NAGING pahinga ko at pagtakas sa lahat ang makasama si Jonah at Hiro sa school. Kung sa uwian galing school ang kapanatagan ko naman qay ang makapiling ang Nanay Conching na sobrang responsive at nagpapaka-tatag para sa aming lahat. Kung minsan dinadapuan ako ng kahinaan ng loob lalo na’t hindi lang isang problema sa kalusugan ang nakita kay Nanay Conching. Bukod sa problema sa puso pati sa lower left niyang baga ay makita maliit na bukol. We’re not losing hope and faith na magagawa ng matagumpay ng mga doktor na alisin ang problema sa katawan ni Nanay Conching. Sana makayanan din iyon ng Ginang. Sa tuwing malulugmok ako handang makipag-usap si Jonah at Hiro. Hiro made a group chat na kami lang tatlo ang kasali. He named it as Being real. Group chat daw iyon ng pagpapakatotoo. Late

