"Saan kayo galing, kanina ko pa kayo hinahanap bakit hindi ko kayo makita? Saan kayo nagpunta?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga nang mahuli ang dalawa na nagmamadali sa pagpasok ng kanyang kwarto.
"Diyan lang sa tabi-tabi, namasyal kami ni Sinag, ang tagal na rin kasi naming hindi nakapasyal sa buong kaharian. Busy ka kaya hindi ka na naminin inistorbo, hindi ba Sinag?" sagot ni Luna.
"O-oo! Namasyal lang kami ni Luna, hindi ka naman siguro magagalit, hindi ba?" sagot nito.
"Hindi naman ako busy, kung niyaya ni'yo ako, baka sumama pa ako sa inyo." Anang dalaga.
"Ngapala kumusta ang pakiramdam ngayon na reyna ka na Riva?" biglang tanong ni Sinag.
"Natatakot dahil hindi biro ang responsibilidad na nakaatang ngayon sa balikat ko. Pero gagawin ko ang best ko para magampanan ang trabaho ko." Sagot niya. Pinakatitigan niya ang dalawang pixies. Pakiramdam niya ay may itinatago ang mga ito sa kanya. At ni minsan, hindi sumemplang ang pakiramdam niyang iyon. "Teka nga muna, bakit parang iba ang pakiramdam ko sa inyong dalawa? Sigurado kayong namasyal lang kayo sa kaharian?"
"Oo nga!" magkapanabay na sagot ng dalawa.
Muli niyang tinitigan ng mariin ang dalawa. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pulang mantsa sa mga damit nito. At hindi siya maaaring magkamali, katas iyon ng strawberry. Mukhang lumabas ng kaharian ang mga ito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Gayunpaman, hinayaan niya na lamang ang mga ito at hindi na siya nagsalita pa. Marahil ay hindi pa rin nakaka move-on ang mga ito sa bago nilang mundo.
*****
'I saw them! Ibig sabihin pwedeng bumalik sina Sinag at Luna dito. Kailangan kong magbantay ulit baka sakaling bumalik silang dalawa. Pwede akong sumama sa kanila para makita ko si Riva..' anang isip ng binata habang palakad-lakad sa kanyang kwarto at malalim na nag iisip ng mga gagawing hakbang kung papaanong makakasama ulit ang dalaga.
"Aling Cely!! Aling Cely!!" Malakas na tawag ng binata habang nagmamadali sa pagbaba sa hagdan.
"Bakit iho?"
"Marami pa po bang bunga ang mga strawberries?"
"Medyo marami pa naman, bakit?" takang tanong nito.
"Pwede mo ba akong tulungan? Paano mong nakulong sina Sinag at Luna noon?" tanong ng binata kasabay ng nakakalokong ngiti.
"Baka magalit si Riva sa atin iho," nag aalangang tugon ng matanda.
"Huwag ho kayong mag alala. Aakuin ko po lahat ng magiging parusa kung sakali man na magalit si Riva. Tulungan ni'yo lang po ako dito. Gusto ko talagang makasama o kahit makausap man lang si Riva. Para na akong mababaliw sa kakaisip sa kanya. Kaya please po, tulungan ni'yo po ako!"
Dahil sa pagmamakaawa ng binata ay napapayag nito ang matanda sa plano nito at agad nilang inihanda lahat ng gagawin. Ang hinihintay na lang nila ang muling pagbabalik nina Sinag at Luna.
*****
Malungkot na nakatanaw si Riva sa mga lambanang nag-aayos ng kanilang hardin, ang saya ng mga ito habang nag aayos ng mga bulaklak at iba pang dekorasyon. Puno ng halakhakan ang buong paligid na tila musika sa kanyang pandinig.
Labis siyang nangungulila kay Logan at tanging sa larawan lang nito siya nagkakasyang tumitig pag nais niya itong makita. Kung pwede lang sanang umalis siya panandalian sa kaharian para pasyalan ang binata ay ginawa na niya. Kaso nag aalangan din siya na baka lalong di matanggap ni Logan na magkakalayo na sila dahil may katungkulan na siya sa kanilang mundo.
"Hi, Riva!" nakangiting bati sa kanya ni Sinag, nakabuntot naman si Luna rito.
"Kayo pala, may kailangan ba kayo?" tanong niya sa dalawa.
"Pasensya ka na sa istorbo pero pwede ba kaming umalis ni Luna?" paalam ni Sinag sa dalaga.
"At saan naman kayo pupunta?"
"Balak sana naming mamasyal ni Luna, kung pwede lang sana, nababagot kasi kami rito sa palasyo."
"Bakit nababagot na kayo? Marami naman kayong pwedeng gawin kung gustoo ninyo, hindi ba?"
"Ayaw namin, isa pa, lagi ka rin kasing nakasimangot at nakatulala. Minsan naman ay sobra mong lungkot. Nastress kami ni Luna, kaya gusto sana naming magliwaliw muna pansamantala. Huwag kang mag-alala, babalik rin kami kaagad!"
Lihim naman na nakonsensya ang dalaga sa sinabi ni Sinag. Tama nga naman ito, magmula ng umalis siya sa mundo ng mga tao ay naging malungkutin na siya at madalas na tahimik. Nakalimutan niyang may dalawa siyang kaibigan na kasama niya sa palagi na pwedeng maapektuhan sa attitude niya.
"Okay sige, pero mabilis lang ha! Bumalik rin kayo kaagad. Baka hanapin kayo ng inang diwata." Pagpayag niya. Nagtatalon sa tuwa ang dalawa bago ito nagsilipad papalayo sa kanya. Napailing na lang ang dalaga sa inasal ng mga ito.
Lingid sa kaalaman ng dalaga ay babalik ang mga ito sa farm ni Logan para manginain ng paborito nitong prutas.
****
Tahimik na nagmamatiyag sina Logan at Aling Cely habang nakatingin sa pain na inihanda nila para sa dalawang lambana. Oras na makapasok sila sa basket ng mga strawberries ay makukulong ang mga ito sa isang glass box kung saan may orasyon ng matanda para hindi makalabas ang dalawa.
Mayamaya pa ay nakakita na si Logan ng mga mumunting galaw sa mga halaman kaya naman napangiti siya ng labis. Batid niyang sina Sinag at Luna na ang mga iyon. Nagkatinginan pa sila ni Aling Cely ng biglang lumaoit ang dalawa sa basket at agad na nilantakan ang mga prutas,kaya naman hindi na nila napansin ang mabilis na paghila ni Logan ng tali kaya naman sa isang iglap lang ay nakulong na ang dalawa.
"Gotcha!!!!" Malakas na sigaw ni Logan sabay apir kay Aling Cely.
"Nakuha mo ba sila?" usisa ng matanda. Nakangiti siyang sumenyas ng thumbs sign dito.
"Hi pixies, missed me?" nakangising wika ng binata sa dalawa na pareho pang nakatulala sa labis na pagkabigla.
"Pakawalan mo na kami Logan. Baka hinahanap na kami ni Riva! Hindi niya alam na lumabas kami ng kaharian. Parang awa mo na!"pagmamakaawa ni Luna.
"Sorry pixies, but I can't. Alam ko kung gaano kayo kahalaga kay Riva at once malaman niyang nawawala kayo. Tiyak akong maghahanap iyon at magkikita na kami ulit!"
"Hindi 'yan mangyayari magmula ng maging reyna siya ay wala na siyang karapatang lumabas sa kaharian. Kaya malabong mangyari na pupuntahan niya kami dito..." ani Sinag.
"Hindi yan totoo, nagsisinungaling ka Sinag! Alam ko kung gaano kayo kahalaga kay Riva at alam kung hindi niya kayo hahayaan mapahamak. Kaya malaki ang tiwala ko na pupunta siya dito para kunin kayo." pagpupumilit ng binata.
"Tingin mo ba kailangan pa naming tumakas kay Riva kung pwede naman niya kaming samahan papunta dito? Tingin mo ba hindi siya sasama samin kung alam niyang sa'yo kami pupunta?" sabad ni Luna sa usapan nila.
"Oo nga Logan, maniwala ka naman sa'min ni Luna hindi kami nagloloko. Tumakas lang kami papunta dito, hindi alam ni Riva na dito kami papunta. Lalo na ng Inang Diwata, tiyak may malaking parusa na ipapataw sa amin lalo na pag nalaman nilang tumakas kami. Kaya parang awa mo na Logan. Pakawalan mo na kami.." Pakiusap ni Sinag sa binata na biglang natahimik at tila malalim ang iniisip.
"Hindi kamo pupunta si Riva dito para kunin kayo, tama?"
"Oo, tama!" magkasabay na sagot ng dalawa na tila nabuhayan ng loob sa sjnabi ng binata.
"Hindi kamo siya makakaalis sa kaharian ninyo, tama??"
"Oo, sakto! Tumpak! Pakakawalan mo na ba kami?" natutuwang ani Sinag sa binata.
"Kung gano'n ako na lang ang dalhin ninyo sa mundo ni'yo!" walang alinlangang sambit ng binata.
"Ano?! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Kapag pumasok ka roon baka 'di ka na makalabas o baka maparusahan ka, lalong lalo na kami ni Sinag dahil nagpapasok kami ng mortal doon." hintakot na ani Luna.
"Gusto ko lang talagang makita si Riva, kaya pagbigyan n'yo na ako. Saka hindi ko rin kayo pakakawalan hanggang di ni'yo ako sinasama doon. Huwag kayong mag alala mag-iingat ako. Gusto ni'yo na bang umuwi o gusto niyong maparusahan pag nalaman nilang andito kayo?" pananakot pa ng binata sa dalawang lambana.
*****
Samantala kanina pa pinaghahanap ng mga kawal sina Sinag at Luna dahil na rin sa ilang oras nitong pagkawala. Ipinag utos ni Riva na hanapin ang dalawang lambana.Hindi na rin mapakali si Riva dahil sa pag-iisip kung napano na ang dalawa lalo na at nagpaalam ang dalawa na mamamasyal lang.Hinalughog ng dalaga ang kwarto na tinutuluyan ng dalawa ng makakita siya ng isang bagay na alam niyang wala niyon sa kaharian.
"Kailan pa kayo natutong takasan ako para lamang sa prutas na ito?" nalulungkot na wika ng dalaga habang hawak ang strawberry na maingat na nakatago sa kwarto ng dalawa.
Agad siyang lumabas sa palasyo at nagmamadaling nagtungo sa talon kung saan naroon ang lagusan na nagkokonekta sa magkabilang mundo. Hindi na niya pinaalam pa sa mga kawal na may ideya siya kung nasaan ang dalawa sapagkat ayaw niyang makialam si Inang Diwata at parusahan ang dalawa sa kapusukan ng mga ito.Balak niyang hintayin ang pagbabalik ng dalawang lambana kaya naman naisipan niyang abangan ang dalawa doon.
*****
"Sige na kasi samahan ni'yo na ako kay Riva. Baka sa mga oras na ito ay nag aalala na 'yun sainyo. Kaya tara na uwi na tayo. Isama ni'yo na ako."
"Pakawalan mo na kasi kami para makauwi na kami Logan, para hindi na mag alala sa amin si Riva.." ani Luna sa kanya.
"Makakauwi lang kayo pag kasama ni'yo ako. Pero kapag hindi ikukulong ko kayo dyan hanggang sa mapilitan si Riva na puntahan kayo rito...Mamili kayong dalawa."
Dala marahil ng awa at pamimilit ni Logan ay napapayag na rin nito ang dalawang lambana na isama sya ng mga ito pabalik sa kanila kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ng binata.
"Yes! Sabi ko na nga ba hindi nyo ako matitiis! Tara na!" excited na wika ng binata sa dalawa.
Agad na inihanda ng binata ang sarili ng gumawa ng lagusan si Sinag na siya nilang papasukan at gayon na lamang ang pagkamangha ng binata nang makita ang napakagandang tanawin nito sa kabilang dako ng mundo. Tila paraiso ang ganda ng paligid kaya naman dahan-dahang inihakbang ng binata ang mga paa papasok sa lagusan habang iniikot ang paningin sa buong lugar.
"Ang ganda naman dito sa inyo Sinag..." puno ng paghangang sambit ng binata ng bigla siyang iniluwa sa mismong lugar nila Riva.
Sinasabi na nga ba at galing kayo sa mundo ng mga tao eh!" Malakas na tinig ng isang babae na tila musika sa pandinig ni Logan. Kaytagal niyang ninais marinig muli ang tinig na iyon at ngayon ay nagkaroon na nga ng katuparan.
Marahang lumingon ang binata at pareho pa silang napaawang ang mga labi dahil sa pagkagulat.
"Logan?! Anong ginagawa mo dito?!" malakas na sambit ng dalaga sa binata na noon ay unti-unti ng lumalamlam ang mga mata.
Agad na tumakbo ang binata papalapit sa dalaga at agad itong niyakap ng mahigpit dahil sa labis na pagkasabik dito.
"Nagkita ulit tayo, ang saya ko Riva! Sobra kitang namiss! Antagal kong hinintay na mangyari ulit ito. Ngayon natupad na sa wakas." Umiiyak na wika ng binata habang yakap ang dalaga na noon ay hindi makapaniwala na nasa harapan na niya si Logan at yakap siya nito ng napakahigpit na para bang wala ng bukas.
Samantala hindi alam nila Riva na nakikita pala sila ni Inang Diwata at nasaksihan nito kung paanong may nakapasok n