HAIL TO THE NEW QUEEN

2501 Words
Abala sa pagluluto ng paboritong pagkain ng anak si Leona nang maulinigan nito ang pagdating ng binata. tumigil muna siya sa ginagawa para lapitan ang anak. Nadatnan niya si Logan na nakaupo sa sofa at mukhang malalim ang iniisip. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam niya na kaagad kung bakit ganoon ang hitsura ng anak. "Narito ka na pala anak, nagluto ako ng carbonara. I know na paborito mo 'yun kaya naghanda ako, malapit na maluto, ilang minutes na lang." Untag niya sa anak ngunit nananatili itong nakatulala. "Payakap naman, mom, 'yong mahigpit, please?" malungkot na pakiusap ni Logan habang nakatitig sa ina. "Sure, anak. You can hug mommy all you want!" "She's gone mom, iniwan na niya ako, wala na siya. Hindi na natin siya makita.." parang batang sumbong si Logan habang umiiyak. Hindi pa rin nito matanggap ang biglaang paglaho ni Riva. "Don't lose hope anak, baka bumalik rin siya one day, malay mo baka may inaasikaso lang," aniya. "Hindi ko alam mom, kasi kung may balak siyang bumalik, nagpaalam sana siya sa akin. Kaso wala siyang sinabi. Pakiramdam ko kaya siya naging sweet sa akin noong magkasama kami kasi iiwanan niya na ako." Mapait na wika ng binata. "Logan, there must be a reason kung bakit umaalis sa buhay natin ang isang tao. Riva is just one of them. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa, kasi kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa. Kahit ilang milya man ang layo niya mula sa'yo o ilang taon man kayong hindi magkita. If you are meant to be, you'll always end up together, trust me." "I never thought na ganito pala kasakit ang maiwan. I couldn't even believe that she's gone without a trace. Kahit gustuhin ko man siyang sundan, hindi ko siya masusundan because she is beyond my reach. It's so hard, mom! Pakiramdam ko I held unto someone I thought would never leave me behind. But here I am, alone, trying to get a grip just to survive." "Logan, mommy is still here. Narito pa ako, hindi kita iiwan. Sasamahan kita sa paghihintay ng pagbabalik ni Riva. I know in my heart na babalik siya." Pagpapakalma niya sa anak. Kung may magagawa lang sana siya para pabalikin si Riva at siya ang humalili rito para maging masaya ang anak ay ginawa niya na. Kaso napaka imposible noon na mangyari. She is just a human with no superpowers like Riva. **** "Maligayang pagbabalik, Riva!" masiglang bati ni Inang Diwata sa apo ng makita itong naglalakad sa bulwagan katabi si Dagohoy at ang tatlong lambana. "Magpugay sa mahal na reyna at prinsesa!" malakas na sigaw ni Dagohoy. Kaagad namang nagbigay pugay ang mga kawal sa kanila. "Gaya ng napagkasunduan natin, Inang Diwata..." matipid na wika ng dalaga. "Alam kung tutuparin mo ang pangako mo sa akin, Riva. Napakasaya ko ngayon dahil narito ka na muli sa ating kaharian. Makakasama na kitang muli hanggang sa huling sandali ng aking buhay." Masiglang wika ng inang reyna. Hawak nito sa mga kamay ang apo habang naglalakad patungo sa kanilang palasyo. Sina Sinag at Luna naman ay tahimik lamang na nakasunod sa dalaga habang bitbit nito si Yumi na nakapaloob pa rin sa mahiwagang bula. Hindi pa rin ito sumusuko, pilit pa rin itong kumakawala ngunit kagaya ng dati, wala pa rin itong magawa. Not a mere pixie could break the spell of a princess. "Siya na ba ang lambana na umakyat sa kabilang mundo at naghatid ng kaguluhan?" tanong ng reyna sabay sulyap kay Yumi. "Opo, inang reyna!" tugon ni Luna. "Maaari bang ibigay mo siya sa akin? Ako na ang bahala sa kanya," nakangiting wika ng reyna. Agad namang iniabot ni Luna ang kinalalagyan ni Yumi. Pinakatitigan ng reyna si Yumi na takot na takot. Bumigkas ng mahika ang reyna at sa isang iglap ay naging isang halaman si Yumi. "Ang kagaya niyang lambana ay hindi nararapat bigyan ng pagkakataon na manggulo dito man sa ating mundo o sa mundo ng mga tao. Ikakatuwa ko na maging isa siya sa mga halamang aalagaan ko " nakangiting wika ng matanda habang tinititigan ang bagong anyo ni Yumi. Isa itong halaman na may kakaibang amoy at maraming tinik sa katawan. Walang magtatangkang lumapit rito o hawakan dahil sa pangit nitong hitsura. Nagkatinginan lang sina Sinag at Luna dahil sa nasaksihan, tunay ngang makapangyarihan ang Inang Diwata at matindi kung magparusa. Nakakatakot! "Pumasok ka na sa iyong silid, Riva. Pagka't mamaya ay sisimulan na natin ang seremonyas sa pagpapalit ng kapangyarihan. Tutulungan ka ng ilang tagapagsilbi para sa iyong gayak mamayang gabi.." nakangiting baling ng reyna sa apo. Tumango ang dalaga bilang pag sang-ayon. Pagkaalis ng dalaga ay nagtungo naman ang reyna sa hardin at maingat na ibinaba ang halaman sa ibang kauri nito. "Maraming salamat sa iyong kapilyahan, ngayon ay nakabalik na ang aking prinsesa..." bulong ng reyna sabay ngiti. *** "Riva, okay ka lang ba?" alalang tanong ni Luna sa kaibigan. Maging si Sinag ay nag-aalala rin habang nakatitig sa dalaga. "Ayos lang naman ako, huwag kayong mag-alala sa akin," sagot niya kasabay ng pagak na pagtawa. Naalala na naman niya si Logan. Baka nalulungkot na ito dahil nalaman nang wala na siya. "Kumusta na kaya si Logan, siguro nalaman na niya na wala ka na," ani Sinag. Muli na namang bumalatay ang lungkot sa mukha niya. Siniko ni Luna si Sinag dahil na trigger na naman ang lungkot ng kaibigan. Dahil sa narinig ay nalungkot lalo ang dalaga. Alam niyang alam na ng binata ang pagkawala niya at baka sa mga oras na iyon ay naghahanap na ito sa kanya. "Nakakamiss rin sa mundo ng mga mortal..." hindi paawat na wika ni Sinag. Sa inis ni Luna ay mabilis nitong binatukan ang katabi. "Aray!"malakas na sigaw ni Sinag habang hawak ang batok nito. "Tahiin ko kaya 'yang bibig mo Sinag, nang manahimik ka! Nakita mo na ngang malungkot si Riva, pinaalala mo pa si Logan!" inis na ganting sigaw ni Luna. "Bakit kailangan mong manakit? Pwede namang magsalita ka ng maayos ah!" "Gusto mo ba siyang makita Riva?" biglang tanong ni Luna sa dalaga. "Tingnan mo 'to...Tumigil na nga ako, siya naman ang pumalit, ano ba talaga Luna?!" sita ni Sinag habang nakapameywang. "Huwag na kayong mag away, kapag narinig kayo ni Inang Diwata na makukulit at hindj magkasundo baka gawin din kayong halaman. Gusto niyo ba 'yun?" saway ng dalaga sa dalawang lambana para hindi na ito mag away pa. "Titigil na..Pasensya na.." ani Luna sa dalaga bago ito tumahimik at pinagmasdan na lang si Riva na nakatulala at malalim ang iniisip. *** Nakahanda na ang lahat sa gaganaping koronasyon ni Riva, lahat ng mga dekorasyon at mga pagkaing handa sa sa piging ay nakahanda na. Lahat ay nagsasaya sa itatanghal na bagong reyna ng buong kaharian maliban kay Riva. Alam niya na sa puso niya ay mas nanaisin niya pang mamuhay ng normal sa mundo ng mga tao kesa ang maging reyna ng kaharian na hindi naman niya ninais pamunuan. Alam niya na sa oras na mapasa na sa kanya ang katungkulan ay wala na iyong bawian. Mananatili na siya doon at kahit kailan hindi na niya mababalikan pa si Logan. "Dati modelo ka lang, ngayon reyna ka na. Ang swerte namin ni Luna kasi naging malapit kami sa'yo Riva," pagda drama ni Sinag habang inaayos ang buhok ng dalaga na siya nitong paboritong gawin. "Oo nga Riva, kahit alam namin na malungkot kasi hindi mo kasama si-" "Hoy, Luna yang bibig mo, kung ano na naman lumalabas diyan na hindi dapat!" putol ni Sinag sa sasabihin nito. Hangga't maaari ay ayaw sana nilang nalulungkot si Riva lalo na ngayong wala na sila sa mundo ng mga tao. "Pasensya na kayo sa'kin..." hinging-paumanhin ni Luna. Tinitigan nito ang dalaga ngunit nananatili itong walang kibo. Mayamaya pa ay may kumatok na sa pinto at ang sabi ay nakahanda na ang lahat. Kailangan ng lumabas ni Riva para magsimula na ang seremonyas. "Tara na Sinag at Luna, samahan ni'yo ako sa labas!" yakag niya sa dalawa. Sumama naman kaagad sa kanya ang dalawang butihing kaibigan. Agad na sinalubong ng masigabong palakpakan ang dalaga pagkalabas pa lamang niya sa malawak na bulwagan kung saan natipon lahat ng dumalo sa selebrasyon na iyon. Nakangiting sinalubong siya ng Inang Diwata. Bakas sa mukha nito ang saya sa pagpapasa nito ng korona. Pinaupo siya nito sa tronong napapalibutan ng ginto at nagkikislapang mga diyamante. "Sa wakas ay narito ka na ngang talaga Riva. Magpugay para sa ating bagong reyna!!!" malakas na sigaw ni Inang Diwata ng mailapat nito ang korona sa dalaga. Lahat ay nagsigawan nang iharap siya ng inang diwata sa mga bisita na naroon. Lahat ay nagbigay ng magagandang mensahe at pagbati. Ngunit ngiti at tango lang ang isinagot ng dalaga sa mga ito. "Ngayon na ikaw na ang reyna sa ating kaharian, oras na para maghanap ka ng mapapangasawa mo para may katuwang ka sa pangangalaga sa iyong nasasakupan."  "Ngunit inang diwata, pumayag na akong akuin ang pamumuno rito. Hindi ko na kailangan ng asawa para may makatuwang. Pangangalagaan ko ang nasasakupan ko ng hindi nangangailangan ng kabiyak." Malakas niyang tutol. Hindi niya pinangarap na makapag-asawa ng kalahi niya dahil may iba siyang gusto. Alam rin niyang si Dagohoy lang din ang irereto nito sa kanya. "Mahal na reyna, mas maganda na mayroon kang kabiyak na siyang magpapalakas ng mga kawal na siyang magtatanggol sa atin kung sakali mang magkaron ng panganib o digmaan." Anang inang diwata. "Inang Diwata, pumayag akong maging reyna at talikuran ang lalaking mahal ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay pwede ni'yo na akong diktahan sa mga dapat kung gawing hakbang sa personal kung buhay. Hindi ako maghahanap ng kabiyak kung 'yan ang nais mo ay ikinalulungkot kong ipaalam sa'yo na hindi ako mag aasawa lalo na at hindi ko siya mahal. Sana ay magawa mong irespeto ang desisyon ko lalo na at usaping puso ang tinatalakay natin." Mariing tutol niya dito bago ito iniwanan upang makihalubilo sa mga panauhin. Samantala palihim naman na nag-uusap sina Sinag at Luna habang nasa isang sulok at nakatitig kay Riva. "Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya. Namimiss niya na siguro si Logan," wika ni Luna sa kasama. "Ako nga rin may namimiss din eh," malungkot na sagot ni Sinag. "Ha? Ano? Sino?" nakapameywang na tanong ni Luna dito. "Strawberrieeeeeeeeessssssssss! Kahit sa panaginip ko nasa isip ko sila Luna. Tagal na nating di nakakakain no'n!" "Wala tayong magagawa, walang strawberry dito. Matagal nang ipinagbawal ng inang diwata ang pagkakaroon ng prutas galing sa mundo ng mga mortal." "Kung makakapunta lang sana tayo sa kabilang mundo. Sa farm ni Logan marami siyang tanim..." "Sira ka ba, gusto mo bang maparusahan ni Inang Diwata kapag nalaman niyang umalis tayo dito?" "Di huwag nating ipapaalam, aminin mo, miss mo na rin kumain no'n hindi ba?" "Oo naman, miss ko rin pero ano'ng magagawa natin?" "Tara punta tayo kila Logan!" nangingislap ang mga matang aya ni Sinag kay Luna. "Sira ka ba? Gusto mo bang maparusahan tayo pag nahuli tayo. Mahigpit ng pinagbabawal ng lumabas dito!" takot na sansala ni Luna. "Hindi nga tayo magpapahuli, mag-iingat tayo!" "Sinag, gusto mo bang mapahamak?" "Bakit naman tayo mapapahamak? Tingnan mo si Riva at si Inang Diwata, parehas silang abala. Tingin mo ba mapapansin nila na mawawala tayo? Sasaglit lang tayo dun..Kakain lang tayo tapos uuwi na din.." "Paano pag nahuli tayo?" nag-aalangang anas ni Luna. "Ito naman puro ka huli eh! Aalis ako, sasama ka ba o hindi?" Bagamat nag aalangan si Luna ay sumama pa rin ito kay Sinag dahil maging siya ay hindi din makatanggi pag paboritong prutas na ang pinag uusapan. "Basta mabilis lang tayo ha!" paniniyak ni Luna sa kasama bago sila nagmadaling lumipad patungo sa talon kung saan naroon ang sagrado ngunit mahiwagang lagusan. Isang lagusang nagdudugtong sa mahiwaga nilang mundo at sa mundo ng mga mortal. ******* Samantala malungkot naman na nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto niya si Logan. Miss na miss na niya si Riva at walang oras na hindi ito sumagi sa isip niya. Ang dalaga din ang dahilan kung bakit naroon siya sa farm sa pagbabaka sakaling bumalik ang dalaga at kasama nito ang dalawang lambana na paborito ang mga tanim niyang strawberry. "Naghihintay ka pa rin ba sa kanya hanggang sa ngayon?" untag ni Aling Cely sa binata. "Walang oras na hindi ko siya hinintay o inisip. Sana bumalik na siya sa akin, Aling Cely." "Alam mo hijo..Kung talagang kayong dalawa ni Riva ang para sa isa't isa. Magkaroon man ng napakadaming balakid ay magiging kayo pa rin bandang huli. Dahil mas makapangyarihan ang Diyos sa kahit na sinong nilalang dito sa lupa." "Hindi ko na po alam kung maniniwala pa ako sa kasabihang 'yan, Aling Cely. Nawawalan na po ako ng pag-asa." "Ang pusong nagmamahal ay hindi napapagod at nawawalan ng pag-asa." Wika ng matanda. Pailing-iling pa ito nang iwan siya. "Bumalik ka na sa akin Riva, please lang kailangan kita.." malungkot na wika ng binata habang nakatingin sa mga pananim niya ng bigla siyang may mapansin na kakaiba. Tila may mga gumagalaw sa mga halaman niya at tila may kinukuha ang mga ito. Malakas ang kutob niya na ang dalawang lambana na matakaw sa strawberry ang mga iyon kaya naman nabuhayan ng loob ang binata. Mabilis siyang lumapit para hulihin ang dalawa at nabuhayan siya nang makita ang dalawa sa akto. "Aha! Sabi na nga ba eh!".Malakas na sigaw ng binata ng makita nito ang dalawang lambana na punong-puno pa ng prutas ang bibig. Si Sinag ay naglalagay pa ng prutas sa sisidlan nito habang kumakain. "L-logan?" takot na sambit ni Luna. Hindi nito inaasahan na naroon rin ang binata at ang masama pa ay nahuli sila. "Sabi na nga ba, kayo 'yan ni Sinag! Walang problema kung ubusin ni'yo lahat ng pananim ko. Si Riva kasama ni'yo ba? Nasaan siya? Riva! Riva!" malakas na sigaw ng binata habang palinga- linga sa buong paligid. "Wala siya rito, hindi namin siya kasama," amin ni Sinag. "Kung hindi ninyo siya kasama, nasaan siya?" takang tanong ni Logan. "Kinoronahan na siya bilang reyna sa aming kaharian.  At hindi na siya makakatawid pa rito dahil may obligasyon na siya na dapat pagtuunan ng pansin." "Reyna? kaya niya ba ako iniwan dahil magiging reyna na siya?" mapait na tanong ni Logan sa mga ito. "Hindi, may mas malalim na dahilan kaya kinailangang pumayag ni Riva na akuin ang trono." Ani Luna. "Alam ng nanay mo ang dahilan ng pagpayag ni Riva," sabad ni Sinag. "Alam ni mommy?"  "Tumahimik ka nga Sinag, ang daldal mo na naman!" saway ni Luna sa mga sasabihin pa sana nito. "Gusto pa sana naming makipagkwentuhan pero kailangan na naming umalis baka mapansin kami ni Riva na nawawala. Hanggang sa muli" nagmamadaling wika ni Sinag. Hinila na nito si Luna at parehas na lumipad ang mga ito hanggang sa mawala sa paningin niya ang dalawa. "Sandali lang, may itatanong pa ako sa inyo!" pigil niya ngunit hindi na bumalik ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD