LOGAN'S BACHELOR PAD
"Anak, ano ba naman 'yan. Bumangon ka na diyan at tanghali na," ani Leona sa anak habang hinahawi ang makapal na kurtina na nakatabing sa bintana ng kwarto ng binata.
"Mom!" saway ng binata sa ina sabay patong ng malambot na unan sa mukha dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw.
"Anak, ano ba... I thought papasok ka na sa VFI kahapon pero di ka naman dumating, akala ko napaano ka na kaya pinuntahan kita rito may sakit ka ba?" alalang tanong ni Leona sa anak habang paupo sa tabi ng malambot na kama ng binata.
"I woke up late yesterday kaya di na ako tumuloy. I called Faith at nagbilin ako sa kanya to tell you na di ako makakapasok." Sagot ng binata sa ina.
"Masyadong busy si Faith sa trabaho kahapon dahil marami akong pinagawa." Ani Leona sa anak.
"Well, she's your secretary and it's her job."
"Anak, masyadong busy 'yong tao. Besides kailan pa kita tinuruan na utos-utusan ang mga subordinates ko?"
"Oo na..." antok na anag binata para lang hindi na humaba ang usapan nila ng ina.
"Saan ka na naman ba naglakwatsa kagabi anak. Ano ba naman 'yan, grow up hijo. Sabi mo tutulungan mo na ako sa paghahandle ng kumpanya..." tila nagtatampong wika ng ina.
"Mom...Please.. Stop it...Nagda-drama ka na naman eh!"
"Eh kasi naman anak, alam mo naman na matanda na ako. I need your hands now, sana tulungan mo na ako sa pagpapatakbo ng kumpanya or better yet, find someone and settle down. I want apo..."
"Here we go again...." anang binata sabay tayo at maglakad patungo sa banyo niya.
Alam niya na kapag hindi niya iniwan ang ina ay magdadrama na naman ito ng tuluyan.
"Shower lang ako, sabay na ako sayo papasok sa VFI." Aniya bago tuluyang sinara ang pinto ng banyo niya.
Samantala ay napangiti naman si Leona dahil sa wakas ay sasama na ang anak sa pagpasok. Kailangan na din kasi niyang maturuan ito sa pasikot-sikot sa kumpanya lalo na at nasa tamang edad na ito at siya naman ay nagbabalak na ring magretiro.
Muling iginala ng matanda ang tingin sa buong pad ng anak at kitang kita niya ang lungkot sa buong paligid. Alam niya na magkakaroon lamang ng kulay ang pad ni Logan kapag nagkaron na ito ng babaeng mamahalin na siyang magbibigay ng kulay sa lugar at anak na siyang maghahatid ng musika sa tahimik na mundo ng binata.
***
RIVA'S RESIDENCE
"Sinag, huwag mo nang pakialam 'yang buhok ko. Maawa ka naman kay Luna, na kanina pa ako sinusuklayan!" natatawang saway ni Riva sa dalawang pixies na naging bantay at tagapangalaga niya simula pa lamang ng isilang siya ng inang si Helena.
"Gusto ko kasi kulot eh!" ani ng maliit na tinig Sinag habang minamagic ang buhok niya para kumulot.
"Wag ka kasing magulo Sinag, 'yang dalawang tenga mo ang pagbubuhulin ko pag di ka tumigil!" mas matinis na wika ni Luna kay Sinag.
"Kulot!"
"Hindi! Unat!! Ggrrrrrrrrrr!" gigil na sagot ni Luna.
Hagalpak sa tawa ang dalaga ng magsimula ng maghabulan ang dalawa dahil sa pagkapikon ni Luna sa partner nito.
Ganun palagi ang eksena sa kaniyang kwarto bago siya umalis ng bahay. Palaging nagtatalo ang dalawang pixies na kasama niya kung ano ang ayos ang nararapat sa kanya.
"Wag na kayong mag-away ako na ang bahala, hahahahaha!" masiglang tawa niya habang naghahabulan pa rin ang mga ito sa palibot ng kwarto.
Agad siyang tumayo at sa isang kumpas lang ng kamay niya ay biglang nagbago ang suot niyang damit at lalo siyang nagmukhang kaakit - akit sa suot na simpleng bestida na bulaklakin.
Nang makita siya ni Sinag ay agad itong napatulala sa hitsura niya kaya agad itong nahuli ni Luna at agad na nagrambulan ang dalawa.
"Hindi pa ba kayo titigil? Bahala kayo riyan, iiwanan ko kayo!" natatawang sabi ng dalaga bago lumabas mula sa inuupahang maliit na silid.
Mag isa lang siyang naninirahan sa Maynila dahil ulila na siya sa mga magulang at tanging ang dalawang pixies lang ang gumagabay sa kanya alinsunod sa utos ng inang si Helena bago ito pumanaw.
"Sama ako!" matinis na sigaw ni Luna habang dali-dali itong lumipad papalapit sa kanya,ganun din si Sinag na nagulo na ang buhok dahil sa kakulitan ni Luna.
Sa lahat ng oras ay kasama niya ang dalawa dahil yon ang bilin ng inang si Helena. Hindi rin naman problema ang pagsama-sama ng mga ito sa kanya dahil hindi din naman ito nakikita ng ibang mga tao maliban sa kanya o kapag ginusto ng mga lambana na magpakita.
"San tayo pupunta?" mahinang tanong ni Sinag habang nakasakay ito sa kaliwang balikat niya.
"Mag aaply tayo ng trabaho." Nakangiting sagot niya habang tinitingnan si Luna na papaupo na rin sa kanang balikat niya habang nakasimangot.
"Hahahaha! Huwag na kayong mag away..." humahagalpak sa tawa na saway ng dalaga ng mapansin ang dalawa na naggigirian na naman sa titigan.
----
Smantala tahimik na nakikinig sa paborito niyang kanta si Logan habang bagot na bagot sa pag usad ng sasakyan. Hindi na talaga siguro mawawala ang traffic sa buong kamaynilaan kaya naman imbes na maasar ay nakinig na lang siya ng mga kanta para kumalma.
Mayamaya ay napansin niya ang babaeng may katangkaran na nakasuot ng floral dress at tila baliw na nagsasalitang mag-isa.
Kamuntikan na ngang mapahagikhik ang binata ng makita nito ang dalaga na tawa nang tawa habang nakatingin sa balikat nito.
"Sayang, maganda sana, " ani ng binata sabay titig sa dalaga habang papatawid sa kalsada at tila may sarili pa rin itong mundo.
"Loka-loka nga lang, hahahahaha!" anang binata sabay bunghalit ng tawa dahil sa patuloy na pagsunod ng tingin sa magandang babae na patuloy sa pakikipag usap sa imaginary friends nito.
"Napaano ka na bang bata ka at tumatawa ka nang magiisa" ani Leona sabay hampas sa balikat ng anak kaya biglang tumahimik ang binata at pinigil na lang ang pagbungisngis. Sa tanang buhay niya ay noon lang siya nakakita ng napakagandang baliw.
"Anak, mauna ka na sa opisina at may ka meeting lang ako saglit. Mang Jose pakitabi sa gilid," nagmamadaling utos ni Leona sa driver nito na siya namang sinunod agad ng matanda.
"Where are you going? I thought sabay tayong papasok?"
"May ime-meet lang akong posibleng maging isa sa business partners natin na gustong makisusyo sa ating kumpanya. Titingnan ko kung magkakasundo kami lalo na ngayon na madami tayong ilalabas na bagong design ng damit.Alam mo naman malapit na ang summer kailangan na nating maglabas ng mga bagong designs ng mga swimwear at summer dresses." Anang ina bago ito lumabas ng pinto at dali daling naglakad papalapit sa building kung saan ito may ka meeting. Nagkasya na lang ang binata na sundan ng tingin ang ina bago nito inutusan ang driver na ihatid na siya nito papasok sa opisina.
___
Samantala patuloy naman sa pag aaway sina Sinag at Luna kaya naman nag galit-galitan na ang dalaga para matigil ang mga ito.
"Di ba talaga kayo titigil? Kapag kayo hindi tumigil di kayo bibilhan ng strawberry ng wala kayong makakain mamaya!" seryosong wika niya na siyang ikinatahimik ng dalawa.
Paborito kasi nina Sinag at Luna ang strawberry kaya naman lagi itong binibilhan ng dalaga at nakagawian na niyang ipanakot sa dalawang pixies ang hindi pagbili ng paborito nitong prutas kapag nag aaway ang dalawa.
"Yan tumahimik na rin kayo sa wakas..." nakangiting wika ng dalaga sa dalawang alaga kasabay ng paglalakad ng mabilis upang makahabol siya sa interview niya.
Papaliko na siya sa isang kanto ng mapansin niya ang isang matandang babae na tila nanghihina dahil unti-unti itong napapaupo sa sahig kaya naman agad niyang sinaklolohan.
"Ma'am? Ma'am ano pong nangyari sainyo?" alalang tanong niya kasabay ng bigla niyang pagtakbo papalapit sa matanda.
"Please, help me hija, I felt dizzy!" anang matanda habang marahan nitong hinihimas ang sentido.
Hindi naman nagdalawang-isip si Riva na tulungan ang matanda at alalayan itong maupo sa isang sulok matapos senyas si Sinag na maghanap ng mahiwagang dahon na pwedeng ipaamoy para guminhawa ang pakiramdam nito.
Samantalang si Luna ay agad naman siyang tinulungan sa pag alalay sa matanda hanggang sa maayos niya itong mapaupo.
Ilang minuto na nanghina ang matanda hanggang sa dumating si Sinag at agad niyang nilakumos ang mahiwagang dahon at itinapat sa ilong ng nakapikit na matanda. Ang kakaibang amoy ng dahon na iyon ay nakakapagpabuti ng pakiramdam kaya alam niyan magiging okay na ang matanda sa loob lang ng ilang minuto at hindi nga siya nagkamali.
"Salamat hija, I'm sorry kung naabala pa kita..."
"Wala pong anuman Ma'am..." nakangiting sagot niya habang sinisinop ang lahat ng gamit nito at iniabot ng maayos sa matanda.
"Riva, kailangan mo ng magmadali late ka na sa interview mo." Ani Luna habang hinihila ng bahagya ang tenga nya sabay bulong sa kanya.
"Hala! 'Yong interview ko!" nanlalaki ang mga matang ani Riva sabay tayo at agad na inayos ang damit.
"Hija? Is there a problem?" alalang tanong ng matanda sa dalaga.
"Okay na po ba kayo? Kung okay na po ang pakiramdam ninyo ay iiwan ko na po kayo. Interview ko po kasi ngayon at late na po ako ng ilang minuto..." hinging paumanhin ng dalaga sa matanda.
"Oh, I'm sorry hija, nakaistorbo ata ako sa'yo..." nakukunsensyang wika nito.
"Naku 'wag po kayong malungkot ayos lang po, mauna na po ako sainyo ha..." nakangiting wika ng dalaga sabay takbo ng matulin papaakyat sa second floor kung saan gaganapin ang interview niya.
-
Nanlulumong napaupo ang dalaga matapos siyang makarating sa opisina ng mag iinterview sa kanya. Hindi na siya nito pinapasok at tinanggap dahil nahuli na daw siya ng ilang minuto. Mahigpit daw ang patakaran sa kumpanya na iyon na wag tatanggap ng empleyado na sa una pa lang ay hindi na responsable sa pagsunod sa tamang oras na napag-usapan.
"Ano Riva, parusahan na ba namin 'yong panot na lalaking mag iinterview sana sa'yo?" ani Luna na sinusubukan siyang patawanin.
"Oo nga! kalbuhin na natin total iilang buhok na lang ang natitira sa kanya!" segundang sulsol naman ni Sinag.
"Magtigil nga kayong dalawa, masama 'yang iniisip ni''yo! Uwi na lang tayo," saway ng dalaga habang dahan-dahang tumayo at nagsimulang maglakad ng mabagal.
Tila wala sa sarili ang dalaga habang naglalakad ng biglang may tumapik sa balikat niya.
"Hija..." malambing na tawag sa kanya ng isang babae. Paglingon niya ay nakita niya ang matandang babae na tinulungan niya ilang oras lamang ang nakakaraan.
"Ma'am, kayo po pala! Ayos na po ba kayo?"
"Yeah... I saw you kanina, hindi ka na pinapasok para sa interview mo..." worried na sabi ng babae.
"Okay lang po Ma'am, na late kasi ako ng dating at mahigpit daw sila pagdating sa oras, naiintindihan ko naman po ang rules nila..." pilit ang ngiti na turan niya sa matanda.
"I can offer you a job!" biglang wika ng matanda na siyang ikinagulat ng dalaga.
"Po???"
"By the way, I'm Leona Verganza of Verganza Fashion Industry." Nakangiting pagpapakilala ng matanda sabay lahad ng malambot nitong kamay.
"Ako naman po si Riva--Riva Manzano po..." nahihiyang sagot ng dalaga habang kinakamayan ito.
"Actually, I'm searching for a new model, you're so gorgeous hija and I know fit na fit ka para sa trabahong iyon!"
"M-model po?" nanlalaki ang mga matang ulit ng dalaga.
"Yes, hija, I can show you our company para makita mo lahat, baka sakaling tanggapin mo ang alok ko sa'yo bilang pasasalamat na din sa pagtulong mo sa'kin."
"Di po kaya sobra-sobra naman po 'yang inaalok ninyo sa akin Ma'am?" alanganing sagot ng dalaga.
"No hija, bagay na bagay kang maging isa sa mga mukha ng clothing line ko!" sagot nito.
"Sigurado po ba kayo?" paniniyak niya.
"Yup, let's go." yakag ng matanda habang sinasabayan siya nito sa paglalakad pababa ng biglang may humabol sa kanila.
"Ma'am Leona Verganza?" anang babae sa kanila habang papatakbong lumalapit sa kanila.
"Mr. Ong wants to see you po, kayo po ang possible business partner niya, hindi ho ba?" namumutlang tanong nito.
"Yes! but, I am sorry, I think hindi din ako papasa sainyo since I am late just like her," seryosong wika ng matanda.
"No Ma'am! Mr. Ong won't mind if you're late po..." nakangiting sabi ng babae.
"Then, bakit hindi ninyo hinayaan na ma-interview ang batang ito? She was late kasi tinulungan niya ako sa lobby kanina." Sita ng matanda sa babae.
"Nag-aapply po kasi siya Ma'am at mahigpit po kami about sa time manage-"
"Exactly the point! How can you dumped her without asking why she's late? Tapos heto ka ngayon at sasabihin mo sa'kin na okay lang kahit late ako?"
Bahagyang napayuko ang babae dahil sa hiya nito sa matanda.
"Kindly tell your boss na hindi na ako makikipag-meeting sa kanya because I'm late, tara na hija..." wika ng matanda habang masuyo siya nitong hinila papalayo sa opisinang iyon habang hindi nakahuma ang babae sa sinabi ng ginang.