CHAPTER 20
Bumaba na ang araw. Madilim na ang paligid ngunit dahil sa mga ilaw sa paligid ay makikita parin ang ganda ng lugar. Alam kong magkakaroon ng hinuha ang mga agents kung nasaan ako. Ngunit imposible na malaman nila kung saan ang eksaktong lugar.
Tumayo ako at nagpalit ng swimsuit. Baka sakaling ma relax ako kung mag na-night swimming ako. Hindi naman ako masyadong lalayo.
Sinuot ko ang robe at lumabas na ako. Dahil sa private resort ang kinaroroonan namin ay hindi ako natatakot na may makakita sa akin. Solong solo ko ang lugar. Hindi ko kailangang mag alala kung may makakakita sa akin. I made the right decision on coming here.
Nang makarating sa pampang ay hinubad ko ang robe at umupo ako sa buhanginan. Hinayaan kong mabot ako ng tubig dagat.
I tenderly place my hand right above my tummy. My baby. "Tayo na lang dalawa ngayon, baby. Wag kang magagalit kay Momma ha? Hindi ka naman niya ilalayo sa papa mo. Kaya lang pagod na kasi si Momma, baby."
"Kat?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko si Luke. Mukhang kanina pa niya ako hinahanap.
"Hmm?"
"Gabi na ah? Delikado mag night swimming pag wala kang kasama."
"I'll be fine."
"Sasamahan na lang kita."
Tahimik na nakatanaw kami sa dagat. Hindi ininda ni Luke na nababasa na ang suot niyang pantalon. Mukhang wala talaga siyang balak na iwan ako.
"Kat?"
"Yes?"
"Kailan mo balak bumalik sa...BHO?"
Napangiti ako at nilingon ko siya. Sumandal ako sa mga tuhod ko at niyakap ko iyon. "Pinapaalis mo na ata ako eh.
"Of course not. Natanong ko lang naman."
"Hmm. I think 'Ill spend a few days pa or a week, if that's ok to the owner."
"Silly. Syempre okay lang."
Umakbay siya sa akin. Napangiti ako sa inasta niya. Kahit na mayroon na kaming magkaiba na buhay, kahit alam naming hindi pwedeng maging kami ulit, nagpapasalamat ako na sa mga ganitong pagkakataon...nakahanap ako ng matatakbuhan na kaibigan.
"Kat?"
Natawa ako. "Ano na naman?"
"May gusto lang akong sabihin."
"Ano yon? About saan?"
"About you and PJ."
Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang pangalang binanggit niya. Nalulungkot lang ako kapag naririnig ko ang pangalang iyon.
Naputol ang kung ano pa man na iniisip ko ng makarinig ako ng langitngit ng kotse sa hindi kalayuan. Mukhang may dadating na bisita si Luke. Nilingon ko siya. "Narinig mo ba yon?"
"Huh? Ang alin?"
Nagkibit-balikat ako. Guni-guni ko lang ata. "Back to the topic, ano ulit ang sasabihin mo?"
"I just want to tell you, that maybe, you shouldn't give up now. Ang layo na ng narating ng pagmamahal mo sa kaniya. Ngayon ka pa ba susuko?"
"Matagal ko na siyang inintay Luke. I just want to want to give him time. Or maybe none at all. Kahit na maging mag kaibigan na lang kami, he's still the father of my child. And even though I'm letting go of him now that doesnt mean I already gave up on loving him. I'm just setting him free."
"Free? hindi mo naman siya ikinulong ah."
"Ikukulong ko pa lang siya. If we get married because we're having a child then kinulong ko na siya non. I dont want him to marry me because of the child. I want him to marry me because he loves me."
"Ano pa bang kulang sa iyo para hindi ka niya mahalin? Tanga ba siya?"
"The funny thing is, yan din ang tinanong ko sa sarili ko noon. Ano pa ba ang kulang sakin na hindi niya ako magawang mahalin? Kulang na lang ipabago ko yung muka ko para maging kamuka ako ni Mishy."
Niyakap niya ako at sumubsob naman ako sa dibdib niya. I feel the warmth of his body, but it's not the warmth that I'm searching for. Not the arms I want to be wrapped with.
"Kung tapos na kayo diyan pwede ko na sigurong iuwi si Kat."
Napalingon kami ng biglang may nagsalita. Napatayo ako ng makita ko kung sino ang nakatayo at madilim ang mukhang nakatingin sa amin.
"P-PJ?"
Hinila na niya ako patayo. Padaskol na kinuha niya ang robe ko at sinuot sa akin. Akmang hihilahin na niya ako paalis ng pigilan siya ni Luke.
"Hey, pare. What do you think you're doing?"
"Iuuwi ko na si Kat."
"Sinong may sabi na pwede mong dalin ang girlfriend ko sa kung saan mo gusto?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Luke. Itinikom ko iyon ng kinindatan ako ni Luke at pagkatapos ay matalim ang tingin na tinignan si PJ.
"Girlfriend? Kailan mo pa naging girlfriend ang fiancee ko?"
"Let me see, maybe nung umalis siya sa poder mo."
"She's still my fiancee and we're still getting married and incase you didnt know. She's pregnant with my child."
"Modern na ang panahon ngayon and I really dont care if she's pregnant. I can be the father since mukhang wala ka namang pakialam sa kaniya."
"Back off, pare. Pag hindi ako nakapag timpi lulunurin na kita."
Tuluyan na akong hinila ni PJ paalis. Nilingon ko si Luke at nakangiting kinindatan niya lang ako. I rolled my eyes at him. Pasaway talaga. Akalain mong ang taong ito ay maglalaro na animo siya si Kupido.
"PJ, ang mga gamit ko."
"Nakuha ko na kanina pa at kanina parin ako nandito. Busy ka kasi sa pakikipag harutan sa BOYFRIEND mo kaya hindi mo ako napansin na FIANCEE mo."
Lihim akong napangiti ng mapansin kong pinagdidiinan niya pa talaga ang mga salitang iyon. Halata sa kaniya na galit na galit siya talaga. There's no doubt na nakita nga niya kami ni Luke kanina. Not that we're doing anything wrong but if I'm the one looking at PJ with a girl like that, siguradong magwawala ako.
"So anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya ng makarating na kami sa kotse at pinaandar na niya iyon.
"Iuuwi na kita."
"I'm still on vacation."
"And you're still coming home with me."
"How did you find me?"
"It was almost impossible especially when you block everything like that. But you failed to realize that if we couldn't track you then we can certainly find Vallano."
Nagkibit ako ng balikat at hinayaan ko na lang siya. Hindi ko din naman alam kung ano ang kailangan kong sabihin sa kaniya. Kailangan ko bang magpaliwanag? Hindi naman diba? Obvious na naman siguro kung ano ang naging desisyon ko.
"We need to talk."
"For what?"
"Kat-"
"Stop PJ. I understand. Niintindihan ko na everything's over. Dont worry, you're still the father of our child. Hindi ko naman ipagkakait sayo iyon."
"At ano? Ipapaako mo kay Vallano ang anak natin?"
I glared at him. "Damn you! Sa tingin mo nakahanap na agad ako ng ipalit sayo sa loob ng ilang araw? Luke and I? magkaibigan kami! Ilagay mo yan sa makitid mong utak para hindi kung ano-ano ang iniisip mo!"
Natahimik siya. Inihinto niya sa gilid ng daan ang sasakyan at humarap sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at itinutok na lang ang atensyon sa may labas ng bintana.
"Bakit sa kaniya ka pumunta?"
"Gusto kong pumunta sa resort na iyon. Anong magagawa ko kung si luke ang may ari non."
"Why do you still keep your picture with him?"
"Ano namang masama?"
"Why did you leave?"
"You know why."
Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap iyon sa kaniya. "That's the problem, Katerina. Hindi ko na alam kung ano ang mga iniisip mo. Bakit ka umalis, Kat? Bakit hindi mo ako inintay magpaliwanag?"
"Alam ko na ang sasabihin mo."
"You really think you do?"
"Yes."
"Do you still love me?"
Nanglaki ang mga mata ko. Pilit na lumayo ako sa kaniya pero hindi niya ako pinayagang makawala. Nagtama ang mga mata namin at nanghihina na napasandal ako.
"PJ-"
Hhindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil nagsalita na siya. "Because I do, kat. I really love you. More than you think I can love someone. More than the feelings I felt for Mishy. I love you, Kat."
"You're lying."
Bumakas sa mga mata niya ang sakit. "Aminado akong hindi kita minahal agad. Inaamin kong hindi kaagad kita nakita. But I love you, Kat. Kahit na wala pa si baby."
"Narinig ko kayo ni Hex."
Masuyong hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya upang halikan. "I was telling those words to him because I want him off my back. Sinabi ko sa kaniya na kung iyon ang gusto niyang marinig, then so be it. Dahil hindi sa kaniya nakalaan ang mga salitang sa iyo ko lang dapat sabihin."
I bit my lower lip as I stop the sob that want to escape my lips.
"Mahal na mahal kita Katerina Von. If I fell for you first then maybe we able to save ourselves from all these troubles. But maybe it's for he best, dahil alam ko na kahit na anong mangyayari, hinding-hindi kita pakakawalan. Kahit na saan ka pa magpunta, hahanapin kita upang sabihin sa iyo kung gaano kita kamahal."
Umiiyak na yumakap ako sa kaniya. "I'm sorry, PJ. I thought...I thought..."
"It doesn't matter. Ang mahalaga ay maiuwi na kita. Ang mahalaga magkasama na tayo. And I will never let go again. You'll be by my side forever, and I'll be there holding your hand."
Bumaba ang kaniyang mga labi sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko, silently thanking God for giving PJ to me. Thanking Him for making her dreams come true.
Finally.