chapter 2

1706 Words
JENNIE'S POV. IBANG IBA ang pakiramdam ko sa tuwing gigising, aalis at uuwi sa bahay na ito. It feels like that I’ve really belong here. Na dito talaga ang lugar ko at wala ng iba. Masyado akong naging at home sa mansyon ng mga Escaldo. This is my home for about 10 years going 11 years. Hindi ko rin naman nakikita ang sarili ko na aalis sa lugar na ito. Para bang pagkaligaw ang magiging dulot sa akin kung aalis ako sa mansyon ni Daddy Ninong. At kung dumating man ang araw na talagang kailangan akong umalis sigurado akong sawing sawi ang puso ko na aalis sa lugar na ito na siyang bumuo sa pagkatao ko. “Nandyan ka na pala hija. Akala ko ay sabay kayo ng Daddy Ninong mo na uuwi.” bati ni Nanay Conching sa akin na mayor doma ng mansyon. Ang Ginang na lang ang natatanging kapamilya na tinanggap ni Daddy Ninong bukod sa akin. Sa gulang na seventy two, malakas at magiliw pa rin si Nanay Conching. Ngunit mahigpit ang bilin at pagbabawal ni Daddy Ninong na ‘wag na ‘wag itong magkikilos lalo’t lima naman ang kasambahay na kasama namin sa mansyon. Bukod pa roon ang mga backup services na ipinapatawag ni Daddy Ninong kung sakaling kailangan ng matinding linis ng buong kabahayan. “Magandang hapon po Nanay Conch. Busy pa po yata si DN, tumawag naman po sa akin si Kuya Ramir kanina. Dito na lang kami sa bahay magkikita.” sagot ko naman sa Ginang sabay yakap at mano. Ganito ako pinalaki ni DN( short for Daddy Ninong) at ni Nanay Conch( short for Conching) kailangan maging magalang at may respeto sa nakakatanda. Pero lagi nilang sinasabi na may limitasyon ang lahat. “Hay naku! Ang Daddy Ninong mo talaga, wala yatang pahinga ‘yan. At wala rin yatang plano na mag asawa.” iiling iling na sabi ni Nanay Conch. “Bata pa naman si DN Nanay, tsaka nandito naman ako. Kahit hindi siya mag asawa aalagaan ko siya at habang buhay mamahalin.” sagit ko sa Ginang na ngumiti muna sa akin. “Apo iba naman ‘yung love and care mo sa kanya. Iba pa rin na may asawa siya at magka-anak. Ikaw kasi sa tamang panahon aalis ka rin dahil matatagpuan mo ang panibagong lugar at mundo na para sa’yo. Kung sana nga lang ay matanda ka rin tulad ni Hammer, e’di sana kayo na lang ng DN mo ang magkatuluyan—ay santisima! Patawarin mo ako panginoon. Apo pasensya na, kung anu-ano ang nasasabi ko sa'yo. Paumanhin talaga sa mga sinasabi ko, matanda na ang Nanay Conch mo sar-sari na. Basta apo ‘yun na ‘yon. Maunawaan mo rin ang lahat kapag nasa tamang edad ka na. Kailangan lang talaga ni Hammer ng makakasama ng pang habang buhay as a partner. Ayoko na maiwan siyang mag isa.” mahabang sabi ni Nanay Conch na nauwi sa ibang takbo ng pagpapaliwanag. Aaminin ko, na ayoko sa isiping mag aasawa si DN. Gusto ko ako lang ang nasa tabi niya. Kaya ko rin naman siyang mahalin ng sobra-sobra. Okay din naman na bata pa ako, ibig sabihin mas capable akong alagaan si DN ng matagal na panahon. “Tama ka naman Nanay Conch kailangan niya ng makakasama habang buhay, kaya po hinding hindi ko siya iiwan.” tugon ko sa Ginang na tila naman balisa. “Okay ka lang po Nanay Conch?” tanong ko sa kanya na agad namang tumango. Inakay ko siya papunta ng sofa, at doon pinaupo. Dumating naman si Ate Malou na may dalang juice at sandwich bilang merienda ko at ni Nanay Conch. Agad na pinainom ko ang Ginang na unti-unting umayos na rin ang itsura. Kanina kasi parang tensyunada siya. Ilang mga basic na tanong ulit mula sa araw ko na ginugol sa school ang tanong ni Nanay Conch sa akin. “Wala pa rin? Pangit ba mga kaklase mo?” gulong gulo na tanong sa akin ni Nanat Conch, na tinawanan ko lang naman muna. “Marami pong gwapo pero ‘di ko sila type. Mas gusto ko po ang tulad ni DN. Matured tapos responsible.” sagot ko naman sa Ginang sabay kagat sa sandwich. Tila naman nagulat si Nanay Conch sa aking sagot kaya wala sa sariling lumagok ng juice ng sunod-sunod, dahilan para masamid ito. Hinagod ko ang kanyang likod at ng umayos na ito, nagpaalam agad na magpapahinga. Tinulungan ko pa siyang pumunta sa room niya bago ako pumanhik para ako naman ang magbihis. Minsan iba na talaga kumilos si Nanay Conch siguro dala na rin ng kanyang edad. Ang iba naman ay medyo weird din pero mas malala si Nanay Conch. Pagpasok sa loob ng aking kwarto agad na ilabas ko mula sa aking bag ang magazine na binili ko. Bagong labas iyon at ang cover na naman ay si DN Hammer na super hot kahit supladong suplado ang dating. Kung sabagay gano'n din naman siya sa personal, pero okay lang dahil sa akin hindi naman siya suplado makitungo. Inilapag ko muna ang magazine sa kama tsaka kumuha ng pamalit. Nagmamadali akong magbihis para makita na agad ang mga article about DN Hammer. Pabagsak akong humiga sa aking kama at inisa isa ang page kung sana may article tungkol sa kanya. I don't know what's happening to me? Pero kilig na kilig na ako sa mga detalyeng nababasa ko about him. Para bang isa akong tagahanga, kahit pa siya na ang nagpalaki sa akin. Ilang beses ko iyong pinasadahan, pero huminto ako ng marinig ang ingay ng kotse na bagong dating. “He’s here na!” Bulalas ko sabay bangon at takbo sa direksyon kung saan nandoon ang aking closet. Lingid sa kaalaman ng iba lalo na ni Daddy Ninong Hammer, ay my sikreto akong tinatago. Early this year nagsimula akong mahumaling sa mga magazine. Magazine na siya ang cover at topic. Pati mga lumipas na magazine ay meron ako, sa ngayon ang mga ‘yun ang tinuturing kong kayamanan. Mga kayamanan na hindi dapat matuklasan ng iba lalo na ni Daddy Ninong. “Welcome home! Samahan mo si Hammer ng iba’t ibang taon.” sabi ko habang inilalagay ang magazine sa hanay ng iba pang mga naunang magazine na binili ko. Nang masiguro ko na okay na ang lock ng vault na lihim kong binili ay nagmamadali akong lumabasng aking kwarto at bumaba ng hagdan. “Careful baby!” Dumadagundong na ani ni DN Hammer ng makita akong nagmamadaling bumaba ng hagdan. Kapag ganito akong umakto pakiramdam ko nagiging konsumisyon ako sa paningin ni Daddy Ninong. Nang nakababa na ako ng hagdan hinagis no Daddy Ninong ang kanyang leather bag na dala para abangan ang pagdamba ko sa kanya. Nang sa wakas ay makulong na ako sa bisig ni DN Hammer, pakiramdam ko mabubuhay ako ng pang habang panahon ng safe dahil sa presensya niya. “Ang kulit ng baby ko, paano kung mahulog ka sa hagdan? ‘wag mo ng uulitin ‘yun.” mahinang ani niya sa akin sabay halik sa aking ulo. “‘Wag ka ng magalit, tatanda ka niyan agad. Safe naman ako e, excited lang talaga akong makita at mayakap ka.” sagot ko sa lalaki, sabay lalong nag-sumiksik sa kanyang katawan. “Baby dalaga ka na, kaya umakto ka ng tama—” “Sa’yo lang naman ako ganito. Wala ng iba.” Putol ko sa kanya. “”Very good! Sa akin ka lang dapat ganito. Baka mabali ko ang leeg ng iba kapag naging ganito ka sa kanila.” Sagot naman ni Daddy Ninong sa seryosong tono kaya naman napa-hagikhik ako. Tuwang tuwa kasi ako sa tuwing nagiging possessive siya sa akin. Dahil sa dakilang pilya ako ay nagtanong pa ako sa lalaki na alam kong magpapainis sa kanya ng malala. “Bawal ba talaga? Paano kung boyfriend ko?” inosente kuno na tanong ko sa lalaki na agad na inilayo ako sa kanyang katawan. Singkit na singkit ang kanyang mga mata habang sinisipat ang aking mukha, kaya naman pinigilan ko ang matawa. “Is that a question, kung sakali o talagang may boyfriend ka na?”mas lalong sumingkit ang mata ni Hammer ng magtanong ito sa akin. Sa una natutuwa pa ako at nag-enjoy pero ng maramdaman ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa aking bewang na alarma na ako. “Ouch D-daddy!” Daing ko dahilan para mas lalong tumiim ang tingin niya sa akin. Ang kamay ko naman ay napapisil sa kanyang braso na tila nagpagising kay Hammer. “I'm sorry baby ko. Saan masakit?” Aligaga na tanong niya sa akin. Napanguso ako sa kanya sabay turo sa aking bewang. “Tell me. Is that a joke?” ani ng lalaki na tinanguan ko naman. Hinila ako ni DN Hammer sabay yakap ng mahigpit. “You're too young to have a boyfriend, baby ko. In a right time siguro papayag ako.” Bulong ng lalaki kaya naman lihim akong natawa. “Okay, kailan ba ang right time?” sagot at tanong ko, na nagpadiin ng yakap ng lalaki sa akin. “Bakit parang excited ka baby ko?” Masungit na tanong ni Daddy Ninong kaya natawa na ako. Tawa lang ako ng tawa, dahil doon nahalata niya na ang ginagawa ko. Binitawan niya ako at pinanood pero later on hinatak niya muli ako at kiniliti. Para kaming batang sabay na tumawa ng tumawa hanggang sa maghabulan na kaming dalawa. Sa sofa kami sabay na bumagsak ng makaramdam ng pagod. Kaingay man kaming dalawa pero walang lumabas o sumilip na kasambahay dahil sanay na sanay na sila sa amin ng Daddy Ninong Hammer ko. “Stay being my baby Jennie. Manatili ka lang sa tabi ko palagi baby ko.” Bulong ni Daddy Ninong sa akin, naramdaman ko pa ang paghabol niya ng kanyang hininga. “Yes Daddy Ninong… Yes, I will always be your baby Jennie. Dito lang din po ako palagi sa tabi mo. Hinding hindi tayo maghihiwalay at magkakalayo.” tugon ko sabay subsob sa kanyang dibdib habang humalik naman ito sa aking noo. Ito ang pag-aalaga at pahinga na tinamasa ko sa loob ng isang dekada sa piling ng aking Daddy Ninong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD