NANG dumating si Nanay Conching kanina sobrang saya ko. May sama man ako ng loob at may mga iniisip na hindi maganda ay masayang masaya pa rin akong makita ang Ginang. Pansin ko ang mga pagbabago sa kanya. Parang gusto ko na lang maniwala na nagkasakit nga ito. Mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya na tinugon din nito agad. Ang mga tao sa paligid namin alam ko na nais din siyang batiin. Nang umuwi ako kahapon galing sa school nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Daddy Ninong sa office pero ng naalala ko ang news ay pinili ko na lang umuwi kaysa mapahiya. Tiyak na wala ito doon sa opisina. Pagdating ko sa bahay parang lahat ng tao na naiwang kasama ko ay umiiwas kaya nagkulong na lang ako sa aking silid. Umaga na ako bumaba dahil gutom na gutom na ako at walang kain. Halos

