Pagkatapos nilang manatili ng isang buong araw na magkasama ay agad na inihatid ni Logan ang dalaga sa inuupahan nitong apartment. Nakabuo na ng plano ang binata na magpupursige na ito sa panliligaw sa dalaga lalo pa at nadarama niya na may pagmamahal din sa kanya ang dalaga.
"Susunduin kita bukas ha?" nakangiting wika ng binata ng inihatid nito ang dalaga hanggang sa pintuan ng bahay nito.
"Sige..." nakangiting sang-ayon ng dalaga habang hawak ang kamay nito.
"Mamimiss kita, Riva, kung pwede nga lang na hindi na ako umalis sa tabi mo e ginawa ko na. Kaso hindi naman pwede na dito ako matulog. Magagalit sila Sinag." anang binata sabay sulyap sa dalawang lambana na pawang seryoso. Sa loob ng date nila ay hindi sila ginambala ng mga ito. Alam ng dalawang lambana na importante kay Riva ang date na iyon.
"Himala hindi kayo nag-aaway na dalawa ngayon, ang seryoso ni'yo naman yata?" pabirong ani ng binata sa tatlo.
"Nagtatampo kasi sila sakin kasi nakalimutan kong bilhan ng strawberry ang dalawang 'yan..." maagap na sagot ng dakaga sa binata.
"Really? Sorry nakalimutan ko rin, peace tayo ha! Hayaan n'yo bukas pagsundo ko kay Riva magdadala ako ng madaming strawberry para hindi na kayo malungkot na dalawa. Ngiti na!" masiglang sabi ni Logan sa dalawang ngunit isang pilit na ngiti lang ang itinugon ng mga ito sa kanya.
"May problema ba?" usisa muli ng binata. Kakaiba talaga ang dalawang lambana at ramdam iyon ng binata.
"Wala naman Logan, huwag mo ng pansinin sina Luna at Sinag dahil ganyan talaga ang dalawang 'yan," masiglang sambot ni Riva bago nito hinila ang binata papunta sa kotse nito.
"Gabi na, maaga pa ang pasok mo bukas..." anang dalaga habang nakatitig sa binata.
"Yes, Ma'am! Magpahinga ka na rin ha! Huwag kang magpupuyat, mahal kita kaya huwag kang mag-alala dito sa puso ko ay nag iisa ka lang!"
"Aysus! nambola ka na naman..."
"Hindi naman pambobola 'yun. When I said I love you, I mean it Riva. At ipapakita ko 'yun sa'yo hanggang sa ikaw mismo ang magpatunay kung gaano ka genuine ang nararamdaman ko para sa'yo!"
"Salamat Logan..." anang dalaga na pilit pinapakalma ang sarili dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha nito.
"No. Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. You bring out the best in me Riva. And whoever I am today, it's all because of you. And I can't wait to spend the rest of my life with you, if God permits."
Dahil sa narinig mula sa binata ay hindi na napigilan ni Riva ang paglaglag ng mga butil ng luha kaya naman agad itong pinunasan ng binata.
"Hey, huwag ka ng umiyak..." masuyong wika ng binata ngunit lalo lamang napahagulhol ang dalaga.
Mahigpit nitong niyakap ang binata at tila ayaw ng kumawala ngunit kailangan.
"Ayaw mo ba akong umuwi? Gusto mo ba dito na lang ako matulog?" nakangiting alok ng binata kaya naman agad itong binitawan ng dalaga.
"Ikaw kasi pinapaiyak mo ako eh.."
"Sshhh...Stop crying okay?"
"Okay.."
"Sige na uuwi na ako, see you tomorrow.." nakangiting wika ng binata sabay ng pagbukas nito ng pintuan ng sasakyan at agad na binuhay ay makina.
Ngunit bago niya pa napaandar ang sasakyan ay bigla siyang tinawag ng dalaga. Agad na napalingon ang binata upang salubungin siya ng mga halik ni Riva. He close his eyes when he felt Riva's lips landed on his. Ilang segunda lang 'yun but he felt really happy.
Mag- iingat ka sa pagda-drive. Saka ingatan mo rin palagi mama mo. Huwag papalipas ng gutom okay? At kahit anong mangyari dapat lagi ka paring positive at dapat hindi mawawala 'yang mga ngiti mong iyan" bilin ng dalaga bago ito tumakbo papasok sa bahay nito habang humahagulhol ng iyak.
"Oo naman Riva, hindi mawawala ang ngiti ko dahil alam kong andiyan ka lang. Dahil ikaw ang dahilan ng bawat tuwa at saya na nararamdaman ko kaya makakaasa ka!" Malakas na sigaw ng binata sa dalaga bago nito tuluyang isara ang pintuan. He has no idea that Riva is bound to leave that time.
Tapos na ang lahat. Iyon na ang huling beses na makakasama niya ang binata. Sapagkat sa ilang saglit lamang ay susunduin na siya ni Dagohoy pabalik sa kanilang kaharian.
Agad siyang nilapitan nina Sinag at Luna at nagtulong tulungan ito para aluin siya. Alam ng dalawang lambana na mabigat sa loob niya ang gagawing pag alis ngunit wala itong magagawa.
"Tara na Riva.." mahinang sabi ni Luna nang makita nito si Dagohoy na unti-unting lumalapit sa kanila.
"Pinadala ako dito ni Inang Diwata para sunduin ka. Hinihintay na niya ang iyong pagdating!" nakangiting ani Dahohoy bago nito inilahad ang kamay para alalayan siya sa paglalakad.
Tahimik na sumama ang dalaga maging sina Sinag at Luna at sa isang kumpas lang ni Dagohoy ay agad silang naglaho sa lugar na iyon.
*****
Samantala ramdam naman ni Logan na parang may mali sa ikinikilos ng tatlo. Tila may problema ang mga ito at ayaw lang magsabi dahil nahihiya sa kanya.
"Ano kayang nangyari sa mga iyon?" usal ng binata habang nagmamaneho.
Napapaisip siya at nahihiwagaan lalo na nang makita ang lungkot sa mga mata nila Sinag at sa mga kilos ni Riva na tila ba nagpapaalam.
'Nagpapaalam?!'
"No, no, no!" Malakas na sigaw ng binata bago ito nagmaniobra pabalik sa bahay ng dalaga. Gusto niyang makasiguro na mali ang kutob niya at kasehadong magalit ito ay doon siya matutulog. Iba ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Alam niyang may mali at hindi tama.
"Hindi mo ako pwedeng iwanan, Riva. Not this time, not ever!" anang binata kasabay ng pagpaharurot ng sasakyan nito pabalik kay Riva.
***
Riva!!!" malakas na sigaw ng binata habang pababa ito ng kotse at agad na tumakbo papalapit sa bahay ng dalaga.
"Riva, nasaan ka? Pwede ba kitang makita ulit?" malakas na sigaw ng binata ngunit nananatiling walang tugon dito kaya naman lalo siyang kinabahan.
Dahil sa malakas na kutob ng binata ay agad nitong binuksan ng sapilitan ang pintuan ng inuupahan ng dalaga ngunit ang sumalubong lang sa kanya ay mga alikabok at sapot ng gagamba. Parang walang nakatira sa lugar na iyon. Ni katiting ay walang bakas ng tatlo ang bahay na iyon.
"Amang, ano hong kailangan ni'yo? Interesado ba kayong rerentahan itong bahay?" anang matandang babae na nakatira sa gilid ng bahay ng dalaga.
"Asan na po ang nakatira dito? Gusto ko lang po sana silang makausap" tugon niya.
"Ha? Baka nagkakamali ka, amang! Walang nakatira diyan ng ilang buwan na ang nakakaraan!"
"Imposible! Kakahatid ko lang kay Riva dito!" pagalit na sagot ng binata sa matanda.
"Baka lasing ka amang, mas mabuti pang umuwi ka na lang. Walang nakatira riyan. Kita mo 'yang sign na For rent?" anito sabay turo sa karatula sa labas ng bahay.
Nanlulumo ang binata na napaupo na lamang sa sahig habang hawak hawak ang malagong buhok nito.
Hindi nga siya nagkamali. May problema nga. Ngunit sa pag alis ng mga ito, saan niya hahagilapin ang tatlo at bakit ito umalis ng basta-basta.