BATTLE BETWEEN YUMI AND RIVA

1694 Words
"Bibigyan ni'yo po ba ako ng sapat na kakailanganin kung bulaklak kapag pumayag ako sa kondisyon mo, Inang Diwata?" tanong niya matapos ang ilang minutong pag-iisip. Sa tingin niya wala na talaga siyang magagawa kung hindi kagatin ang ideya nito na bumalik siya. Ang importante sa kanya ngayon ay mapagaling ang mga ito lalo na si Logan. "Oo, Riva, lahat ng kakailanganin mo ay ibibigay ko. Basta pumayag ka lang sa kondisyon ko." sagot ng reyna. Gumuhit ang ngiti sa labi nito at umaliwalas ang mukha. Tanda na nagtagumpay ito sa nais nitong pabalikin siya. "Kung gayon ay payag na ho ako sa gusto ni'yo!" sagot ng dalaga habang nakatitig kay Luna na biglang nalungkot sa desisyon niya. Mukhang wala ng ibang paraan ang dalaga na naisip para magamot sina Sinag at Logan. "Kung gayo'y makakakuha ka na ng bulaklak na kakailanganin mo..." nakangiting sagot nito at agad na nagbigay daan sa dalaga.  Mabilis pa sa alas kwatro na namitas ang dalaga ng nekosyana. Dinamihan niya na para lahat ay magamot niya at mapagbayad ang lapastangang lambana na si Yumi. Maging si Sinag ay pinakawalan na rin niya at nagawa na nitong malanghap ang mahiwagang bulaklak na siyang nakapagpabalik sa katinuan nito. Labis pa itong nagulat na nasa kaharian na sila ng dalaga.  Matiyaga namang ipinaliwanag ni Luna ang lahat sa kaibigan at agad itong humingi ng tawad sa dalaga ng mabalitaan nitong nasigawan nito si Riva. Nang makalikom ng sapat na bulaklak na kakailanganin ang dalaga ay agad siyang nagpaalam sa reyna para bumalik sa kabilang mundo. Upang agad na mapuntahan si Logan na noon ay nanatiling tulala at hinahanap pa rin si Yumi. "Sana ay makabalik ka rito agad. Kapag gumaling na sila, hihintayin kita rito..." wika ng Inang Diwata sa apo ng nagsimula na itong maglakad papalayo. "Pwede ho bang makahingi ng kahit isang linggo para makasama ko pa sila?" hiling pakiusap ng dalaga sa matanda. Kahit nalungkot ito ay nagawa pa ring pumayag sakagustuhan ng dalaga. "Basta babalik ka rito. Ipapasundo kita kay Dagohoy." Paninigurado nito sa kanya. "Huwag ho kayong mag alala, tutupad po ako sa napagkasunduan. Mayroon ho akong isang salita," wika niya rito habang pilit ang mga ngiti sa labi bago ito tuluyang lumayo sa matanda. ******** "Kailan ka babalik dito, prinsesa Riva?" usisa ni Dagohoy habang inihahatid sila nito sa bulwagan. "Nanghingi ako ng isang linggong palugit kay Inang Diwata at pinagbigyan naman niya ako." Sagot niya. "Kung gayon ay kunti na lang pala ang ipaghihintay ko at makikita na kitang muli rito." Nakangiti nitong sambit.Alam niyang may pagtatangi sa kanya si Dagohoy simula pa noon ngunit wala siyang gusto rito. "Aalis na kami Dagohoy, marami pa akong gagawin." Pag-iwas niya sa sinabi nito. Alam niyang nagpapahaging na naman ito sa nararamdaman at hindi siya komportable roon. "Sige, mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay!" matamis ang ngiti na sagot ni Dagohoy sa dalaga bago ito tuluyang nawala sa harapan niya. ****** Pagkarating nila sa bahay ay agad na naligo ang dalaga at gumayak para pumunta sa VFI. Nais niya na sa pagbabalik ng kamalayan ni Logan ay makita siya nitong napakaganda at kaakit-akit, kahit na sa huli man lang na sandali. "Oy, nagpapaganda siya....". ukso sa kanya ni Luna habang pinapanood siya nito na nag-aayos. "Huwag ka ng magpaganda Riva, kasi para sa amin ikaw ang pinakamaganda at wala na sa'yong hihigit pa.." sabat ni Sinag. "Weehh, nagsalita ang isa riyan na halos humalik sa puwet ni Yumi noon-" "Tumahimik ka nga Luna, huwag mo ngang pinapaalala sa akin ang nakakahiyang pangyayari na iyon sa buhay ko. Hindi ko sukat akalaing mabibiktima ako ng bwisit na Yuming 'yon!" gigil na sagot ni Sinag. "Tumigil nga kayong dalawa sa pagtatalo! Ang mabuti pa ay ayusan na ninyo ako para makapunta na tayo sa opisina." Saway niya sa dalawa. "Sige, gusto ko kulot ang buhok mo Riva!" mabilis na sabi ni Sinag sa dalaga na agad namang sinansala ni Luna. "Straight dapat mas maganda. Parang model ng shampoo!" "Hay naku, heto na naman tayo. Welcome to reality..." naiiling na lang si Riva kasabay ng pag ikot ng eyeballs dahil sa kakulitan ng dalawang lambana na kahit kailan ata hindi magkakasundo lalo na sa ayos ng buhok niya. It was an endless debate on which hairstyle suits her best. Hinayaan niya na lang ang dalawa at agad na tumayo at siya na mismo ang nag ayos ng sarili.  Nagpatiuna na siyang lumabas ng bahay habang nagtatalo pa rin ang dalawa habang nakasunod sa kanya. Maingat na nakalagay sa basket ang bulaklak ng nekosyana habang naglalakad papasok sa loob ng kumpanya ang dalaga. Dahil sa kakaibang bangong taglay nito ay lahat ng mga nakaamoy noon ay talagang napatingin sa kanya. Maging ang mga lalaking nakalanghap niyon ay nagbalik na din sa huwisyo at labis iyong ikinatuwa ng dalaga.  Maging si Sinag at Luna ay tumulong na rin sa paglalagay ng mga bulaklak sa iba't ibang bahagi ng building at hindi iyon nalingid kay Yumi na nalanghap din ang bango ng bulaklak. "Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Yumi kay Riva nang makita nito ang dalaga na dala-dala ang mga bulaklak. "Sino ka para sirain ang pinaghirapan kong mahika sa mga taong 'yan?!" "Bakit ka naman nagagalit, Yumi, ang ganda ng mga bulaklak hindi ba? At napakabango pa, tingnan mo sila ang saya nilang malanghap ang amoy nito. Hindi ka ba magpapasalamat man lang  sa akin?" patuyang sagot niya rito. "Walanghiya ka! Bakit hindi ka na lang nanatili sa kabilang mundo at nang matahimik na kami rito!" gigil na sagot nito sa kanya. "Maayos na kami rito tapos bigla kang susulpot para manggulo at sirain lahat ng plano ko!" "Bakit ko naman 'yun gagawin Yumi kung alam kong nandito ka at gumagawa ng kabalbalan, tingin mo ba hahayaan kita sa gusto mong mangyari?" tanong niya habang humahakbang palapit rito. "Wala ka ng magagawa pa Riva, dahil akin na silang lahat!" panlilinlang nito. "Of course meron, nasaan si Logan gusto ko rin sa kanyang ipaamoy ang bulaklak na ito!" "Hindi ko sa'yo ibibigay si Logan!" matigas na sagot nito sabay takbo papalapit sa opisina ng binata at mabilis itong isinara. Alam niya na naroon si Logan kaya doon nagpunta si Yumi balak yata nitong ilayo si Logan at protektahan para hindi ito makalanghap ng mahiwagang bulaklak. Iyon nga lamang ay hindi siya papayag sa gusto nito. "Buksan mo 'to, Yumi.." aniya habang kinakatok ang pintuan ng opisina ni Logan. "Hindi!" malakas na sigaw ni Yumi sa kanya. "Huwag mo akong hintayin na mapikon sa'yo ng husto, Yumi. Hindi ka na nakakatuwa!" babala niya rito. Nasa ganoon silang sitwasyon nang madatnan sila ni Leona. "Hija, what's going on here?" takang tanong ni Leona. "May gusto lang po akong ibigay kay Logan. Kaso isinara ni Yumi ang pinto" namumula sa galit na tugon ng dalaga habang pilit na binubuksan ang pinto. "Teka hija, kukunin ko ang duplicate key sa opisina.." anito.Gusto niya sanang gamitin iyon ng mahika ngunit napapalibutan na sila ng mga kaopisina at ayaw niyang makita ng mga ito na hindi siya ordinaryong nilalang. Pagkabalik ni Leona ay kaagad nilang binuksan ang pintuan. Tumambad sa kanyang harapan ang wala sa sariling si Logan habang yakap ni Yumi. Nakita niyang may ibinubulong ito sa tenga ng binata. "Layuan mo si Logan, Yumi!" mariing utos ng dalaga dito mgunit binalewala lang siya nito na parang walang narinig. "Bakit hindi mo na lang tanggapin na akin na ang mortal na 'to?" "Lalayuan mo ba si Logan o hindi?!" pagalit na sabi ng dalaga dito at mabilis na humakbang papalapit dito. Tamang-tama naman na pumasok sina Sinag at Luna kaya iniutos nito na isara ang pinto para walang makapasok dahil may gagawin siya. Inuubos mo talaga ang pasensya ko ha!" sigaw ng dalaga nang hablutin nito si Yumi at kaladkarin papalayo kay Logan na nakatingin lang sa kanila at wala pa rin sa sarili.  Agad na lumapit sina Sinag at Luna at ipinalanghap sa binata ang bulaklak ng nekosyana para bumalik na ito sa sariling katinuan. Samantala pilit namang nilalabanan ni Yumi ang kapangyarihan ng dalaga ngunit hindi nito mapantayan ang lakas at galing ng isang  prinsesa. "Oo, Yumi, magaling kang lambana. Makalpngyarihan kumpara kina Sinag at Luna. Pero sa sobrang galing mo. Nakalimutan mong isa ka pa ring lambana at ako? Ako pa rin ang prinsesa!"  Malakas na sigaw ni Riva kasabay ng pag usal ng mahika para ibalik sa pagiging lambana si Yumi at wala itong nagawa dahil sa lakas ng dalaga. Tuluyan niyang nagapi si Yumi sa isang iglap lang. "Ibalik mo ako sa pagiging tao, Riva! Pinaghirapan kong matutunan ang pagpapalit anyo kaya huwag mong tanggalin sa'kin 'yun!" galit na wika ni Yumi habang nagkakakawag para makawala sa dalaga ngunit kagaya ng ginawa niya kina Sinag pag pinaparusahan niya agad niya itong ikinulong sa mahiwagang bula na tanging siya lang ang makakapagpaalis dito. "Pakawalan mo ako Riva! Palabasin mo ako rito!" hiyaw ni Yumi. Ngunit si Riva naman ang nagbingi-bingihan. "Asa ka pang papalabasin ka ni Riva riyan! Kung kami nga ilang araw niyang kinukulong sa bula kapag may kasalanan kami. Ikaw pa kaya?! Huwag ka nang mangarap, Yumi! Tapos ka na ngayon!" pang aalaska ni Sinag dito. "Pakawalan mo ako rito Sinag, hindi ba gusto mo ako? Ikaw na ang pipiliin ko pakawalan mo lang ako rito..." panlilinlang nito ngunit hindi na nito maiisahan pa si Sinag na nagising na sa katotohanan. "Ginawa mo pa akong uto-uto! Hindi  mo na ako magogoyo! Manigas ka riyan!" singhal ni Sinag. "Tama na 'yan Sinag. Maawa ka naman sa kanya, pagbalik natin sa kabilang mundo paparusahan siya roon. Lalo na at si Riva na ang hahawak ng trono" saway ni Luna. "Huwag mo nang sayangin ang oras mo para sa lambanang mataas ang tingin sa sarili! Hmp!" Kinalinga ni Riva si Logan hanggang sa makabalik ito sa huwisyo. Nagulat pa ito nang mabungaran si Riva na yakap ang huli.  "What happened?" takang tanong nito. Wala itong ideya sa naganap kanina lamang. "Nothing happened. Actually, everything is good." Sagot niya sa binata. She hugged him as tight as she could. Ngayon na magaling na ito, nakatakda niya na ring iwan ang mundo ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD