bc

BHO Series #2: His Secret Agent Bride To Be

book_age16+
3.1K
FOLLOW
8.0K
READ
spy/agent
possessive
one-night stand
friends to lovers
comedy
sweet
humorous
mystery
secrets
sassy
like
intro-logo
Blurb

"Kahit na minsan hindi natin nakikita, kahit madalas ay itinatanggi natin. Sooner or later, malalaman din natin ang totoo. 'Cause our hearts will never lie."

Katerina Von is a perfect woman in any man's dreams. Kayang-kaya niyang paikutin ang kahit na sinong lalaki sa kanyang mga kamay. Ngunit sa kamalas-malasan, ang nag-iisang lalaking pinagtuunan niya ng pansin ay best friend lang ang tingin sa kanya-Paris James Roqas, her coworker and her best friend.

Ngunit kung kailan tanggap na niya na imposibleng mahalin din siya ng lalaki, ang mapaglarong tadhana ay binigyan siya ng malaking pag-asa. Because one morning, she woke up sharing the same bed with Paris James Roqas!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 KATERINA'S POV Pakiramdam ko tinatalunan ng dalawang dosenang bata ang ulo ko. Hindi din nakakatulong na animo dito sa kwarto ko napili ni Haring Araw na ibigay lahat ng sinag niya. It made me want to rip my eyes out of its sockets. Hindi ko matandaan kung anong ginawa ko kagabi. I can't think. Right now, gusto ko lang na huntingin si Haring Araw at paalisin sa trono niya. Napatigil ako sa pagsisimyento ko ng may maramdaman akong mainit na bagay na pumalibot sa bewang ko. Matigas at mainit na bagay. I'm not stupid not to realize what is it. Depende na lang kung pinasok ng ahas ang kwarto ko at siyang nakapalibot sa akin ngayon. No, hindi din pwede iyon. Cold blooded ang mga snakes. Relax, Kat. Alalahanin mo muna ang lahat ng nangyari sayo kahapon bago ka magpanic kung bakit may kasama ka ngayon sa kama mo. Think, think, think. Sa pagkakatanda ko, nasa bahay ako nila Mishy at nakikipaglaro sa mga inaanak ko kasama si PJ. Pagkatapos ay pinatulog na ni Mishy at ng asawa niyang si Dale ang mga anak nila. Hindi muna nila kami pinaalis at nag-ayang...mag inuman. Inuman! Omg! Napamulat ako at niyuko ko ang brasong nakayakap sa bewang ko. Oh God no. It could be PJ, pero posibleng si Dale din. Mishy would kill me! Unti-unti akong lumingon sa lalake sa likod ko. Like what victims do in a horror movie, the moment when the victim look at his back and see a very gruesome creature. Pakiramdam ko si Freddy or si Jason ang makikita kong nakayakap sa akin. "AHHHH!" "s**t! Who the hell changed my alarm clock?!" This is so not happening! I'm naked, a-and he's naked. And...and...he's PJ! Iiyak ba ako? Magagalit? Magwawala? Of course not. Hindi niyo lang alam kung gaano nagdidiwang ang buong pagkatao ko. Pati ata atay at balun-balunan ko ay sumasayaw na sa loob ko. Nakatulala lang akong nakatingin kay PJ na kasalukuyang nakapikit at pinupukpok ang alarm clock sa bedside table na akala niya sigurong pinanggalingan ng ingay kanina. Mukhang naramdaman niya ang tingin ko dahil napalingon siya sa direksyon ko. "Hey! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Ganto ba talaga ang taong to sa umaga? Disoriented? Ni hindi niya ata napansin na pareho kaming walang damit. "Ano sa tingin ko?" "Malay ko-" I rolled my eyes ng matigilan siya. Finally, mukhang napansin narin niya ang ayos ko. Tinignan niya pa ang sarili niya at pagkatapos ay bumalik ang tingin sa katawan ko na natatakpan ng kumot. "Bakit ka nakahubad?" "Eh ikaw bakit ka nakahubad? Ano sa tingin mo ang ginawa natin sa iisang kwarto na parehong walang damit? Naglaro ng jack and poy? Nag patintero? Taguan pung? Jeez!" "Wag mo nga akong sigawan!" "Mag-isip ka kasi! We're both sharing the same bed, we're naked, you have lipstick marks on your body, and I don't want to think what I look right now because I know I wouldn't like it!" Hindi na nakasagot si PJ at nanatiling tahimik na lamang. Nakatingin lang siya sa akin na para bang pilit na inaalala ang nangyari kahapon. I don't need to be a mind reader para alamin kung ano ang mga naglalaro sa isip niya ngayon. Because I'm thinking the same thing. Whether we like it- No. Whether he like it or not, hindi maitatanggi na mayroong naganap sa pagitan namin kagabi. Hindi ko man matandaan lahat maliban sa alam kong nag i-inuman kami kasama nila Mishy, imposible na hindi nangyari ang naiisip kong nangyari. Napatingin ako kay PJ ng bigla siyang tumayo at hinila ang kumot. Mabilis na hinila ko yon pabalik. Mukhang wala siya sa sarili niya. "Paris James anong ginagawa mo?! Stop pulling the damn blanket!" "Hindi ako titingin. Ikukuha lang kita ng maisusot mo." Hinila na niya ng tuluyan ang kumot at ibinalabal iyon sa bewang niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa walk-in closet. Inilibot ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na lugar. Obviously, kwarto nga ito ni PJ at hindi kwarto ko na una kong inakala kanina. "Here." Impit na napatili ako ng bigla na lang tumama sa mukha ko ang isang shirt. Masama ang tingin na tinginan ko si PJ na nakadamit na at nakapikit na nakaharap sa akin. Bumubulong-bulong na isinuot ko ang damit. It's just a shirt pero dahil malaki iyon ay para na iyong maikling bestida sa akin. "I'm decent." Nagmulat ng mga mata si PJ at lumapit sa akin. Umupo siya sa kabilang dulo ng kama habang nakatingin sa carpeted na sahig. "Kat, I'm sorry." Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. But damn, it hurts. It still hurts. Akala ko tanggap ko na. Akala ko nagawa ko ng sikilin ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero hindi parin eh. Hindi ko parin kayang pigilin ang sarili ko na mahalin siya...at masaktan. Funny how that one little word can cause so much pain. I always been in love with him. Kahit na alam kong hinding hindi niya ako magagawang mahalin. Because he's in love with Mishy. Kahit na ng ikasal si Mishy hindi na ako umasa na mapapansin niya ako. Alam kong hindi parin niya nalilimutan si Mishy. Hindi ganoon ang pagmamahal, hindi basta-basta mawawala. Paano ko nalaman ang tungkol sa nararamdaman niya para kay Mishy? It's simply because I know what he's feeling. Ang tagal kong tinago, ang tagal kong pinigil...pero wala parin palang nangyari. Nasasaktan parin ako dahil alam kong hindi siya magiging akin kahit kailan. They said that I'm perfect. Ironic that Ms. Perfect can't get the man she love. The only man she want to have. "I don't want to talk about it." "You know we need to. Hindi natin pwedeng isantabi lang ito." "Please, just stop it." Tumayo ako at naglakad papunta sa nakabukas na pinto. Namula ako ng makita kong nagkalat sa hagdanan ang mga damit namin. This sucks. Natupad na ang matagal kong pinapangarap pero wala naman akong maalala kahit katiting. Dinampot ko ang mga damit ko at bumaba na ako ng hagdanan. Kinuha ko din ang bag ko na nakita ko sa isang tabi. Saktong tumunog iyon. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag. "Hello?" "Kat!" Si Mishy. "Napatawag ka?" "Omg, Kat! Anong ginawa niyo ni PJ?! Nasa balita kayo. Akala ko ba magpapawala lang kayo ng tama bago ka niya ihatid sa inyo?" "What are you saying? Anong balita? Akong ihatid?" "Nag inuman tayo kahapon diba? Ihahatid ka na namin sa inyo kaso ang sabi mo dito ka muna kay PJ. Sabi din ni PJ siya na ang maghahatid sa iyo dahil kailangan na naming umuwi dahil hindi naman namin pwedeng iwan ang mga bata. At yung balita, well...amm, buksan niyo na lang yung TV." Pinatay ko na ang phone at nagpalinga-linga ako upang hanapin ang remote ng control. "Kat?" "Tumawag si Mishy." Inulit ko sa kaniya ang sinabi ni Mishy. Tahimik na kinuha niya ang remote sa isang lagayan at binuksa ang flat screen TV. Nakalimutan kong itanong kung anong channel pero hindi na pala kailangan. Pagbukas na pagbukas pa lang namin ng TV lumabas na ang balita tungkol sa amin. Somehow mukhang may nakalusot sa napaka high tech na securtiy ni PJ at nakuhanan kami ng picture. Hindi narin ako nagtataka kung bakit animo isa itong importanteng balita. Besides being an elite agent at Black Heart Organization, I'm also a well known super model. "This is not happening." Tinignan ko ng masama si PJ. "Just accept the fact that you took my cherry last night, Roqas." "What cherry?" Binato ko siya ng malakas gamit ng bag na hawak ko. Hindi naman iyon tumama sa kaniya bagkus ay sinalo niya lang. "I was a virgin, moron!" "I didn't see any blood-" "Kailangan ko bang i-explain sayo ang tungkol sa female human body, especially sa hymen ng babae? Really, PJ." "Fine. I apologize, Ms. Von. Kasalanan ko ba na kapag nag-uusap tayo tungkol doon, you made it seems like you have a lot of experience about it?" "Conclusion mo lang iyon." Lumapit ako sa kaniya at pahablot na kinuha ang bag ko. Ngunit imbis na bitawan iyon ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak roon. "Let go." "We need to talk, Kat." "I don't want to talk." Bumuntong-hininga siya at mataman akong tinignan. "Why are you acting like you don't care that something happened between us?" "Because I don't." "God, Kat. Bestfriend kita. Hindi ko dapat ginawa iyon sa iyo." I don't know how long I can hold my brave front. Alam kong ilang taon kong inalagaan ang nararamdaman ko para sa kaniya pero hindi ibig sabihin non na kaya kong tiisin lahat. Especially right now na alam ko na kung maaring ibalik ang oras ay kanina pa binalik iyon ni PJ. "It's not your fault, PJ. Now if you please just let my bag go. Akin naman yan. Don't worry ibibili kita next time ng bag na kamukha nito. Sabi ko na nga ba gusto mong maging girlash din eh." "Be serious, Kat!" "I am serious. Wala kang kasalanan at lalong wala akong kasalanan. Hindi ko nga alam kung bakit alalang-alala ka." "Kat-" "I have a freaking hangover, Roqas, kaya kung pwede lang tigilan mo ako. Let me tell you this lover boy, nagkataon lang na ikaw ang kasama ko kagabi, it could be any man and I won't care." Dumikit ako sa kaniya at pinaglandas ko ang aking hintuturo sa kaniyang pisngi. "Cherries are meant to be picked." Napangiti ako ng walang kahirap-hirap na nakuha ko ang bag ko. Naglakad na ako palabas ng bahay niya at iniwan siyang tulala. I need a little time, a few hours to restart my heart. Then after that, ready to rumble na naman ako para mahalin siya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook