TIME TO BID GOODBYE

1256 Words
Nagawa nang maikubli ng dalaga sina Sinag, Luna at Yumi nang pagbuksan nila ng pinto si Leona na takang taka sa mga nangyari. Pinatulog niya rin si Logan ng isang saglit para makapagpahinga ito at hindi maguluhan ng husto pagkagising.  Agad na hinanap ni Leona si Yumi at batid ng dalaga na magtataka ito kung bakit biglang naglaho ang dalaga kaya mas ninais niyang magtapat sa ginang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Halos hindi makapaniwala ang ginang sa nalaman pero napatunayan iyon ng dalaga lalo na ng ipakita niya ang tatlong lambana. "Okay! Now, you're telling me that you're an enchantress! And these two pixies are your guardians, and Yumi is trying to invade our world? Did I get it correctly?" manghang wika ng ginang. She nodded with a shy smile painted on her lips. "Pasensya na po kayo Tita Leona, pangako po na hindi na ito mauulit. Sa pagbabalik ko sa kabilang mundo ay titiyakin kong wala ng lambana ang gagaya kay Yumi na pupunta rito at gagambalain kayo." Aniya. "Babalik? What do you mean by that? Iiwan mo kami ng anak ko?" napamulagat na tanong nito. Biglang lumungkot ang aura ng ginang nang mapagtanto nito ang nakatakdang mangyari. "Nakipagkasundo ako kay Inang Diwata na babalik ako sa amin kapag binigyan niya ako ng bulaklak ng nekosyana na tanging lunas sa pagkaakit ng mga lalaki kay Yumi, lalong lalo na si Logan. At mayroon na lang akong isang linggo para manatili dito para makasama kayo..." amin niya. "Ibig mo bang sabihin hindi ka na naman makikita ng anak ko?" Tila nalulungkot na wika ng ginang sabay sulyap sa natutulog na anak. "Pasensya na po, Tita Leona. Pero ganun na nga ho ang mangyayari, ipapasa na kasi sa akin ang pamumuno roon at hindi ko na mababawi ang aming kasunduan..." "Oh, Riva! I can't believe I am hearing this from you. I know hindi matatanggap ni Logan ang pag alis mo. Hindi siya papayag dahil alam kong mahal ka ng anak ko sa sandaling panahon na nagkasama kayo. He changes his ways as soon as he laid his eyes on you at alam kong hindi siya papayag na mawala ka!" "Kaya ko po sinasabi sainyo ang lahat ng 'to para alam niyo po. At sana hindi malaman ni Logan ang araw ng pag alis ko. Gusto ko siyang sumaya hanggang andito pa ako sa inyong mundo." malumanay na ani ng dalaga habang pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Ayaw niya rin sanang malayo sa binata dahil nahuhulog na rin ang loob niya rito ngunit wala siyang choice. "Para na kitang anak Riva. Ang sakit naman ng mga sinabi mo na iiwan mo na kami ng anak ko..." Naiiyak na wika ng ginang. "Palagi ko pa rin kayong gagabayan tita, huwag po kayong mag alala.." anang dalaga habang mahigpit na niyayakap ang lumuluhang ginang. Maging si Sinag at Luna ay napaiyak na din sa eksenang nasaksihan at tanging si Yumi lang ang may kasalanan ng lahat. Ito ang dapat nilang sisihin kung bakit naipit sa sitwasyon si Riva. Kung hindi ito umeksena ay hindi sana sila magkakaproblema. "Kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka ambisyosa hindi kakailanganin ni Riva ng bulaklak at hindi siya makikipagkasundo kay Inang Diwata!" Paninisi ni Luna kay Yumi na noon ay nagpupumilit pa ring makawala. "Wala akong pakialam sainyo, palabasin niyo ako rito!" asik ni Yumi ngunit kahit anong gawin nito ay malabo itong makalaya mula sa bula. "Tita, may hihilingin po sana ako kung pwede?" nahihiya man ay sinabi pa rin ng dalaga ang nais niya. "Ano iyon, hija?" "Gusto ko sanang makasama si Logan, kahit sa huling araw ko rito..." "Kung iyon ang gusto mo, hija, hindi kita pipigilan. Batid kong ikakatuwa 'yun ng anak ko..." pagpayag nito. "Salamat po, tita..." Naputol ang pag-uusap nila ng biglang kumatok si Faith dahil may kailangan daw ito kay Leona. Agad namang pinaunlakan ng ginang ang sekretarya at agad itong lumabas. Ginising ng dalaga ang binata para ayusin ang sarili nito. They all back to normal as if nothing happened. Riva did some magic na mabura sa alaala ng mga ito si Yumi so they could continue their lives without asking who and where is Yumi is. "Ano ba 'yan, oras ng trabaho tutulog-tulog. Porke ba anak ng may ari ng VFI?" tukso ng dalaga sa binata na tila walang nangyari. "Nakatulog ako?!" mulagat na tanong ng binata habang pupungas-pungas. "Opo, kaya gising na diyan at magtrabaho na tayo.." nakangiting sagot ng dalaga sabay halik sa pisngi ng binata. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng opisina ng binata ng walang lingon likod. Ayaw niyang makita nito ang tuluyang pagbagsak ng mga luha niya dahil sa sakit na nararamdaman. Samantala,  naiwan naman ang binata na ngiting-ngiti habang sapo ang pisngi kung saan siya hinalikan ng babaeng nais niyang maging kabiyak ng kanyang puso. Ayos pala ang makatulog sa opisina dahil may kiss kang matatanggap pagkagising. Sa ilang araw na pananatili ng dalaga sa mundo ng mga tao ay naging maalaga at sweet ito kay Logan. Pinaramdam ng dalaga na mahalaga ang binata sa kanya at mahal niya ito kahit hindi niya iyon tuwirang nasabi sa binata. Ayaw niyang bigyan ito ng salitang hindi niya makakayang panindigan. Her time is running out. Makikita ang pagiging masigla ni Logan sa lahat ng oras lalo kapag masama ang dalaga. Bagay na ikinalulungkot ng ina nito sapagkat iiwanan din ito ni Riva. Ilang araw na lang ang nalalabi sa dalaga upang makapiling ang anak. Her heart aches for her son, but she couldn't do anything to escape the pain. **** Sa tulong rin ni Leona ay nakapagsagawa sila ng date ng binata na silang dalawa lang. Sabay silang namasyal sa isang beach resort na malayo sa Maynila. Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata ni Logan habang hawak ang kamay ng dalaga. Naglalakad sila sa tabing dagat at hinahayaang halikan ng alon ang kanilang mga paa. Logan moved closer and tried to hold her hand, surprisingly, Riva didn't bother to stop him as if she wants it too. "Riva?" "Hmmmm?" "Thank you for this wonderful day. It's worth remembering! I admit ,before I met you marami akong naging girlfriend. Siraulo ako noon Riva, wala akong pakialam sa mga babae. But then, you came into my life. You've change everything. Simula ng maramdaman kong iba ka sa ibang babae, nasabi ko sa sarili ko na I have already found the missing piece of my life. From that moment I realized that I needed you more than anything in this world." Kumpisal nito. "Logan..." nahihirapang bigkas ng dalaga. "I know,  mahirap paniwalaan lalo na sa kagaya ko. But if you'll give me a chance. I will prove it to you. That I am worthy with your love..." pagsusumamo ng binata habang nakaharap na sa dalaga at hawak ang magkabilang pisngi nito. "Magkaiba tayo ng mundo Lo-" "The hell I care! All I want is you! I need you and I don't care kung engkantada ka man o witch o kahit na ano pang klaseng nilalang ka. All I know is mahal kita Riva! Mahal na mahal..." nagsusumamong wika nito. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ng dalaga nang marinig iyon mula sa binata. Alam niyang napamahal na rin siya sa binata ngunit makakaya niya kayang takasan ang itinakda ng kapalaran sa kanya? "Mahal din kita Logan... Pero hindi tayo kailanman pwedeng magsama."  Ipinikit niya ang mga mata habang yakap ng mahigpit ang binata. Mga salitang hindi niya kayang maisatinig upang hindi masaktan ng husto ang binatang iniibig niya,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD