JENNIE'S POV. BIGLA na lang akong naipit sa isnag sitwasyon na mahirap gawan ng desisyon. Sitwasyon kung aalis ba ako o hindi? Lunes ng umaga ngayon at papasok na sana ako sa school, dala ko na rin ang ibang gamit naidadaan na muna namin sana sa unit na aking lilipatan. Pero naging emosyonal bigla si Nanay Conching, ng makita ang aking mga gamit at dahil doon nakaramdam ang Ginang ng paninikip ng dibdib. Nataranta ako at litong lito. Ayokong may mangyaring masama sa Ginang dahil mahal na mahal ko ito. Hindi naman basta simpleng paninikip ng dibdib ang nagyari. Nakita ko kung paano ito nahirapan ng sobra sobra. Dahilan para bumalong ang aking mga luha. Si Daddy Ninong halos talunin ang hagdan madaluhan lang kami sa baba. Gusto na namin agad na isugod sana sa hospital si Nanay kaso tum

