BALIK TANAW
“Mommy ko saan po ba talaga tayo pupunta ngayon?” tanong ng batang babae sa kanyang ubod ganda at seksing Ina.
“Shsss! Don't call me Mommy. Call me Ate or Tita. And ‘diba want mo na makita ang Daddy mo? So, eto na ihahatid kita sa kanya.” pang uuto naman ng babae sa bata na agad sumang-ayon at pumalakpak ng malaman na sa kanyang ama sila pupunta.
Naging mabait at tahimik ang bata sa mga sumunod na oras hanggang sa makarating na sila sa lugar kung saan nila kikitain ang Ama ng bata.
Sa isang Private restaurant pumasok ang mag Ina sa dulong bahagi naman ng restaurant naghihintay ang isang kagalang galang na lalaki. Napatayo naman ang lalaki ng matanaw ang babae at bata na palapit sa kanyang pwesto. Walang giliw na mababanaag sa mata ng lalaki ng tumingin ito sa babae at ng sa bata naman tila may awa at lungkot na dumaan sa mata nito.
“Kristah bakit kasama mo si Jen-Jen? Ang usapan ay mag uusap tayo about her. Why is she here?” bungad na tanong ng lalaki kay Kristah.
“For about 6 years ako lang ang nag-alaga sa kanya. Mula sinapupunan hanggang ilabas sa mundong ito. James it's about time na sa’yo naman siya—”
“No! Hindi pwede na sa akin s’ya! Magkakaanak na kami ng asawa ko at ayokong mag isip ang asawa ko ng hindi maganda dahil kay Jennie. Ikaw ang Ina kaya ikaw ang mag alaga. Wala namang problema sa pera. Pauulanan kita ng salapi, basta ‘wag mong ibigay sa akin ang bata.” Darasdas na sabi ni James kay Kristah dahilan para mahinto ang babae na magsalita.
Ang batang si Jennie naman ay panay ang lipat ng tingin sa kanyang mga magulang. Bakas sa mata ng bata ang lungkot at pagkalito. Hindi kasi umayon sa kanyang inaasahan ang nangyari. Buong akala ng limang taong gulang na si Jennie na halik at mahigpit na yakap ang sasalubong sa kanya mula sa sariling Ama na iilang beses palang na kapiling ng bata.
“What? How selfish are you? Masaya ka dahil may pamilya ka na. Paano naman ako? Gusto ko ring sumaya kaya sa’yo na si Jennie. Gumawa ka naman ng ambag sa buhay n’ya wag lang puro semilya. She need a father—”
“Shut up! Mas kailangan n’ya ng Ina na gagabay sa kanya. ‘Wag mo kasing unahin na lumandi!” galit na galit na sabi ni James sa babae.
“Ako pa talaga? Wow! Ikaw ang may asawa na. Ikaw ang nang iwan sa akin/ sa aming mag Ina. Ginawa mo kaming basahan James. I deserve to be loved too. Hindi lang ikaw.” Hindi patalo na tugon ng babae sa lalaki.
Walang kamalay malay ang dalawa na umalis na pala ang batang si Jennie. Mula ng matuto itong umunawa at magsalita laging sumbatan mula sa kanyang Ama't Ina ang naririnig nito mula sa dalawa na nauuwi sa sisihan at babagsak sa salitang kamalasan na patungkol sa batang na buo nila.
“Pagkakamali kayo ni Jennie sa buhay ko na kailangan kong alisin! Mali kayo sa buhay ko kaya nga iniwan ko kayo—”
Naputol ang pagsasalita ni James ng lumagapak sa kanyang mukha ang kanang palad ni Kristah.
“Kung ikaw pagkakamali ang tingin sa aming dalawa lalo ka na! Mas mali ka, wala kang bayag. Halika na Jennie aalis na tayo.” mariin at nagngangalit ang mga ngipin na sabi ni Kristah.
“J-jennie! James wala si Jennie nakita mo ba saan siya pumunta?” Tarantang tanong ni Kristah sa kaharap.
“Anong malay ko sa bata? Inuna mo pa kasi dumada!” Singhal ni James na hindi naman natinag sa kanyang pwesto.
Mula pa kanina may galit at matiim na mga mata ang nakatitig sa tatlong tao sa hindi kalayuan.
Ilang beses ng nasaksihan ng lalaki ang scenario na ito sa pagitan ng tatlo. Ang pagkaawa sa una ay nauwi sa pag-aalala at pag-aasam na alagaan ang batang kulang sa aruga at pagmamahal. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay lumapit ito sa dalawang tao na mas inuna pa ang magtalo at magsisihan kaysa hanapin ang kanilang nawawalang anak.
“Is there a problem here Kristah?” tanong ng lalaki na agad pumukaw sa atensyon ng dalawa.
Tila natulala si Kristah sa lalaking kaharap, ni sa hinagap hindi inaasahan ni Kristah na magtatagpo sila ng lalaki. Matagal ng panahon mula ng mawalan sila ng komunikasyon na mag pinsan. Fourth cousin o malayong kamag-anak na ito sa kanya na aminado niyang kinahumalingan n’ya rin noon dahil sa angking kagwapuhan.
“K-kuya H-hammer.” utal na sambit ni Kristah. Hindi lang sa pagkagulat kundi dahil na rin sa pamatay na tingin ni Hammer na pinupukol sa kanilang dalawa ni James.
“I said, Is there a problem here?” Muling ulit na tanong ni Hammer sa babae.
“Who the hell are you to ask and bump into our conversation?!” singhal ni James kay Hammer Eros Escalado na isa na numero uno na kalaban niya sa negosyo.
“You heard right? She called me Kuya, which means related kami sa isa’t isa. Her problem is my problem too.”
“Sawsawero! Sabagay lahi kayo ng sawsawan—!”
“Arghhh! F-f**k!” Mura ni James ng sapakin ni Hammer bago ito tumalikod at sumenyas kay Kristah.
Takot ang naramdaman ni Kristah sa ginawa ni Hammer alam niyang dalawang bagay lang ang kanyang kalalagyan. Maaaring ikabuti niya o ikasama ng malala.
Paglabas ni Hammer ng restaurant sinalubong siya ng kanyang personal driver tsaka itinuro ang kotse. Pagpasok ni Hammer sa back seat, hindi niya inaasahan na makailang ulit niyang mararamdaman ang damdamin na magtutulak sa kanya para maging isang instant Ama.
********************************
"Sorry to bother you Sir, but you have a board meeting to attend at 2pm. And that will start in 5 minutes from now." Para akong biglang nahimasmasan ng marinig ang boses ng long time all around right hand ko na si Ramir.
Si Ramir na nakakaalam halos lahat ng sikreto ko a buhay. Siya lang ang may alam ng ibang mga laban ko nakinahaharap ngayon.
Magpahanggang ngayon hindi ko sukat akalin na lampas isang dekada ko na palang kapiling sa aking buhay si Jennie.Si Jennie na nagdagdag kulay sa mundo ko.
Wala akong pinagsisisihan na kinuha ko siya mula sa kanyang mga magulang. Magulang na tanging sarili lang ang mahalaga. Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga encounter namin na tila sumasakal ng matindi sa aking puso bago umabot sa pagiging Ama ko sa kanya .
"Okay! Ramir can you please check on her. Baka maghintay na naman iyon at magtampo kapag na late ako sa usapan namin." wala sa sariling utos ko kay Ramir habang napapailing.
"I already did Sir, nauunawaan n'ya naman. But she told me na araw ng birthday n'ya 'wag daw po sana kayong late o mag alibi." tugon naman ni Ramir. Maaasahan talaga ang isang ito, sa huli sabay kaming natawa dahil sa pagiging istrikya ng anak-anakan ko.
Tumayo ako sa upuan at tsaka lumakad palabas ng aking opisina. Kasunod ko naman si Ramir, na dala na ang lahat ng kailangan ko para sa meeting.
Pagpasok ko palang sa loob ng meeting room, natahimik ang lahat. But on the left side of eye may tao akong nakita na isa sa kinasusuklaman ko.
The meeting goes well. Wala akong nabuomg desisyon dahil gusto kong pag-aralan ng maayos ang lahat. Halos nakalabas na ang lahat ng lumapit sa akin ang taong kanina ko pa gustong sipain palayo sa aking teritoryo.
"Mr. Escaldo nice to fúcking see you again. How my Unica Hija doing?" Hambog na sabi ni James na biological father ni Jennie.
"Mouth! one more stupid words at tutuluyan kitang maglaho sa business world." tamad na sagot ko sa lalaki.
"Harsh! 'di ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa akin 11 years ago. Just a piece of advice Hammer, sa mga oras ito mas kaya kitang pabagsakin, so better be kind to me. Pakisabi sa anak ko na tuloy kami sa Tagaytay—!"
"Hindi nangingilabot ang bubol ko sa bayag sa mga sinabi mo James. At 'wag mo rin akong gawing mensahero mo. Ikaw na ang rumekta sa anak mo. Nagawa ko ng maging Ama sa semilyang ipinutok mo at na buo, kaya naman sana lang magawa mong maging tao at patas sa kanya. Leave before, I kick you out." putol ko sa lalaki.
Kahit sino sa magulang ni Jennie wala akong gustong makausap. Lahat sila basura. Bumuo ng bata pero ayaw naman maging Ama't Ina.
"Pagsisisihan mo ito Hammer! Si Jennie ang magpapabagsak sa'yo. Siya ang malas na magiging bwenas sa akin!" Singhal ni James sabay tawa.
Ngumisi naman ako sa lalaki sabay turo sa pintuan. Hindi uubra sa akin ang style ni James. He can't mess me. Nang makaalis na si James ay lumapit si Ramir sa akin.
"Sir, do you want me to do some investigation about Jame?" tanong ni Ramir.
"Do want you think is right. I trust you more than my family. By the way, I need to go home. Alone Ramir. You can have an early out." tugon ko naman kay Ramir na agad tumango.
Sabay kaming umalis ng conference room at pumunta sa aking opisina. Sandali lang kami doon, at lumabas na rin para pumunta sa parking lot.
Pagtapat ko sa aking kotse, tipid akong napangisi ng makita ang isang box.
"Thanks Ramir!"
"Welcome Sir. Safe drive."
Sabay lumabas ng parking ng Escaldo Empire ang aming kotse. I'm excited to her. Tiyak marami na namang kwento ang little angle ko sa akin.