CHAPTER 26 Nandito parin ako sa clinic. Kumakain ako ng isang bucket ng french fries. Sila mishy at dale naman kasama yung dalawang chikiting, kasalukuyan silang nakasalampak sa carpet ng clinic at naglalaro ng UNO stacko. Ang magaling kong boss at si Doctora naman ay naglalaro ng cards sa isang tabi. Puro doodle na ang mukha ni Poseidon dahil wala siyang panama kay Doctora. Si PJ? Ayan. Wala parung malay. Nakaupo ako sa paanan niya habang hinihintay kung kelan siya magigising. Ang hina talaga nitong lalakeng to sa mga surprises. "PJ! Gumising ka na diyan!" Niyugyog ko pa siya. Pero hindi parin nagising. "PJ! Break na tayo!" Wala parin. Iningusan ko ang mga agents na natatawa lang sa akin. Nanggigigil na kinurot ko ang pisngi ni PJ. "Paris James Roqas! Manganganak na ko!" Napangi

