Pulang-pula ang dalaga dahil sa hiyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Akala siguro ng mga ito ay napakatakaw niya kaya nagawa niyang kumain ng napakadaming strawberries to think na madami din siyang kinain kanina nang naghapunan sila dahil panay ang lagay ni Logan ng pagkain sa plato niya.
"It's okay Riva, if you want I can bring you there kung may pagkakataon. Para ma-experience mo rin na ikaw mismo mamitas. It's really fun, you'll gonna love it!" nakangiting wika ni Logan matapos itong lumapit sa kanya para tanggalin ang pagkapahiya niya.
"Yeah hija, pareho pala tayong mahilig sa fruits and sweets. Kapag nakapasyal kami doon ni Logan and you're free. We will take you there, too!" ngiting sabad ni Leona.
"Salamat po sainyo! Pasensya na po kayo kung---naubos---ko---'yung strawberry po..." Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa sobrang hiyang nararamdaman. Yari talaga sa kanya ang dalawang lambana pag-uwi!
Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya sina Sinag at Luna na parang mga bata na nahuling nang-uumit ng kendi sa garapon. They looked guilty and sorry but the damage has already done!
"Okay lang, Riva, no big deal! Masaya nga ako na nagustuhan mo ang inihanda namin," naaaliw na wika ni Logan sa kanya.
"Salamat, Sir Logan..." aniya kasabay ng pagyuko ng bahagya.
"Logan na lang Riva..." Masuyong wika ni Logan sa kanya kasabay ng pilyong kindat nito sa kanya.
"And you can call me ,Tita Leona hija..." sabad din ni Leona sa pag uusap nilang dalawa. Napangiti na lang siya dahil sa kabaitan ng mag-ina.
"Salamat po sainyo..."
"By the way hija, Logan wants to take you home, gabi na kasi and he wants to drive you home safely. And we will not take No for an answer!" muling sabi ni Leona sa dalaga at wala na siyang nagawa dahil desidido talaga ang binata na maihatid siya kaya nagpaubaya na lang siya sa kagustuhan ng mag-ina.
At kagaya ng isang maginoong binata ay panay ang alalay sa kanya ni Logan at kulang na lang ay buhatin siya nito patungo sa kotse nito. Samantalang sina Sinag at Luna ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Alam kasi ng mga ito na mapapagalitan sila kaya naman kinakabahan na ang dalawang lambana.
****
Matamang iginagala ni Logan ang paningin sa maliit na apartment na inuupahan niya na tila hindi ito makapaniwala na doon siya nakatira.
"Seriously, dito ka nakatira?" hindi makatiis na tanong ng binata sa dalaga.
"Yes, what's wrong with this place?" nagtatakang tanong niya. He looked pretty shocked upon learning where she resides.
"Alone?"
"Yes. Gusto mo ng kape?" alok niya.
"No, thank you!" magalang nitong tanggi.
"Salamat nga pala sa paghatid mo sa'kin. I really appreciate it a lot. Pakisabi kay Ma'am Leona na maraming salamat sa kabaitan niya sa akin!" nakangiti niyang sabi rito.
"My pleasure, about mom, I think, she likes you!" nakangiting tugon ng binata.
Mayamaya pa ay sunod-sunod na naghikab ang dalaga para mapilitan itong umuwi dahil kanina pa siya gigil na gigil sa kina Sinag at Luna na pagpasok pa lang nila sa kwarto ay nagsitago na. Gusto na niyang makipag-tuos sa dalawang makulit na lambana, kaso hindi niya iyon magagawa kung hindi pa aalis ang binata.
"Mauna na pala ako, mukhang inaantok ka na eh, see you tomorrow!" nakangiting paalam ng binata.
"Sige, pakisabi ulit kay Ma'am Leona na maraming salamat sa pag imbita sa'kin!"
"Correction, Tita Leona. Magtatampo 'yun sa'yo pag tinawag mo pa rin siyang Ma'am..."
"Ha? ganoon ba? Sorry! Hindi na mauulit!" hinging paumanhin niya sa binata kaya naman bigla itong tumawa ng malakas.
"Anong magic ang meron ka Riva?" mahinang tanong ni Logan kapagkakuwan. "Napakabilis mo kaming napa-amo ng nanay ko?"
"Ha?" Kunwa'y tanong niya ngunit malinaw na narinig niya ang sinabi nito.
"Napaamo mo agad ang nanay ko in just a matter of days. And I think, gano'n din ako..."
"Wala po akong magic, kayo talaga Sir." namumulang sagot niya rito.
"Logan---It's Logan. By the way alis na din ako para makapagpahinga ka na rin. See you tomorrow!" anang binata sabay nakaw ng halik sa pisngi niya na siyang ikinagulat ng husto ng dalaga.
"m******s ka! Bakit mo hinahalikan si Riva namin. Ako nga ni halik sa noo kapag tulog 'yan hindi ko ginawa, magbabbayad ka!!!" sigaw ni Sinag habang nagmamadali sa paglipad papalapit kay Logan at buong pwersa nitong inatake sa ulo ang binata. Lihim pala itong nanunuod sa kanilang dalawa.
Samantala napangiwi naman si Logan ng biglang maramdaman ang tila matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Binato ba siya ni Riva?
Agad na nilingon ng binata si Riva ngunit nakangiti lang ang dalaga na kumakaway sa kanya. Mukha namang hindi nito magagawang manakit.
"Oo nga, magbabayad ka sa ginawa mo!" sigaw din ni Luna kasabay ng pag madyik nito sa mga paa ng binata. Sa hindi malamang dahilan ni Logan ay napatid siya at kamuntikan ng madapa. Buti na lang at naitukod niya ang dalawang braso kung hindi yari ang mukha nya.
Lahat iyon ay nakita ni Riva kaya hindi na ito nakatiis na hindi saklolohan ang binata.
"Logan, okay ka lang ba?" nagmamadaling saklolo ni Riva sa binata ng makita itong natumba, sinamantala ng dalaga na hindi nakatingin ang binata ng hawiin niya ang dalawang lambana at ikulong ito sa isang katamtamang bula na tanging siya lang ang makakagawa at siya lang ang makakapagpalabas sa mga ito.
"Okay lang ako, Riva, napatid lang siguro ako."
"Mag-iingat ka sa paghakbang, pasensya ka na dito sa lugar ko..."
"May multo ba rito sa bahay mo?" inosenteng tanong ng binata.
"Ha? Wala, bakit mo naitanong?"
"Parang napaglaruan 'ata ako..." nakangiwing sagot ng binata.
"Bakit anong nangyari?" patay-malisyang tanong niya uli sa binata habang pinapagpag ang damit nito na nagkaron ng dumi.
"Okay lang ako, alis na ako ha..." nagmamadaling wika ng binata habang naglalakad ng dahan dahan bago ito kumaripas ng takbo pabalik sa kotse nito na parang takot na takot.
******
Pagkaalis ng binata ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay at agad na sinara ang pintuan at bintana at agad na hinarap ang dalawang makulit.
"Sino me sabi sainyong kumain ng strawberry at ubusin lahat 'yun?" tanong niya sa dalawa habang magkasalubong ang mga kilay. "At sino may sabi sainyong paglaruan ninyo si Logan?" dagdag sita niya.
"Siya!" turo ni Luna kay Sinag.
"Hindi ako, ikaw! Hindi ba sabi mo mukhang ang sarap nun kaya kumain ka ng isa tapos binigyan mo ako.." depensa naman ni Sinag.
"Oo nga, pinatikim kita ng isa, pero ikaw ang umubos. Masiba ka kasi, Sinag!" sagot naman ni Luna sabay hampas kay Sinag.
"Aray! Kapag nabali pakpak ko ikaw gagawin kong pakpak! Riva ohhh, si Luna nananakit...." mangiyak-ngiyak nasumbong nito.
"Hindi talaga kayo titigil?? Gusto ni'yo ba ipatapon ko kayo sa kabilang mundo?!" nakapamewang na banta niya sa dalawang lambana na siyang ikinatakot ng mga ito.
"Huwag naman Riva! Gusto namin dito para kasama ka namin, patawarin mo na kami!" mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Luna.
Ayaw kasi ng dalawang lambana na bumalik sa kaharian nila dahil nakasanayan na ng mga ito na siya ang kasama at mas masaya daw ang dalawa sa piling niya.
"Oo nga naman Riva, saka walang strawberry dun" sabat ni Sinag bago nito natutop ang bibig dahil napaalala na naman nito ang nagawang kasalanan.
"Dahil sa kakulitan ninyo, mananatili kayo sa bulang iyan hanggang hindi ko kayo nakikita na magkasundo at hindi nag-aaway."
"Huwag naman Riva, ayaw namin makulong. Hindi na kami uulit, pakiusap! MAgbe-behave na kami!" pagmamakaawa ni Luna ngunit tinalikuran niya lang ang mga ito at agad na humiga sa kama niya at ipinikit ang mga mata para di na siya kausapin ng dalawang makulit na lambana.
****
"Good morning, Riva!" masiglang bati sa kanya ni Logan pagkarating niya sa opisina nito. Tila nakalimutan na nito ang nangyari sa kanya kagabi.
"Good morning din po!" sagot niya.
"Coffee?" nakangiting alok ni Logan sabay abot ng isang tasang kape sa kanya.
"Naku Sir, nag abala ka pa..."
"No worries at hindi ka abala, masaya akong mapagsilbihan ka," patuloy na pagpapa impress nito.
"Asus, nagpapalipad hangin ka na naman kay Riva namin.. Pasalamat ka at nakakulong kami kung hindi maghapon kitang papahirapan, hmp!" ani Sinag na tila nagseselos sa pinapakitang sweetness ng binata. Tinitigan naman ng matalim ni Riva ang lambana para balaan ito.
Tatanggapin na sana niya ang kape ng biglang sumulpot si Erin mula sa likod at agad nitong inagaw ang kape sabay lagok.
"I know this is really for me Logan, you're so sweet! Thank you!" malanding wika ni Erin sabay kunyapit sa braso ng binata.
"Para kay Riva sana yan, bakit mo naman inagaw. Get your manners, Erin." Nakasimangot na sagot ni Logan bago nito tinanggal ang pagkakahawak ni Erin sa braso nito.
"Okay lang po, Sir Logan..." sagot niya sa binata bago ito iniwanan at nagtungo sa kwarto kung san siya mag-eensayo.
"Next time Erin, matuto kang magtanung kung para sa'yo ang isang bagay o hindi bago ka mang agaw." Masungit na wika ni Logan sa dalaga bago ito nagmartsa pabalik sa opisina nito. Iniwan nito ang nakabusangot na si Erin na hindi makapaniwalang kakagalitan sa inasal niya.
Buong maghapon na naman na nakadikit sa kanya ang binata at halos di ito umalis sa tabi niya, bagay na nakikita at ikinagagalit ni Erin dahil para dito isang malaking threat si Riva sa plano niyang pang-aakit kay Logan. Kaya naman nang makita niya ang dalagang mag isa sa comfort room ay agad niya itong kinompronta.
"So, masaya ka na niyan?" nakatikwas ang kilay ng tanong ni Erin sa dalaga.
"Masaya saan?" maang niyang sagot.
"Nagmamaang-maangan ka pa! Kabago-bago mo rito ang lakas ng loob mong akitin si Logan!" bintang nito.
"Excuse me? Hindi ko siya inaakit!" asar na sagot niya rito. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yung pinagbibintangan siya sa bagay na hindi niya ginagawa.
Marahas siyang itinulak ni Erin kaya naman agad siyang napasandal sa pader. Sa gulat niya ay hindi na siya nakahuma gano'n din sina Sinag at Luna na gusto sana siyang tulungan pero hindi makalabas sa bula.
"Bakit mo siya sinasaktan ha!" namumulang sigaw ni Sinag na lumabas na naman ang natural na ugali nito: ang pagiging over protective sa kanya.
"Binabalaan kita Riva, ayaw ko sa lahat 'yong mga taong mang-aagaw. Kaya kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo dito. Ngayon pa lang ay layuan mo na si Logan, kuha mo?! He is mine! And I don't share what's mine!" mataray na banta ni Erin bago siya nito binitawan.
"Okay." simpleng tugon niya dito bago ito iniwanan sa loob ng banyo. She's not bothered with her words. Kilala niya ang kanyang sarili. Kung mayroon mang dapat matakot sa kanila. Si Erin 'yon! Palabas na sana niya ngunit bigla siyang natigilan. May naisip siyang kapilyahan and before she knew it, nagawa na niyang paglaruan ang dalaga. Wala itong kamalay-malay sa ginawa niya. Patay-malisya siyang lumabas at bumalik sa karamihan.
Mayamaya pa ay narinig ng halos lahat ng empleyado ang matinis na tili ni Erin kasabay ng pagtakbo nito papalabas ng banyo na labis ang takot.
Sino ba naman ang hindi matatakot kapag nakita mo ang sarili mong biglang nagkaroon ng maraming taghiyawat? Biglang tumangos ang ilong na kagaya ng isang bruhang mangkukulam, at naging buhaghag ang dating unat na buhok? Hahahaha! Poor Erin, she messed with a wrong lady!