. Bumaling din ito sa kanya.
“Ngayong oras na ito ay available si Dra. Evangelista. Gusto mo ba ngayong oras na ito, miss?”
Tumango siya rito. “Oo."
“Teka. May ibibigay ako sa’yo. Sagutin mo na lang ang mga katanungan na nakalagay, miss.”
Inabot naman niya ang binigay nito. Nakatayo lamang siyang sinagutan ang nakasulat sa form.
“Pwede po kayong maupo, miss.”
Tumanggi siya rito. “Huwag na po. Mabilis lang naman po ito kaya okay lang.”
Ilang minuto niyang sinagot ang nasa form. Pangalan, edad, lugar niya, at kung may history ba siya na mga sakit na tinutukoy sa form katulad ng sakit sa puso, diabetes, cancer, at iba pa. Hindi naman siya nagtagal sa pagsagot at kaagad niyang binigay sa nars ang form.
Tumayo na nga ito.
“Halika, miss. Dadalhin kita sa clinic ni Dra. Evangelista."
Sinamahan nga siya nito patungo sa clinic ni Dra. Evangelista. Nasa pangalawang palapag ang clinic ng doktora. Sumakay sila ng elevator, at pinindot ang dalawang palapag.
Napatitig na lamang siya sa reflection niya sa tapat.
Narinig na niya ang tunog ng elevator kung saan nakarating na sila sa pangalawang palapag. Lumabas na rin sila, at tumungo na sa clinic ni doktora.
May nadaraanan pa silang tatlong clinic, at lumiko sila sa kanan. Natagpuan kaagad nila pagliko nila.
Kumatok muna ang nars. Narinig nila ang boses na mula sa loob na ‘Pasok’. Pumasok naman silang dalawa ng nars. Nakita nila si doktora na nakangiti sa kanila.
“Nars Belle, naparito ka?"
Lumapit ang nars sa mesa ng doktora. Napabaling ang atensyon ng doktora sa kanya. Bumati naman siya rito.
“Dok, nandito po siya para magpa-checkup,” tugon ng nars sabay lapag ng form na sinagutan niya kanina.
Inabot naman ng doktora ang form na nasa mesa. Nagpaalam na rin ang nars na aalis na.
“Maupo ka, miss,” sabi ni Dra. Evangelista sabay senyas nito na maupo siya.
Nagpasalamat naman siya rito, at umupo na sa tapat nitong upuan. Pinagmamasdan niya ang doktora na abala ang tingin sa form niya.
“Base sa nabasa ko sa sintomas mo ay sumasakit palagi ang ulo mo. Bigyan kita ng number Hanggang 1 to 10. Gaano ba kasakit?”
"8. Iyon ang unang beses na sobrang sakit. Para ngang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.”
Tumatango ito. “Nakaramdam ka ba ng pagsusuka o di kaya’y hilo?”
"Opo."
Nagtataka na lamang siya nang tumayo ito. Bitbit nito ang form niya.
“Para makasigurado tayo sa nararamdaman mo ay kailangan mong magpa-test ng MRI or CT scan.”
"Po?” gulat niyang tugon dito. "Para saan po?"
“Base sa sintomas ay may posibilidad na nagkaroon ka ng tumor sa utak.”
Para siyang nabagsakan sa kanyang nalaman. Tumor? Parang naistatwa siya sa kanyang kinauupuan.
“Miss Hernandez?”
Ayaw niyang maging totoo ang hinala ng doktor. Paano na ang pangarap niya?
“Miss Hernandez, are you okay?"
Napakurap siya nang maramdaman niya na may humawak sa kanyang magkabilang balikat.
“Po?" Wala sa wisyong tugon niya rito.
“Okay ka lang ba? Kasi bigla kang natulala.”
"Okay lang po ako, dok."
Ngumiti ito sa kanya. “Sumama ka sa akin upang magpa-test.”
Sumunod na nga siya rito, at lumabas na sa clinic. Tumungo sila sa laboratory. Ginawa nga niya kung ano ang sinabi ng doktor nang makarating sila sa laboratory. Kaagad siyang nagpa-CT scan, at MRI. Hindi naman siya natagalan kaya mabilis lamang siyang natapos.
Sa totoo lang, kinakabahan siya sa kanyang malalaman. Posible nga na may sakit siya. Ang bata pa niya.
Biglang naputol ang pagbalik-tanaw niya ng may kumatok sa pinto.
“Pasok!"
Bumangon siya. Nagmamadali niyang tinago sa ilalim ng unan ang envelope na galing sa ospital. Isang linggo na rin ang paghihintay niya sa resulta. Nalaman niya na may brain tumor siya.
Pilit na ngumiti siya sa kanyang Ate Shanti. Talagang hindi pa rin nito sinara ang pinto.
“May gusto ka bang dapat sabihin sa akin, Yola? Ano iyang tinatago mo sa unan mo?"
Bigla siyang kinabahan sa tanong nito.
“Anong dapat kong sabihin?”
"Your secrets," sabi nito sa kanya habang ang mga mata nito’y nakatutok sa unan niya.
Napalunok siya. Hindi pa siya handa na sabihin dito ang tungkol sa sakit niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na may sakit siya.
“W-wala nga. Ano ba iyang pinagsasabi mo, Ate?"
“May kakaiba kasi sa’yo." Naniningkit ang mga mata nitong tinitigan siya. Talagang hindi siya nito titigilan. “May tinatago ka talaga sa akin. Hindi ko lang alam kung ano iyon. Iyang nasa ilalim ng unan mo. Ano iyan?”
"Wala nga. Ang kulit mo," tanggi niya rito. Tumayo na nga siya, at hinila niya ito.
“Bakit? Pinapaalis mo na ako kaagad? Kapapasok ko pa nga lang.”
Imbes na pakinggan ito ay pumunta siya sa likuran nito, at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Sabay mahinang tulak dito patungo sa pinto niya na nakabukas.
“Ate, gusto ko munang magpahinga kaya mamaya na tayo mag-usap.”
Wala na nga itong nagawa kung di napabuntong-hininga na lamang.
“Okay, fine! Magpahinga ka na, at kami na ang mag-aasikaso sa bisita mo. Ang weird mo talaga. Birthday mo tapos wala ka roon,” walang tigil na reklamo nito sa kanya.
"Oo na. Babawi ako next year,” wika niya upang hindi na ito mangulit pa.
Walang pagdadalawang-isip na tinulak niya ito papalabas ng silid. Nakita niya ang hindi makapaniwalang reaksyon nito habang nakatitig sa kanya.
“What the—"
Binagsakan niya ito ng pinto. Hindi na niya hinintay matapos ang sasabihin nito. Ni-lock kaagad niya ang pinto baka papasok ulit ito.
Bumalik na siya sa kama, at umupo. Kinuha niya ang envelope na galing sa hospital. Binuksan niya ito, at kinuha ang
resulta sa MRI niya.
Napatitig siya sa papel. Nagsimula na naman manlabo ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa pamilya niya na may maliit na bukol siya sa utak niya. Second stage.
She didn’t want to die. Hindi pa niya naabot ang pangarap niya sa buhay. Paano na sila Mama? Si Papa? Si Ate? Ang grandparents niya? Iiwan na lamang ba niya ang mga ito? Gusto pa niyang makasama sila.
—
ONE WEEK LATER
After learning the outcome, she feels as if half of her life would be missing. Ngunit, kailangan niya pa rin gawin ang mga gusto niya. Gusto pa rin niya gawin ang mga bagay na kinahihiligan niya. She was standing in the middle of their studio. Watching herself wearing her ballerina clothes. Siya na lang mag-isa rito dahil umuwi na rin ang iba niyang kasamahan. Kailangan niyang mag-ensayo pa upang maging magaling siya. Tumayo siya nang tuwid na magkadikit ang kanyang mga binti at magkadikit ang kanyang mga takong. Sunod naman ay ang pangalawang posisyon upang magdagdag ng higit pang mga galaw ng ballet. Ang kanyang mga binti ay dapat medyo mas malawak kaysa sa lapad ng balikat kapag nakatayo siya. She stands up straight and crosses her right leg over her left, placing the heel of her right foot in front of her left arch. Naudlot ang susunod niyang gawin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tumungo siya sa kanang bahagi ng studio dahil nandoon nakalagay ang bag niya. Naglakad siya patungo roon, at kinuha niya mula sa bag ang cellphone niya. Pagkuha niya sa kanyang cellphone ay nakita niyang si Ate Shanti ang tumatawag. Sinagot kaagad niya ito.
“Ate, napatawag ka?”
[Yola, we need to talk.]
Kumunot ang noo niya dahil sa matigas ang tono ng boses nito.
“Bakit? Alam mong sa oras na ito ay nag-eensayo pa ako.”
[Umuwi ka ngayon din.]
“Pero-”
[Go home.]
Pinatayan na siya nito ng tawag. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na hininga. Wala na siyang nagawa kung ‘di magpalit ng damit, at umuwi na.
After half an hour na biyahe patungo sa kanilang bahay ay nakarating na rin siya. Lumabas na siya sa sasakyan, at pumasok na sa bahay. Pagtapak pa lamang niya sa bahay ay rinig na rinig niya ang malakas na hagulhol. Bigla siyang kinabahan kaya nagmamadali siyang hinanap ang hagulhol na iyon. Natagpuan na lamang niya si Mama na inaalo ni Papa. Napabaling ang tingin niya sa tumawag sa kanya.
“Yola, bakit hindi mo sinabi sa amin?” paos ang boses na tanong ni Ate Shanti sa kanya. Namumula ang mga mata nito.
Naguguluhan siya sa tanong nito.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?”
“Y-you had a second stage brain tumor.”
Nagsimulang nanlalabo ang mga mata niya. Napayuko siya. Hindi niya alam kung anong itutugon niya rito. Bigla na lamang may yumakap sa kanya. Doon na tumulo ang luha niya.
“Maghahanap tayo ng magaling na doktor upang pagalingin ka. Hindi kami papayag na iwanan mo kami nila Mama.”
“Ate! Natatakot ako,” garalgal ang boses niyang sabi.
Natatakot siya. Natatakot siya na maging malungkot ang kanyang mga magulang, at si Ate Shanti. Ayaw niyang mawala. Gusto niyang makapiling sila. Napaiyak na lamang siya.
“My baby!”
Pasimple niyang pinunasan ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang kanyang mga magulang. Namumula ang mga mata, pisngi, at ilong ng kanyang magulang. Naglalakad ang mga ito papalapit sa kanya. Humiwalay sa kanya si Ate Shanti. Walang sabing niyakap na lamang siya ni Mama. Bumigat ang pakiramdam niya nang marinig niya ang iyak nito. Sobrang nasasaktan siya nang marinig niya ang iyak nito.
“I’m sorry, Ma.”
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya. Agad na sinapo ni Mama ang magkabilang pisngi niya. Pinunasan nito ang pisngi niya. Umiiling ito.
“No. It’s not your fault, baby. Hindi namin hahayaan na hindi matupad ang mga pangarap mo. Gagawin namin ni Papa mo ang lahat upang mapagaling ka.”
“M-ma…” garalgal ang boses niyang binanggit ang Mama.
“Shhhh. Magiging okay din ang lahat, anak,” positibong sabi nito sa kanya. Kahit na nakangiti nito ay bakas sa mga mata nito ang sakit, at lungkot.
Patuloy na tumutulo ang luha niya. Hindi niya kayang makitang nasasaktan ang mga ito nang dahil sa kanya.
“Make sure na magpagaling ka, anak. Kailangan mong magpakalakas dahil sa susunod na linggo ay kailangan mo ng magpa-therapy,” rinig niyang sabi ni Papa kaya napatingin siya rito.
Tumango siya rito. “I will, Papa.”
Inabot nito ang ulo niya, at masuyong hinaplos nito. Suminghot siya.